"What are you thinking?" Maingat nyang tanong. Nahinto ako saglit at napatuwid ng upo. Hawak nya parin ang isang kamay ko at nilalaro iyon. "May gusto sana akong itanong sayo." Ngayon ay sya naman ang nahinto sa pagpisil ng kamay ko saka ako hinarap ng maayos. Nakitaan ko sya ng kaunting kislap sa mga mata. Napatingin ako sa ginawa nyang pagbasa sa ilalim ng labi nya. "Ano iyon?" Kalmado nyang tanong habang diretsong nakatingin sa akin. Bakit ganoon habang tumatagal ay mas lalo syang gumagwapo? Gusto kong sabunutan ang sarili dahil sa tumatakbo sa aking isip. Ipinilig ko ang aking ulo. "Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong nya. Tumango ako bago magsalita. "Kilala mo ba si Faustin dati pa?" Mas lalo akong naging interesado dahil sa pagkagulat nya. Pero mabilis din iyong nagbago at nap

