Chapter 16

987 Words

Tinitigan ko ang sarili sa salamin. Kakatapos ko lang maligo at basang-basa pa ang buhok ko kaya kailangan ko pa itong i-blower. Isang simpleng oversize t-shirt na kulay pink at denim shorts lang ang sinuot ko. Napahinto ako sa pagbo-blower dahil sumagi sa isip ko ang inasta ni Vincent kanina. Ano na naman ba ang problema nya? Hindi kaya nagalit sya dahil hindi ko man lang sya na-replyan kanina? Pero kahit na, hindi dahilan iyon para umasta sya ng ganoon. Kahit kailan talaga ay hindi ko nagustuhan ang ugali nyang iyon. Naalala ko tuloy nung unang beses syang dinala ni Kuya sa bahay. Labing-dalawang taon sya noon at ako naman ay walong taong gulang. Unang kita ko pa lang sa kanya ay nagwapuhan na ako. Simula noon ay lagi na syang nagpupunta ng bahay para sunduin si Kuya. ⏮️ "Psst.." 

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD