"Failure is the opportunity to begin again more intelligently."
Failures and mistakes often stop people from carrying on. However, mistakes offer you lessons and opportunities to improve, so keep going.
-Henry Ford
Isang malalim na paghinga ang ginawa ko bago isinara ang librong binabasa.
Parang ayoko na tuloy basahin ang librong ito. Paano niya nasabing lahat ng nagawa nating mali ay kaya tayong bigyan ng bagong opurtunidad?
Kahit sang-ayon ako sa unang pangungusap na nabasa ay hindi ko pa rin mapigilang mainis.
Kunot ang noo ko habang inililigpit ang gamit
"Sandali lang." Mahinang tawag ng lalaking nasa likod ko.
Dahan-dahan kong ibinaling ang ulo sa pinagmulan ng pamilyar na boses.
"Bakit Faustin?" Nagtatakang tanong ko, tahimik ko syang pinagmasdan.
Marahan nyang binasa ang labi gamit ang kanyang dila, habang ang mga mata'y may pag-aalinlangan.
Hindi ko inaasahan ang pagtawag nya sa akin. Dahil sya ang pinaka-tahimik sa aming klase. Napanguso ako nang maalala ang kaibigan na si Diary.
'Mali pala ako, hindi lang sya ang pinakatahimik' Bulong ko sa isipan.
Minsan ay hindi pa ito pumapasok at ugali din nya ang lumiban sa klase. Pero hindi ko maipagka-kaila na matalino rin ito.
"Nakita ko ang ginawa mo." Natigil ako sa aking iniisip nang bigla syang nagsalita. Saglit akong nagulat pero mabilis din na nakabawi.
Nakaramdam man ng kaba ay pilit kong itinago at pinalitan ng malamig na ekspresyon. Mariin akong pumikit at huminga ng malalim bago sya diretsong tinignan.
"Ano ba ang sinasabi mo, Faustin. Hindi kita maintindihan." Alanganin akong ngumiti at kunwaring tinignan ang aking relo.
"Kailangan ko nang umalis may gagawin pa ako." Mabilis ko syang tinalikuran pero nakaka-dalawang hakbang palang ako nang magsalita sya ulit.
"Nakita kong kinuha mo ang questionnaire sa faculty office kahapon." May diin nyang pagkaka-sabi, naikuyom ko ang aking palad at mabilis na humarap ulit sa kanya.
Mabilis na ang paghinga ko habang mariin na magkalapat ang aking mga labi.
"Naririnig mo ba ang sarili mo? You're accusing me. Hindi ko kayang gawin iyon." Sinagot ko sya ng may sarkastikong tono.
Hindi naman mainit pero pinagpa-pawisan na ako ng matindi. Nagsisimula nang mangatal ang mga binti ko. Ito ang unang pagkakataon na naka-tanggap ako ng isang paratang.
Masakit para sa akin na tanggapin iyon.
Ngayon naniniwala na ako sa kasabihang 'truth can hurts'.
"You want evidence?" Mapang-uyam na sabi nya at itinaas ang cellphone na hawak. Napatakip ako nang bibig sa nakita.
Mabilis kong nilingon ang paligid bago hinablot iyon gamit ang nanginginig na kamay. Pero agad nyang ibinulsa ang hawak na cellphone.
"Ipapakita ko ito sa dean." Walang gana nyang sabi saka ako tinalikuran. Bumilis ang t***k ng puso ko sa narinig.
Isang beses ko lang naman iyon ginawa at bakit kailangan maging big deal sa kanya?
Gusto kong mangatwiran dahil hindi lang naman ako ang gumawa ng ganoon. Yung iba nga ay paulit-ulit pa!
Alam kong mali ang ginawa ko. Pero wala na akong ibang paraan na maisip. Kung hindi ko ginawa iyon ay malamang bagsak ako sa exam ngayon.
Kung nag-focus lang sana ako sa pagre-review ay hindi ko na kailangan pang kumapit sa patalim.
"Wait!" Pigil ko sa kanya, nang-gigilid na ang aking luha at kaunting tulak nalang ay babagsak na ito.
Kung kanina ay medyo kalmado pa akong makipag-usap. Ngayon ay wala na akong paki-alam kung makita nya akong umiyak.
Hindi sya huminto sa pagla-lakad kaya binalibag ko ang hawak na bag sa kanya.
"Ano ba ang gusto mo? Sabihin mo lang at gagawin ko. Huwag mo lang ipakita yan sa iba." Nanginginig ang boses ko habang sinasabi iyon.
Huminto sya at hinarap ako. Nakita ko ang pagpi-pigil sa ngiting gustong kumawala sa labi nya.
Kahit sa ganitong sitwasyon ay hindi ko maiwasan ang paghanga sa itsura nya.
Bahagya syang lumapit sa akin saka umupo sa arm chair habang ang kamay ay naka-tago sa bulsa ng kanyang pantalon.
Diretso ang tingin nya sa akin gamit ang kulay abo na mga mata. Nanliit ang mata ko habang ibina-balik ang titig nya.
"Aminin mo nga Faustin may gusto kaba sa akin?" Tila ba nawala ang iniisip nya dahil sa sinabi ko.
Akala ko ay mamumula sya o kaya ay bahagyang mahihiya pero kabaliktaran ang naging reaksyon nya. Tumawa lang sya at bigla din naging seryoso.
"Hindi kita gusto at mas lalong hindi ko gusto ang mga nanda-daya, Coligne. Hindi ako gano'n kababa pag dating sa babae." Mahinahon nyang sabi bago umangat ang sulok ng kanyang labi.
Saglit syang natigilan bago tumanaw sa bintana. Nakita ko ang galit at kalungkutan sa mga mata nya.
Halos mabingi ako sa sunod nyang sinabi. Alam kong wala na akong magagawa kung hindi sundin iyon.
"Seduce Ice Vincent Guison. Make him fall for you and after that make sure to break his heart. I'll promise to keep your secret." Malamig nyang sabi.
Bahagyang umawang ang aking labi dahil sa narinig.
Sa sobrang dami ng lalaki sa mundo bakit si Vincent pa.
For f**k's sake! He's my brother's best friend and I hate him!