Matagal akong nakatitig sa kisame ng aking kwarto. Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ko saka mariin na ipinikit ang mga mata. Kahit anong gawin kong pagbabaling ng atensyon sa pagbabasa o kaya ay paggawa ng mga assignment ay hindi mawala ang huling sinabi ni Vincent sa akin. "Nababaliw na ako." Naiinis kong sambit sa sarili habang nagpagulong-gulong sa kama. Paano ako makakapag-aral n'yan kung ang pumapasok lang sa isip ko ay si Vincent? Kung paano nya ako hawakan sa baywang at ang mapupula nyang labi na laging nakangiti? Natigil ako sa pag-iisip ng kung anu-ano ng tumunog ang cellphone ko. Mabilis ko iyong kinuha para tignan kung sino ang nag-message. From: Faustin Nandito na ako. Awtomatiko akong napatayo dahil sa nabasa. Nakalimutan kong magkikita nga pala kami para sa re

