Chapter 7

1021 Words
"Diyos ko nasaan na kaya ang apo ko?" hagugol na tanong ni Marina sa sarili. "Nanay paumanhin po at hindi ko napansin ang pag-alis ni Hero dito sa school," naiiyak na wika ni teacher Anya. Walang nakapansin sa pag-alis ni Hero at nagtanong na rin sila sa mga tao sa labas. "Naku teacher paano ko ito ipapaliwanag kay Avy?" nalilitong tanong ni Marina. Tanging ang inang si Marina ang nag-aalaga sa apo kapag pumapasok si Avery. "Huwag po kayong mag-alala Nanay at tinawagan na rin namin ang punong baranggay para tumulong ang mga konsehal sa paghahanap kay Hero. Marahil ay may sumama lamang ito sa mga kakilala," tugon ni teacher Anya. "Sana nga teacher para naman makahinga na ako ng maluwag," tugon ng matanda habang nagpupunas ng mga mata. Kahit ganoon pa man ay hindi maiwasan ni Marina ang sobrang pag-alala sa apo. Ang tanging nais niya sa ngayon ay makita na maayos at walang galos si Hero. Napasugod naman si Avery sa school ng anak nang makatanggap siya ng tawag mula sa kay teacher Anya. "Nay, teacher Anya nasaan si Hero?" mangiyak-ngiyak na tanong ni Avery sa dalawa nang maabutan niya ito sa labas ng nursery school. "Avy, anak nawawala si Hero at hanggang ngayon wala pang nakakita sa kanya," hagugol na wika ni Marina. Bumagsak ang mga luha ni Avery nang marinig na nawawala ang anak. Alam ng lahat na si Hero ang kanyang lakas kahit pa man ay mayroong kakulangan sa kanyang alaala. "Paanong nawala si Hero teacher?" nanginginig na tanong ni Avery ngunit napaupo siya sa sobrang pag-alala. Any moment right now she almost faint thinking if she gonna see her son again. Unang beses na nawala si Hero at hindi niya kayang tanggapin kapag may nangyari sa anak. "Avy, sorry ngunit hindi ko napansin ang pag-alis ni Hero. Tinanong ko ang kaklase niya at ang sabi ay bigla raw itong lumabas ng classroom at hindi na bumalik," paliwanag naman ni teacher Anya. Naging malapit na magkaibigan sina Avery at teacher Anya nang magsabi si teacher Anya na maging ninang ito sa binyag ni Hero. Ikinatuwa naman ni Avery ang bagay na ito na kahit paano ay marami siyang katuwang kay Hero bukod sa kanyang ina. "Avy ang mabuti siguro ay ipaalam natin kay sir Trevor ito para mas matulungan niya tayong hanapin si Hero," suhestiyon naman ni Marina. Umalis si Avery sa trabaho na hindi alam ni Trevor dahil hindi pa ito dumating sa resort. Ipinagbilin niya ito sa mga kasama na sabihin kay Trevor na umuwi siya kapag dumating ito. Maganda naman ang adhikain ni Marina dahil maraming kilala si Trevor at mapabilis ang paghahanap kay Hero. "Subukan ko po Nay, dahil hindi pa ito pumasok ng opisina," tugon niya sa ina. Walang pag-alinlangan niyang dinukot ang cellphone sa bag at agad na tinawagan si Trevor. She can't hold back her tears while dialing her phone. All of her life was Hero and she doesn't know how to get live without him. Second, third and fourth times niyang dinayal ang numero ni Trevor ngunit hindi ito sumasagot. Wala namang sinabi ang binata na hindi ito papasok o kaya naman ay may mahalagang gagawin. "Please answer your phone!" Lalong siyang napahagulgol nang hindi sumasagot si Trevor. Kung kailan na mas kailangan niya ang tulong ng binata ngunit hindi naman niya ito makausap. "Hero, anak ko nasaan ka na ba?" Tanging iyon ang tanong niya kawalan. Lumapit naman si Marina sa anak at niyakap niya ito. Ganoon na rin si teacher Anya para damayan ang kaibigan. "Tahan na Avy, ang mabuti pa ay hanapin na lang natin si Hero kahit saan man tayo makarating. Hindi makatulong kung maghihintay na lang tayo dito," suhestiyon naman ni teacher Anya. "Oo nga anak, tara maglibot tayo sa buong Baranggay at baka may nakakita sa apo ko," dagdag naman ni Marina. Sumang-ayon naman si Avy sa dalawa kahit walang destinasyon ang kanilang patutunguhan. Habang naglalakad sila ay naalala niya ang huling pag-uusap nila ni Hero bago siya pumasok sa trabaho. "Mama bakit wala akong papa, did he still alive?" tanong ni Hero na ikinagulat naman ni Avery nang umagang iyon. Napatigil si Avery sa pagkain at sandaling inilapag ang kutsara saka tinidor upang harapin ang anak. Noon pa man ay may takot siya kapag nagsimula na ang anak sa pagtatanong tungkol sa ama nito. Ngunit bago niya sinagot ang anak ay nginitian niya ito, at sabay punas sa bibig ng anak nang kumalat ang ketchup habang kumakain ng hotdog. "Honey, I know you are smart kid but I can't tell you know. Soon or later you will meet him and I promise that you will have a complete family," paliwanag naman ni Avery sa nalilitong isip ng anak. "But I wanna see him and let my classmates know that I have a father," Hero said with pouted his mouth. Hindi lingid sa kaalaman ni Avery na may mga magulang na naghahatid sa kani-kanilang anak sa school at marahil ito ang nakita ng kanyang anak. Dito nagsimula ang pagkakaroon ng curiosity ni Hero dahil namulat ito na walang ama sa tabi. "No buts Honey, isama na lang kita sa trabaho kapag wala kang pasok," ani Avery sabay pisil sa matambok na pisngi ng anak. "Mama, pwede ba kong pumunta sa work mo kapag gusto kong pumunta?" muling tanong ni Hero. "Oo naman ngunit kailangan mayroong maghahatid sayo kasi maraming sasakyan sa daan," sagot ni Avery. Kahit malapit ang resort sa kanilang bahay at school ay hindi pa rin ligtas na pumunta ang katulad ni Hero dahil sa maraming sasakyan ang dumadaan lalo at malapit din ito sa highway. "Nay sa resort tayo pupunta!" Malakas na sabi ni Avery nang maalala ang usapan nilang mag-ina. Marahil ay hindi lamang sila nagkatagpo sa daan ngunit malakas ang kutob niya na doon ito pumunta. "Bakit nak?" nalilitong tanong ni Marina. "Naalala ko kaninang umaga ang usapan namin ni Hero at palagay ko ay pinuntahan ako nito sa trabaho." Biglang naiba ang kanilang destinasyon at nagsimula silang magtanong sa bawat tao na kanilang nakakasalubong patungong resort. And Avery was hoping that Hero is in the resort.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD