Chapter- 1

2332 Words
Hindi niya maiwasang maalala noong panahon na kinukulit siya ng kaniyang Mama, na maging isang OB Gynaecologist. At kahit ilang beses na balikan sa isipan kung paano siya napapayag nito ay gusto niyang mapa iling. Hanggang nalaman niya na iyon pala ang pangarap ng Ina, kaya lang pinag buntis siya nito kaya’t hindi nakapagtapos ng pag aaral. “Mama! Sa dami ng maaari mong i-request sa akin ay ang OB Gynaecologist talaga? Surgeon ako Ma, at talagang iyan pa ang gusto mo para sa akin?” Gusto niyang tumutol sa kaniyang mahal na Ina, ngunit alam rin niya sa sarili na hindi niya kayang tanggihan ito sa gusto nito. “Anong masama sa pagiging OB Gyn anak? Mas mabuti nga iyon dahil kapag nag asawa ka na at manganganak ay ikaw na mismo ang doctor ng asawa mo?” “Okay, fine! Kahit kailan talaga hindi ako mananalo sa yo Mama!” Maya maya pa ay naramdaman niya ang yakap nito sa kaniyang likuran. “Thank you son,” naramdaman niyang gumanti ng yakap ang anak kaya napangiti na siya. At ngayon ay gusto niyang pasalamatan ang kaniyang Mama, dahil masaya siya sa trabaho. Naging malapit siya sa mga infants at napamahal na sa kaniya ang propesyong iyon. Still surgeon pa rin naman siya ngunit mas lamang ang pagiging OB Gyn. “Bakit nakangiti ka r’yan JC?” Saka pa lang siya bumalik sa realidad ng marinig ang boses ng Ina, at para nga siyang baliw na nakangiti ng wala namang dahilan. “Wala naman Mama,” may naalala lang po ako. Saka niyakap ang Ina, mahal na mahal niya ito. At kahit siguro anong hilingin sa kaniya ay ibibigay niya basta makitang masaya lang ito. “Anak, salamat ha?” Napaka bait talaga nito at sana lang ay abutan pa niya ang magiging mga apo rito. “Mama, lagi ka na lang nagpapasalamat, sige na aalis na po ako.” “Anak, mag ingat ka?” “Opo Mama, gusto ko po na makilala ang tunay kong Ama, at ayon sa research ko ay ang Chairman ng hospital na iyon ay kaibigan ng angkan Montemayor.” “Sige anak, Mag ingat ka roon, balitaan mo ako agad.” “Oo naman po, lagi akong tatawag sa yo Mama, i love you, bye.” Matapos halikan ang Ina ay sumakay na siya sa kaniyang kotse, mga apat na oras ang biyahe niya bago marating ang Maynila. Nakailang hinto rin siya bago narating ang destinasyon. Ito ang ayaw niya sa siyudad, traffic, maingay, at mausok. Kaya lang siya naparito ay dahil sa kagustuhang makadaupang palad ang tunay niyang Ama. Sa isang simpleng apartment lang muna siya nangupahan at saka na siya maghahanap ng maayos na tirahan pag stable na ang kaniyang trabaho. Kahit hindi siya masyadong nakatulog ng nagdaang gabi ay kailangan niyang gumising ng maaga dahil sa bagong mapapasukan. Naka suot lang siya ng casual dahil hindi naman raw required ang pormal attire. At ng pumasok na siya sa loob ng hospital ay halos lahat ng madaanan niya ay sinusundan siya nang tingin. Ngunit hindi na lang niya binibigyang pansin ang mga ito, lalo na ang mga nurse na hantaran kung magpapansin. Tuloy tuloy siya sa ikatlong palapag, kung saan naroon ang opisina ng chairman. Isang katok lang ay bumukas na iyon, naabutan niya roon ang ilang may mga edad na doctor. “Sit down Dr. Julius.” “Salamat po Chairman,” tipid niyang sagot at agad ring naupo. Tahimik lang siyang nakaupo habang naghihintay. Hindi naman nagtagal ay lumabas na ang lahat at tanging naiwan ay ang Chairman. Naupo naman agad ito sa kaniyang harapan at may ibinaba na folder sa table. “Read carefully saka mo pirmahan kung willing ka sa mga nakasaad riyan.” Mabilis na pinasadahan niya ng tingin ang nilalaman ng mga papel bago iyon pinirmahan. Ramdam niya ang mapanuring tingin ng kaharap ngunit binaliwala na lang niya iyon. Baka gano’n lang talaga itong tumingin at nang matapos siya ay agad na nagpaalam. Naisip niyang tawagan ang Ina para ibalita dito na tanggap na siya at nag signed contract na siya. “Opo Mama, ayos na naka perma rin po ako…” “Sige anak at mag ingat ka lagi riyan, i love you.” “ I love you more, Ma.” “Paliko na siya papuntang elevator nang muntik pa siyang mabangga ng isang babaeng humahangos sa pagmamadali, siguro ay patungo ito sa opisina ng Chairman. Hindi na lang niya ito pinansin at mabilis na lumabas ng hospital. Dadaan pa siya sa isang mall para bumili ng ilang gamit Samantala sa loob ng opisina ng Chairman ay pasalampak na naupo si Dra. Pauline. “Ano itong naririnig ko na may lalaking OB Gynaecologist sa departamento? Maraming applicant na babae Lolo, bakit lalaki ang nilagay mo roon?” “Alam ko iyon Pau, at kaya ko tinanggap si Julius ay dahil kailangan ng hospital natin ang gano’n kagaling na doktor.” “Ngunit lalaki siya Lolo! Baka sa halip ay mawalan pa tayo ng mga pasyente?” “Masyado kang negative mag isip Pau, isa pa may dahilan ako kaya tinanggap ko ang batang iyon. At para rin sa iyo itong ginagawa ko Apo! Kaya huwag muna akong tanongin pa ng kung ano ano. Hindi masyadong pinagtuunan ng pansin ni Dra. Pauline ang huling sinabi ng abuelo. “Bahala ka nga Lolo! Sana lang ay tama ang pagtanggap mo sa kagaya niya.” Sabay halik sa abuelo at tuloy tuloy ng lumabas. Bawat madaanan ni Pauline ay ang bagong doktor ang topic ng mga ito. At lahat rin halos ng mga babaeng nakasalubong niya ay walang ginawa kundi ang ismiran siya at taasan ng kilay. Hindi naman siya apektado sa mga ito, maganda kasi siya kaya inggit lang ang mga ito sa kaniya. Lalo pa niyang inaasar sa paraang paghuhubad ng doctor’s lab gown habang naglalakad para rin ipakita ang kaniyang pinaka sexy na katawan. “Hey! Wait!” Halos ika tapilok niya na makahabol ang pasara ng elevator at kung kailan nasa malapit na siya ay saka pa sumara iyon. Hindi nakaligtas sa kaniyang paningin ng tawanan siya ng mga ito. Kaya minabuti na sumandal na lang siya sa wall at naghihintay ng pag bukas ng kabilang elevator. “Hey! Kumusta ang pinaka hot na doktora at pinaka maganda rin?” “Syempre maganda pa rin may magbabago pa ba? At huwag mo akong inisin dahil mainit ang ulo ko ay baka patulan kita!” “Iyan ang matagal ko ng hinihintay ang pumatol ka sa akin? Ano game?” “Anong game?” “Let’s s*x?” “Baliw! Hindi ako pumapatol sa kagaya mong hotdog! Bye!” Malakas na natawa si Jonathan, mabuti at hindi napipikon sa kaniya ang dalaga. Sabagay kung kakagat naman ito sa mga biro niya ay talagang may kalalagyan ito sa kaniya. Kahit sinong lalaki ay sisiklab sa init pag ganitong babae ang nasa paligid. Nakakapag init ng laman at nakapag pabuhay na ugat ang napaka ganda nitong mukha at katawan. Hindi siya naniniwala na mababang uri ng babae ito, palagi niya itong minamasdan sa malayo. At alam niyang may hidden agenda ito kung bakit nagpapanggap na mababang uri. Nang sumunod na araw ay maagang dumating ng ospital si Dr. Julius at timing na may sabay na pasyente sa loob ng delivery room. Kaya agad na tumakbo siya patungo roon, kahit hindi pa man lang nakaka daan ng kaniyang opisina. Ibinaba lang sa gilid ng wall ang kaniyang backpack at naghugas agad ng kamay. Agad nagsuot ng rubber gloves at mabilis ng lumapit sa namimilipit sa sakit na babae. Ang mga nurse ay natulala sa kaniya habang sinusuri niya ang babaeng nakabukaka at anumang oras ay maaaring manganak. “Nurse, prepared the table at wala ng oras! Kailangan mailabas agad ang bata!” Saka pa lang gumalaw ang mga nurse kundi pa niya sinigawan ang mga ito. Kita sa mga mukha ng nag assist na mga nurse ang paghanga sa bago nilang doktor napaka galing nito. Mabilis kumilos, sigurado ang bawat galaw at walang kahirap hirap na inilabas ang overweight na sanggol. “Nurse salamat sa inyo.” Tipid niyang nginitian ang mga ito bago tuluyang lumabas ng Delivery room. Habang lumilipas ang mga araw ay nakapag adjust na rin siya sa mga bagong trabaho. Kuntento na sa kaniyang pagiging OB Gynaecologist at naaliw siya sa mga bagong silang na sanggol. Kaya naman halos magbabad na siya sa nursery department para lang makita ang mga bata. Nang biglang nag ingay ang kaniyang mobile phone at ang kaibigan niya ang nasa linya. “Hello, pare narito pa ako sa ospital…..okay sige darating ako.” Ang bagong kilala niya na kasamahang doktor ang kausap niya. Ito lang ang masasabi niya na unang kaibigan sa loob ng hospital. Nagyaya na uminom daw sila sa bagong bukas na bar at nakakahiya kung tatanggi siya dito.Nang marating ang parking ay agad na pinasibad ang kaniyang kotse at tumuloy kung saan ay naghihintay si Jonathan. Inabutan niya itong nasa counter at may katabing babae, kinawayan naman niya ito nang mag tama sila ng tingin. “Hey! Can you leave us for a while sweetheart?” “Sure Darling.” “Oh, pare bakit mo itinaboy ang chicks mo? May mahalaga ka bang sasabihin na hindi maaaring marinig ng iba?” “Wala naman pare, hindi ko lang kursunada ang babaeng ‘yon, bakit type mo ba?” “Hindi rin,” sabay pa silang nagka tawanan. “Kumusta pala ang department mo pareng JC? Balita ko maraming chicks doon?” “Ha? Aba ewan ko.” Busy ako pare sa dami ng pasyente ko, kaya wala akong nakikita na gaya ng sinasabi mo.” Malakas na tumawa si Jonathan saka bigla ring nag seryoso. “Walang halong biro pare, na meet muna ba ang pinaka hot na babae sa buong hospital?” “Who?” “Dra. Ma. Pauline, pare, grabe ang alindog niya nakakapagpa buhay ng mga patay.” “Bakit hindi mo ligawan pare?" ayaw lang niyang magpa halata pero hindi siya interesado sa pinagsasabi nito. Dahil ang mga ganitong klase ng babae ay hindi dapat pag ukulan ng pansin. “Masyadong maganda pare at napaka hot, dinadaan ko nga sa biro kaya lang parang hindi apektado sa mga sinasabi ko. Pero kung kakagat pare ay hindi ko palalampasin ang pagkakataon at siguradong hindi iyon makaka tayo kinaumagahan.” Malakas siyang natawa, may pagka loko rin pala itong kasama niya. Naramdaman niyang may tumabi sa kaniya at ng lumingon siya ay isang babae na halos wala na yatang suot at kapirasong tila na lang ang nasa katawan. “What do you want, lady?” “You! Join me loverboy…” “Sorry, lady kaya lang pauwi na ako at hinihintay na ako ng asawa ko.” Malakas na halakhak ang narinig ni JC, itong kasama niya ay hindi maawat sa kakatawa. Kaya’t mabilis na gumana ang isipan at walang salitang hinila ang babae at itinulak ng malakas sa katawan ni Jonathan. “Oh, f*ck! Putcha!” sapol ang kaniyang buddy. Ang lakas ng bagsak ng babae sa kaniyang lap. At pag angat niya ng mukha ay malapad ang ngisi ng kasamang si JC. “Take her pare, isipin mo na lang na siya si Miss Hot Doktora, ang kaulayaw mo.” sabay kindat niya sa naiinis na kasama. “F*ck you! Kahit ipa belo pa ang isang ito ay hindi pa rin magiging si Doktora, pero pwede na pare.” sabay hila niya sa babae at dinala sa madilim na lugar. Nasundan na lang ni JC ng tanaw ang palayong partner, saka kinuha ang kaniyang wallet at binayaran ang kanilang ininom. “Bro, pakisabi doon sa kasama ko ay tatawagan ko na lang siya,” at nagmamadaling lumabas ng bar. Hindi talaga siya mahilig sa ganitong lugar dahil nandidiri siya sa mga babaeng nakikipag makeout sa kahit sinong lalaki. Malapit na siya sa paupahan na apartment ng may masanagan siya ng ilaw sa gilid ng daan. Agad siyang huminto at dinaluhan ang isang buntis na nahihirapan kumilos. Ano mang oras ay maaaring manganak kaya’t lumuhod siya sa tabi nito at tinulungan tumayo. “Bakit ka nariyan sa ganitong oras? Nasaan ba ang asawa mo at hinahayaan kang mag isa?” “Mister, pakiusap tulungan mo ako at w-wala akong asawa kaya nag-iisa ako.” “Okay, ganito na lang ihahatid kita sa ospital kung saan ka nag papa check-up. Sigurado na manganganak ka na at kung iiwan kita dito ay hindi kayo ligtas ng bata sa tiyan mo. Halika humawak ka sa akin at ituro mo sa akin ang kung saang....” “Ahh! Mister, lalabas na yata!” Hindi malaman ni JC ang gagawin kaya binuhat na lang niya ang buntis at nagmamadaling dinala sa kaniyang kotse. Matapos malagyan ng seatbelt ay pinasibad na niya ang sasakyan. “Saang hospital kita ihahatid?” “Ahh! Ang sakit! “Tiisin mo misis, saan kita ihahatid na ospital....oh, f*ck. Biglang tapak niya sa preno dahil sa isang malakas na sigaw ng babae. Pag tingin niya dito ay umiiyak na ito at nahihirapan ng huminga. Hindi na siya nakapag isip pa at dinala niya ito sa pinaka malapit na hospital. Parang ayaw pang tanggapin dahil wala raw record doon ang buntis kaya napilitan siyang ibigay ang kaniyang id at siya na rin ang tumatayong guardian nito. Nang nakasakay na sa stretcher ang buntis ay tatalikod na sana siya nang maramdaman ang higpit ng hawak nito sa kaniya.Kaya nagdesisyon siyang sumama na sa loob ng delivery room. “Inhale exhale at mamaya lang mawawala na ang sakit, sundin mo ang lahat ng sasabihin ng doktor mo.” “Pakiusap h-huwag mo akong iiwan…Ahh! Ang sakit!” Habang pinupunasan niya ang pawis nito sa noo ay unti unti siyang nakakaramdam ng kakaiba sa buntis. Naawa siya sa sitwasyon at nagtataka rin kung bakit ang sabi nito ay wala itong asawa. >>>
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD