Hinawakan ni Marlon ang kamay ko kaya napalingon ako sa kanya. “Okay ka lang ba?” ani niya sabay saglit na sumulyap sa'kin bago binalik sa kalsada ang tingin. Dahil sa hindi ko kasiguraduhan kung totoo ng bang siya 'yong nakita ko, hindi ko na ito mawala sa isip ko. Bakit ngayon pa? Kung kailan okay naman na ako. “Oo naman.” hinayaan kong hawakan niya ang kamay kong nasa hita ko. I let him to touched me, that way I could feel him – his presence. Nasanay na din naman ako at komportable sa hawak niya, gusto ko lang malaman kung anong mararamdam ko sa tuwing hinahawakan niya ako pero wala akong kakaibang maramdaman. Hindi ko alam kung anong hinahanap ng katawan ko, kung sino ang gusto ng puso ko. Nananitili pa rin ang hawak niya sa'kin. Nilingon ko siya. “Naniniwala ka ba sa dopp

