Nicole "HELL no, Babe! No! No way!" sunod-sunod na sabi niya matapos kong ipaliwanag sa kaniya ang gusto kong mangyari para sa kasal namin. Ang sabi ko sa kaniya ay magpakasal nalang muna kami sa judge para wala na munang maraming gastos. I am looking forward sa bubuohin naming pamilya. Gusto kong 'yon ang pagtuonan ng pansin sa halip na ang kasal namin. Total para sa akin ay ang mahalaga lang naman ay maikasal kami, hindi na kailangan mag-imbita ng mga hindi naman namin gano'n kakilala. Dapat ngayon pa lang ay isipin na namin ang future namin. "Pero, Jason—" "Babe!" Umiling siya at sinulyapan ako. "Hold that thought. Think about it now and we will talk about it at home, mamaya. Babe, I want to give you the best wedding of your choice, I was thinking about a church wedding, alright? I

