Nicole I sighed after I found myself awake in the middle of the night. At hindi na ako dinalaw ng antok kahit anuman ang pagpilit ko sa sarili kong makatulog. Nakaramdam na lang ako ng pagkalam ng sikmura, kaya naman imbes na pilitin ko pa ang sarili kong matulog, bumaba ako upang pumunta sa kusina. I've checked the time in the big wall clock when I finally reached the first floor of the house, alas-tres pa lang ng madaling araw kaya naman sobrang tahimik pa ng buong paligid. Iilan lang rin ang mga nakabukas na ilaw sa buong bahay at lahat pa ng 'yon ay naka-dim lang na para bang mga emergency lights. Hindi kasi ako masyadong kumain ng hapunan kagabi kaya napakaaga kong nakaramdam ng gutom ngayon. Sa gutom ko, dapat ay dumiretso na ako sa kusina. Ngunit napako ang tingin ko sa lalakin

