CHAPTER 83

1475 Words
Third Person Nakauwi na sila Aikka at Peitho habang dala dala ang sandamakmak na ‘shopping bags’ na nag lalaman ng kanilang mga pinalimi kanina. Pag pasok nila ng bahay, nakita nila ang ayos ni Vanessa, ganun din si Axel kaya naman nagugulohang nagkatinginan si Aikka at Peitho. “Saan kayo pupunta?” tanong ni Peitho. Tumingin si Axel kay Peitho, bago siya tumingin kay Vanessa na nakaupo sa sofa at abalang kumakain ng chichirya. “Hindi, kararating lang din namin,” sagot ni Axel kay Peitho na naging dahilan para mas magtaka pa ang dalaga. “Kung ganun, saan kayo galing?” tanong naman ni Aikka kay Axel. “Nanggaling kami sa Ismith company, may binura lang akong empleyado,” malamig na sabat ni Vanessa. “Ahhhh, doon lan- what the hell? Nangagaling kayo doon ng hindi n’yo manlang kami isisama?” hindi makapaniwalang sabi ni Peitho kay Vanessa. “Nag shopping kasi kayo, kaya hindi na kayo naisama,” sangat ni Axel. Sinamaan naman ito ng tignin ni Peitho bago ang lakad sa unahan ni Vanessa, ibinba niya sa lamesa ang tatlong ‘shopping bags’. “Heto, mga napamili ko na babagay sa’yo,” sabi ni Peitho at tumalikod na dahil nakaramdaman siya ng bahagyang pag tatampo dahil hindi manlang sila sisinaman ni Vanessa. “Here’s the newest and latest release of Ismith company, Queen,” biglang dating ni Butler Shun galing sa sasakyan dahil kinuha nito ang cellphone na dinala ni Queen. “Give it to her,” malamig namang sabi ni Vanessa. Tila pumalakpak naman ang tenga ng dalawang nag tatampo, nag katinginan sila at agad na bumalik sa harapan ni Vanessa. Nakita nila ang hawak hawak ni Butler Shun na napakagandang cellphone. “Para sa amin ba ‘yan?” tanong ni Aikka kay Butler Shun. Tumango naman si Butler Shun sa kanila bilang sagot. “YAYYY!” sigaw ni Aikka sa saya at agad na kumuha ng isang cell phone. Habang si Peitho naamn ay hindi makapaniwalang kinuha ang napakagandang cellphone habang nakatingin sa box na pinag lalagyan nito, nakaranas na si Peitho ng brand modeling noon kaya naman tila alam na niya ang ibig sabihin ng pag bibigay sa kanila ng cellphone. “Queen…” sabi ni Peitho at kinuha ang box at saka itinaas at ipinakita kay Vanessa, “I-momodel namin ito?” hindi makapaniwalang tanong ni Peitho kay Queen. Natigil naman sa pag sasaya si Aikka at napatingin kay peitho at sa box na hawak hawak nito. ANg box na ito ay hindi inilalabas sa market, tanging mga brand model lang ang nakakatanggap ng ganitong box. Kaya ganun na lang ang gulat ni Peitho dahil matagal na niyang gustong maging model ng Ismith company, sadyang nahihiya lang siyang magsabi kay Vanessa. “Yes, together with Aikka and Axel, itatawag na lang sa in’yo ang schedule, iniwan ko na mga cellphone numbers n’yo doon,” malamig na sagot ni Vanessa kay Peitho. Wala namang masabi si Peitho, maging si Aikka ay natameme na lang din. Para sa kanila, sobrang karangalan ang maging isang model at kauna unahang model ng Ismith company, dahil isa itong napakalaking kompanya na talagang sinakop na ang buong mundo dahil sa bawat panig ng mundo ay mayroon itong naglalakihang branches. “QUEEN!” naiiyak na sigaw ni Peitho at Aikka bago nito sabay na tinalunan si Vanessa na kasalukuyang nakaupo sa sofa. Mabuti na lang at naging maagap si Butle Shun at Axel, alam na nila ang gagawin ng mga ito kaya nagawa nitong hilahin ang kwelyo ng damit ng mga ito sa likuran at hawakan ang damit nito upang mapigilang bumagsak kay Vanessa. “Kalma, babawiin ko ‘yan, sige,” malamig na sabi ni Vanessa kaya naman natigilan sila Aikka at Peitho. “Enebe, kelmede nemen keme, Queen, hehehe,” sabi ni Aikka. “Oo nga Queen, susubukan lang sana namin kung malambot ba yung sofa, hehhehe,” tuamtawang gatong naman ni Peitho. Binitawan na ni Axel at Butler Shun ang dalawa, hindi naman ito naging agresibo. Dahan dahan silang nag tungo kay Vanessa at naupo sa tabi nito bago nila ito sabay na niyakap. “C…can’t breath!” malamig na sabi ni Vanessa. “Ay, sorry, hahahaha,” masayang sabi ni Peitho dito. Hendrix Kyro William (King) Agad akong nakarating sa bahay dahil malapit lang naman ang vet clinic na aking pinuntahan, naabutan kong nag lalaro ng ML ang mga loko kaya hindi napansin na dumaan ako sa kanilang harapan. “King, nag luto ako ng hapunan para bago tayo umalis at mag punta sa bar opening, nakakain na tayo,” biglang sabi sa akin ni Luke na hindi ko napansing wala sa sala dahil nandito pala sa kusina. “Mabuti nga yung naisipan mo,” sabi ko sa kanya habang nag hahanap ng mga tupper ware na available at aking lalagyan ng mga pagkain ni Lucky. “Ang dami naman niyan? Dapat bumili ka na rin ng canister, mas magandang dispenser ng cat foor yun,” suhestiyon ni Luke sa akin. “Sa susunod na ako bibili, kapag hindi ko kasama si Lucky bawal daw kasi s’yang mapagod dahil mayroon siyang sipon at katatapos ko lang siyang paturokan ng anti- parvo at painumin ng dewormer,” mahabang paliwanag ko dito. “Kung ganun, mabuti pa ito na lang ang gamitin mo,” sabi naman sa akin ni Luke kaya tiningna ko naman siya. Nakita ko ang mga tupper ware na kanyang hawak hawak. Sakto lang ang laki nito at hindi gaanong maliit o malaki, kinuha ko ito sa kanya. Ihiniga ko muna si Lucky sa kanyang higaan na binili ko rin sa vet clinic kanina, bumili din ako ng litter box pero idedeliver pa nila ito mamaya kaya hindi ko nadala. Kinuha ko ang ibinibigya ni Luke na tupper ware at agad na pinag bubuksan ang mga takim ng mga ito. “Tulungan na kita,” ssabi ni Luke. Tumulong na siya sa akin, inuna namin ay buksan ang bawat takip ng tupper ware bago ito pinunasan ng malinis at puting basahan at saka isinalin ang mga cat food na aking binili. Idinikit ko sa mga takip nito ang free laber na kasama sa bawta pack ng cat food upang hindi din sila malito. “Dito mo ilagay ‘yon gatas,” sabi naman ni Luke at kinuha ang isang babasaging garapon na sa tingin ko ay sasakto ang gatas na aking binili para kay Lucky. “Naks, parang may baby kayo niyan, ah?” sabi ni Noah na kapapasok lang ng kusina. “Akala ko nag lalaro kayo?” tanong ko sa kanya habang isinasalin pa rin ang gatas sa garapon na ibiniagy sa akin ni Luke. “Patay pa naman ako, kukuha lang ako ng tubig,” sabi ni Noah. Tumango naman ako sa kanya at hindi na nag tanong pa. Narmdaman ko na dumaan si Noah sa aking tabi at ito ay tumigil upang tingnan si Lucky. “Nakita ko kanina, magkaiba ang mga mata n’yan, normal daw ba ‘yon?” tanong ni Noah, “Ang alam ko ang isa sa mga mata ng pusa kapag magkaiba ang kulay nito, bulag daw,” dagdag pang sabi ni Noah. “Hindi ko nga rin naitanong, puro tulog kasi siya noong nandoon kami kaya hindi din nakita o napansin ng doctor, pero pag balik namin after 1 week, itatanong ko na lang,” sabi ko kay Noah. “Tama, baka mamaya bulag pala ‘yan, nakakaawa naman, balik na ako doon!” sabi nito bago nag lakad na paalis at palabas ng kusina upang bumalik sa kung saan sila nag lalaro ng mobile legends. “Bumili ka rin ba ng treats para sa kanya?” tanong sa akin ni Luke. “Ah, oo, nasa supot pakikuha nga,” sabi ko sa kanya dahil nasa tabi niya lang yung supot na nag lalaman ng iba ko pang pinamili. Kinuha niya ang supot at itinaktak sa lamesa, kinuha niya ang mga treats na para sa pusa, nasa bawat stick pa ito ng plastik nilang lalagyan at sadyang doon na rin ipapakain. Kumuha siya ng isang garapon at doon ito inipon. Napuno ang garapon dahil sa dami ng aking binili. “Siguradong magiging masaya ang stay ni Lucky dito,” nakangiting sabi ni Luke habang inaayos ang iba ko pang pinamili. “Ang ganda gandang pusa tapos itinapon lang, tsk,” sabi ko naman habang nakatingin kay Lucky na mahimbing na natutulog. “Oo nga, ang alam ko may lahi ang ganyang pusa, hindi mo rin siguro naitanong, hahaha,” tumatawang sabi ni Luke sa akin. Napailing na lang ako, dahil sa sobrang excited ko kanina habang namimili hindi ko namalayang nakalimutan ko na palang itanong kung may lahi pa ito. “Sa susunod na lang din, pag balik namin, babalik pa naman kami,” natatawang sagot ko kay Luke.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD