CHAPTER 91

1463 Words
Third Person “Hindi umalis si Peitho, nakita ko siya na nag tatago at nag mamasid sa likuran ng isang sasakyan,” Natahimik ang mag kakaibigan, maliban kay King dahil sa sinabi ni Luke. Alam ni King na naroroon si Peitho dahil malakas din ang pakiramdam nito. Ganun pa man, hinayaan lang ito ni Kingdahil inakala nitong nag aalala nga lang ito para kay Zane at sa kanila. Pero ngayon, dahil sa sinabi ni Luke, ano nga ba ang magagawa ni Peitho para tulungan sila kung sakali? “Hayaan n’yo na, huwag na kayong mag isip ng kung ano ano kay Peitho, sadyang nag aalala lang siguro sa akin ‘yon,” kinikilig na sabi ni Zane sa kanila Napatingin naman si Luke kay King, tumango si King dito upang iparatin na hayaan na lang. Napahinga ng malalim si Luke at lumapit kay King bago dahan dahan na hinaplos ang malambot at malagong balahibo ni Lucky. “Meow~” pag ingaw ni Lucky dahil hindi naman ito natutulog marahil ay sapat na ang naitulog nito. Vanessa Lavender Smith (Queen) “Queen, are you coming with us?” tanong ni Peitho habang nakadungaw sa pinto ng aking kwarto. Tumayo naman ako mula sa aking kinauupuan, nakita kong nagulat ito marahil ay dahil nakabihis na ako. Actually, kanina pa ako bihis at gising, sadayng hindi lang muna ako lumalabas dahil binabawasan ko pa muna kahit papaano ang mag papel kong gawain. Pinipirmahan ko muna ang mga papeles na kailangan ng pirma at itinatapon naman ang mga walang kwenta. Bago tuluyang lumapit kay Peitho, dinaanan ko muna ang aking bag na nasa ibabaw ng aking kama. Kinuha ko ito at isinukbit sa akin bago ako mulig nag lakad at patungo na ‘yon kay Peitho. Isinara ko na ang pinto ng aking silid at naunang mag lakad pababa kay Peitho, katahimikan lang ang nangingibabaw sa amin habang nag lalakad kami sa hagdan. Sanay naman na si Peitho sa akin, kaya walang problema kung ganito man ang nangyayare. “Oo nga pala, Queen, may ipinadala sa’yo si Kuya na isang mamahaling alak dahil alam daw niya na mahilig ka uminum ng dis- oras ng gabi,” nakangiting sabi sa akin ni Peitho. Tumango ako sa kanya bilang sagot, nakababa na kami ng hagdan at duemretso ako agad sa mga bulaklak na sa tingin ko ay bagong pitas. Hinawakan ko ang isa at tama nga ako, bagong pitas nga ang mga ito. Pag katapos nun ay nag lakad na ako muli, sumunod lang sa akin si Peitho hanggang sa makartaing kami sa grahe. Mukang ihahatid na lang ulit kami ni Butler Shun dahil naabutan ko sila Aikka at Axel na nakaupo sa isang Van habang nakabukas ang pinto nito. “Nandyan na pala kayo,” sabi ni Axel at agad na umisod ng kanyang p’westo. Pumasok na si Peitho sa back seat at tumabi kay Axel at Aikka, habang ako naman ay pinag buksan ni Butler Shun ng pinto sa passenger seat dahil doon ko mas gustong maupo. Pumasok ako doon at agad na inayos ang akign upo, habang si Butler Shun naman ay nag punta patungo sa driver’s seat. Pag pasok nito ay agad nitong ikinabit ang kanyang seat belt at binuhay ang makina bago ito ang umpisang mag maneho. Tulad ng madalas kong ginagawa kapag ako ay nasa byahe at hindi nag mamaneho, tumingin na ako sa labas ng bintana. Sa labas ng bintana kung saan kitang kita koa ng mga tanawin at paligid na aming nadadaanan. “Queen, ang linis nung ginawa mo kagabi, wala manlang kasabit sabit,” biglang sabi ni Axel sa akin. “I’m not Queen for nothing,” malamig kong sabi sa kanya habang nakatingin pa rin sa labas ng binata at hindi sila tinitingnan. “Sabi nga namin,” natatawang sabi ni Aikka. “Kaya pala dalian pauwi, may gagawin na naman palang stunt tapos hindi manlang tayo isinama,” sabi ni Peitho. “Tama, tama, parang other’s tayo n’yan,” sulsol naman ni Aikka kay Peitho. Hindi ko narinig na nag salita si Axel. “Aray, bat naniniko?” biglang sabi ni Axel. “What the hell, Axel, wala ka talagang pakiramdam, sakyan mo sana kami yun ang ibig sabihin ng paniniko ko!” sigaw ni Peitho kay Axel. “Aba, malay ko ba, may ginagawa ako ngayon, eh,” sabi ni Axel. Tiningnan ko sila sa rear mirror, nakita kong ipinakita ni Axel ang screen ng kanyang laptop kay Peitho at Aikka. Bago pa man nila ako mahuling tintiingnan sila, agad ko ng inalis ang aking tingin at ibinalik ito sa labas ng bintana. “Ang dayaaaa!” sigaw ni Aikka. “Oo nga! Parang mga hindi pamilya! Pati pala si Axel kaparte ng ginawa mo kagabi, Queen, napakdaya hindi mo manlang kami inakit!” nag mamaktol namang sabi ni Peitho. “Axel is never been a part of my plan yesterday night, it’s just that, I’m too lazy to hack the CCTV just to delete those clips,” malamig kong sagot. “Oh, narinig n’yo ‘yon? Hindi ako kaparte at sadyang tinatamad lang si Queen na I- deltee ang mga clips ng CCTV kung saan nakikita siyang kasama ang lalaking pinatay niya kagabi,” pag tatanggol ni Axel sa kanyang sarili mula sa dalawang si Peitho at Aikka. “Ewan sa inyo, dapat ilibre n’yo kami ng star bucks bago mag puntang school!” sabi ni Aikka. “Tama, tama,” sulsol ni Peitho dito, “Butler Shun, daan tayo star bucks ililibre kami ni Queen at Axel.” Tumingin sa akin si Butler Shun, tumango na lang ako dito dahil wala na rin naman akong magagawa. Para hindi na sila mag isip ng kung ano ano. Dahil doon, agad na nag U- turn si Butler Shun upang puntahan ang star bucks. Mabuti na lang at maagap pa kaya hindi kami mahuhuli sa klase, I mean, sila, dahil hindi naman ako umaattend ng klase. Pero mamaya, dahil PE time namin, kailangan kong umattend dahil kailangan nandon ako physically and hindi lang basta mga notes ang gagawin doon. Mabilsi kaming nakarating sa tapat ng star bucks, mabuti na lang at hindi sa loob ng mall ang star bucks na pinag dalhan sa amin ni Butler Shun. “Kaming dalwa na lang ni Aikka ang kukuha, ano bang sa inyo?” tanong ni Peitho at tumingin kay Axel. “Caramel Macchiato sa’kin,” sagot ni Axel habang abala pa rin sa pag tipa ang kanyang mga kamy sa kanyang laptop. “Okay, caramel macchiato ang kay Axel, how ‘bout you, Queen?” tanong naman ni Peitho sa akin. “Chocolate cappuccino,” malamig kong sagot dito. “Okay, copy, chocolate cappuccino ang kay Queen, ikaw Butler Shun anong sa’yo?” baling naman ni Peitho kay Butler Shun. “I’m good,” seryosong sagot nito. “Sige naaa, huwag ka ng mahiya, libre ‘to ni Queen!” pamimilit ni Peitho kay Butler Shun. “No it’s fine,” muling seryosong sbai nito kay Peitho. “Sig-” pinutol ko na ang sasabihin ni Peitho. “Butler Shun have allergy on coffee’s,” pag putol ko kay Peitho. Natigilan naman ito, mukang saka pa lang niya naalala na ito nga pala ay malakas ang allergy sa kape. “Nakalimutan ko, Butler Shun, sorry,” sabi ni Peitho dito. “Bumili ka na, mahuhuli na kayo sa PE class n’yo,” sagot naman ni Butler Shun dito. Tumango si Peitho at tumingin sa akin, kinuha ko ang aking cell phone at agad na ibinigay sa kanya. Napangiti naman ito ng malaki bago ito tuluyang nag lakad paalis kasama si Aikka at papasok sa star bucks. Naiwan kaming tatlo nila Axel at Butler Shun, tahimik lang kami at ang tanging maririinig lang ay ang laptop at pag tipa ni Axel sa kanyang laptop. Habang nag hihintay ay tumingin muna ako sa unahan ng sasakyan, doon ay kitang kita ko ang mga dumadaang sasakyan. Biglang may dumaang sasakyan na kulay itim, hindi gaanong tinted ang salamin kaya naman kitang kita ko ang muka ng nag mamaneho. Si King ito at tulad ng madals kong makita sa kanyang muka, nakakunot ang mga noo nito na tila ba sirang sira ang umaga niya. ‘Sira na nga ang muka, sira pa ang umaga, ang saklap naman ng buhay n’ya,’ sabi ko sa aking isipan bago inilipat ang aking tingin sa loob ng star bucks. Mukang nakita naman ako ni Peitho at Aikka dahil ibinaba ko ang salamin ng passenger seat, wala akong pakialam kung tumatakas ang lamig ng aircon dahil madali naman itong nababalik. Nakita kong kumaway sa akin ang dalawa, nakaupo ang dalawa sa isang lamesa at sa tingin ko ay hinihintay nila ang kanilang order na sa tingin ko ay marami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD