Vanessa Lavender Smith (Queen) Tiningnan ko naman agad ang screen ng aking cell phone, nakita ko doon ang larawan nilang dalawa ni Duke. Parehas silang nakatingin sa camera at parehas din na maputi ang muka, dahil sa harina na sumabog kanina s amuka ni Kyro habang si Duke naman ay in born na ang pagiging puti dahil sa ito ay white tiger. Nakangiti si Kyro sa larawan, at tulad nang kanyang sinabi sa akin ay isinend ko nga ito kay Peitho. Pag katapos kong isend yung larawan nung dalawa ay bumlaik ako doon sa larawan, tiningnan ko ito ng mabuti at doon ko napansin na kulang na lang ng kaunting kulay itim na guhit sa pisngi ni Kyro ay magiging mag kamuka na silang dalawa ni Duke. Imbis na burahin ang larawan tulad nang mga nakasanayan kong gawin ay hinayaan ko na lang ito na nasa gallery ko.

