CHAPTER 50

1494 Words
Third Person Agad na nakita ni Peitho si King, dahil nag dala ito ng alak sa bisitang nasa katabing lamesa lang kung saan nakap’westo si King kasama ang mga kagroupo nito. “Si Liam lang ang wala,” mahinang sabi ni Peitho habang nag lalakad papalayo sa lamesa nila King. “Hahanapin ko si Liam,” sabi naman ni Aikka sa kabilang linya ngunit hindi ito sinang ayunan ni Axel. “Ako na ang bahala kay Liam, nasa kwarto siya ngayon nila King at kasalukuyang nag babantay ng system ng CCTV,” sabi ni Axel kay Aikka. “Okay, copy,” sagot naman ni Aikka. Ngumiti na ito ng matamis matapos makipag usap sa kanyang mga kagroupo. Nag lakad na si Aikka ngunit agad ding napatigil dahil naramdaman niya ang isang titig. Lumingon siya kung saan nag mumula ang pakiramdam niya na tila may nakatitig sa kanya. Napunta ang tingin niya sa lamesa kung saan naroroon si King, at ang nakita niyang kasalukuyang nakatitig sa kanya ay si Henry, ang kagroupo ni King na may pagkaisip bata. ‘Nakilala niya kaya ako?’ hindi maiwasang tanong ni Aikka sa kanyang isipan. Imbis na ipakita ang nararamdamang kaba, ngumiti siya kay Henry bago siya tumalikod dito at normal lang na nag lakad papalayo upang mamigay ng mga alak sa mga bisitang abala sa pag uusap tungkol sa kanilang kanya kanyang negosyo. Habang si Henry naman ay nalungkot matapos siayng talikuran ng waitress na si Aikka, gusto lang naman sana niya itong tawagin upang humingi ng alak. Ngunit dahil sa ginawang pag ngiti ng babae sa aknya ay natameme na lang siya bigla at hindi na nasabi ang kanyang pakay. Nakalayo na si Aikka at may dumaan ng waiter sa kanyang harapan, ngunit hindi niya ito pinansin, hindi siya humingi ng alak dito. Tila nawalan na siya ng gana kaya naman umayos na lang siya ng kanyang upo. “Bakit parang ang lungkot mo naman yata?” tanong ni Luke kay Henry ng mapansin na ang isip batang kagroupo nila King na madalas ay nakangiti, ngayon ay nakasimangot na at walang imik. “Hulaan ko kung bakit?” nakangising sabi ni Zane habang nakaturo pa kay Henry. “Bakit?” hindi maiwasang tanong ni Luke dito at inaasahang seryoso ang isasagot ng lalaki sa kanya. “Kasi, walang candy buffet!” masayang sabi ni Zane at ang tono ay tila tamang tama siya sa kanyang hula ngunit ng mapansin niya kung paanong hindi naapektohan si Henry at nanatili lang itong nakasimangot at walang imik ay nawala ang kanyang ngiti sa kanyang labi. “Mali ba ako?” tanong niya ngunit hindi siya sinagot ni Henry. Hindi na naiwasang mapatingin ni King sa tatlo dahil sa labis na pag tataka. “Anong nangyayare?” hindi mapigilang tanong ni King na ngayon ay katatapos lang kainin ang masasarap na pagkain na siyang inilagay niya kanina sa kanyang plato. “Si Hnery kasi, bigl ana lang nalungkot at ngayon ay walang imik,” sabi ni Luke kay King. “Anong nangyare, Henry?” tanong ni King kay Hnry ngunit tumingin lang ito kay King at umiling bago muling yumuko. “Hayaan niyo na muna, baka nawala lang sa mood at inaantok,” sabi ni King kay Zane at Luke. Sabay namang nagkatititgan si Zane at Luke at saka ito sabay na nag kibit balikat dahil sa sinabi ni King. Gnaun pa man, sinunod nila ang sinabi ni King. Hindi na nila ito kinausap o inusisa pa dahil baka inaantok na nga ito. Habang sa kabilang banda naman, si Liam ay hindi mapalagay sa kanyang kinauupuan. Binuksan niya ang kanyang laptop na namatay dahil sa hacker na tinangkang pasokin ang sistema ng CCTV na kanyang binabantayan. Pag kabukas na pag kabukas ay naging malinis ang sistema, walang kahit na anong naiwang kalat na mula sa hacker, miski ang hacker ay wala na rin sa sistema. Ngunit, hindid apat mag pakasigurado si Liam. Alam niyang may pakay ang hacker na nag tangkang pasukin ang sistema kanina. Naisipan ni Liam na gumawa ng isang scanner, isang scanner upang makita kung my kinopya o kinuha ba ang hacker sa sistema na kanyang binabantayan. Nag simula na itong mag scan at naging malinis naman ang lahat, walang kahit na anong files o record ang nawala, wala ding nakopya o kung ano pa man. ‘Siguro ay namatay din ang laptop nito pagkatapos niyang ibalik sa akin ang virus na ginawa ko,’ sabi ni Liam sa kanyang isipan habang nakatingin sa screen ng kanyang laptop. Hindi lingid sa isipan ni Liam, nakangising nakatingin si Axel sa kanyang laptop dahil nakikita niya ang lahat ng ginagawa ni Liam sa kanyang laptop. Hindi na bago kay Axel ang ganitong pang yayare, ang pang yayare na nagagawa niyang mag manman sa isang sistema o laptop ng iba ng hindi siya nahuhuli. Sino nga naman ang makakahuli sa isang Phantom na nag mula sa groupo ng Dark Angels na pinamumunuan ng Queen? Si Phantom ay ang isa sa mga pinakamagagaling na hacker sa buong mundo, nagagawa niyang makuha lahat ng impormasyon na nais ipakuha o makuha ng kanyang Reyna. Lahat ay handa niyang pasokin makuha lang ang impormasyon na kailangan nito. Ngunit, hindi niya maiwasang magalit sa sarili dahil hindi niya magawang makuha ang impormasyon ng Emperor. Ang Emperor na siyang kinagagalitan ng kanyang Reyna, bilang isa sa groupo na nasa ilalim ni Queen, kailangan niyang tulongan ito at gusto niyang matulongan ito, ngunit hindi niya alam kung paano, lalo na pag dating sa impormasyon na nag lalaman ng tungkol sa Emperor. Yun lang ang labis na kahinaan ni Phantom o mas kilala bilang si Axel, hindi niya magawang makuha ang impormasyon nito. Tanging mga impormasyon lang na mag tuturo sa kung saan naroroon ang Emperor na kanilang hinahanap. At ngayong dinala sila ngayon dito sa lugar, sa Pilipinas, kung saan sila tunay na nag mula at ipinanganak ay ipinangako ni Axel na gagawin ang lahat upang matulongan si Queen ng mapabilis ang kanyang pag hihiganti at makaalis na sila sa Pilipinas. Sa totoo lang, ayaw na ni Axel na mag tagal pa dito sa Pilipinas. Dahil nakikita na niya kung paanong mapalapit si Queen kay King. Ayaw ni Axel na mag isip ng kahit na anong bagay tungkol sa nangyayareng pag lalapit ni Queen at King. Sadyang hindi lang niya mapigilan ang kanyang sarili dahil sa mayroon siyang nararamdaman para kay Queen at wala siyang magagawa sa mga nais gawin nito dahil siya ay isa lang sa kagroupo ni Queen. Hendrix Kyro William (King) Pag katapos kong kumain ay agad akong tumayo, hindi pa tapos si Charlotte kaya naman ito ay napatingin sa akin. Hindi ko siya pinansin at agad na dinukot ang aking cell phone mula sa aking bulsa at tiningnan ang oras nito. “Banyo lang ako,” paalam ko sa kanila at agad na tumalikod. Nag tungo sa banyo at agad na pumasok sa isang cubicle, binuksan ko ang aking cell phone at agad na nag punta sa contacts. Dinial ko ang numero ni Vanessa ngunit hindi ito nag ring, mukang patay ang cell phone nito dahil ito ay out of coverage. Inulit ulit ko itong tawagan at ng pumasok ang tawag ko ay nakaramdam ako ng kaunting saya. “What?” malamig na tanong nito ngunit bahagya akong napakunot anag noo dahil napansin ko na tila hinihinaan niya lang ang kanyang boses. “Bakit ngayon mo lang sinagot? Alam mo bang nag punta ako sa inyo? Bakit wala ka doon? Ke- bago bago niyo absent agad kayo kanina,” dire- diretsong sabi ko dahil hindi ko naman alam ang sasabihin ko sa kanya kaya kusa na lang lumabas mula sa aking bibig ang mga salita ito. “Wala ka ng sasabihin?” malamig ngunit mahinang sabi niya. “Nasaan ka ba? Bakit parang bumubulong ka lang?” hindi ko maiwasang tanong sa kanya. Wala akong narinig na sagot mula sa kanya, kasunod nito ay ang pag tunog ng aking cell phone na senyales na ito ay pinatay na ng aking kausap. Ibinaba ko na ang aking cell phone upang muling tawagan ang numero ni Vanessa, ngunit sa pag kakataong ito ay tuloyan na itong namatay. Kahit ilang beses kong tawagan ay hindi na ito pumapasok sa kanya. Napahigpit na lang ako ng hawak sa aking cell phone bago ko ito ibinalik sa aking bulsa at saka ako lumabas ng cubicle. Pag labas na pag labas ko ay agad akong nag hilamos ng aking muka. Tatapusin ko lang ang programa at ako ay lilipad na paalis dito at pauwi upang makapasok ako bukas ng umaga. Lumabas na ako ng banyo, dumeretso ako agad sa aming lamesa at nag kataon namang abala ang Mayor sa pag sasalita dahil nag bibigay na ito ng kanyang speech. Pag upong pag upo ko ay tumingin agad sa akin si Charlotte. “Bakit ang tagal mo yata?” nakataas ang kilay na tanong niya sa akin ngunit hindi ko ito pinansin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD