Zane “Kung hindi lang ako nagbabalak na kunin siya pabalik,” sabi ko habang nakatingin kay Peitho na nasa kabilang table lamang. “Pero, pansin mo ba yung lalaking kasama nila? Boyfriend yata yun ng ex mo?” sabi ni Henry habang nakatingin din sa parte ng lugar kung saan naroroon si Peitho. “Tingin ko naman ay kapatid niya?” sabi naman sa akin ni King (Kyro) habang umiinum ng alak. “Nope, wala ng pamilya si Peitho at wala rin siyang kapatid kaya malabong maging kapatid niya ang lalaking yan,” seryosong sabi ko at saka uminum ng aking alak. “Bakit hindi mo lapitan?” seryosong sabi naman ni Liam na kahit nandito sa loob ng Bar ay nakatutok pa rin sa kanyang laptop. “Kung may lakas lang sana ako ng loob,” naiiling na sagot ko dito. Kung may lakas lang sana ako ng loob ay kanina ko pa

