CHAPTER 88

1454 Words
Third Person Umalis na sila King sa harapan nila Vanessa, napansin naman agad ni Axel na hindi mapakali si Peitho. “Bakit hindi mo sundan?” malamig na sabi ni Vanessa na nakapansin din pala ang ginagawa ni Peitho. Natigilan ito at napatingin kay Vanessa, lumipat ang tingin nito kay Axel at ng ito ay tumingin kay Aikka ay nakangiti ito sa kanya. “Go,” mahinang sabi ni Aikka na sapat lang para silang daalawa ang mag kaintindihan. Tumayo na si Peitho, hindi pa rin dumadating si Stanley dahil abala pa ito sa pag papahanap ng ‘first aid kit’ sa kanyang mga tauhan. Habang sa labas naman ng Bar. Totoo nga ang sinabi ni Vanessa, inabangan nga ng mga sindikato ang kanilang kaibigan na si Zane. “Sinasabi ko na nga ba at nag sumbong ka,” nakangising sabi ng pinunong lalaki habang nakatayo sa likuran nito ang maraming kalalakihan. “Boss, sabi ko naman sa’yo, dapat pnatay na natin ‘yan,” natatawang sabi naman ng isa. Habang nag dadadaldal ang mga ito sa harapan nila King, nag kataon namang dumating si Peitho at kumubli lang sa isang sasakyan. Titingnan muna niya ang mang yayare sa pagitan ng kalalakihan ito bago siya makigulo sa kanila. “Ang papangit naman pala ng gumawa sa’yo niyan, Zane, hindi mo manlang binigyan ng hustisya ang muka mo,” tila nang iinsultong sabi ni Luke, “Kung gusto mo naman palang mag kasugat sugat ang muka, sana tinwagaan mo kami, para kahit papano may hustisya naman sa muka mo.” Hindi naman maiwasang mapatawa ni Zane at mapiling dahil kitang kita niya ang pag babago sa muka ng mga sindikato habang sinasabi ni Luke ang mga bagay na’ yon kay Zane. “Sino ba kayo? Ang tatapang n’yo, mukang gusto n’yong magaya sa kasamahan n’yo?” galit an sigaw ng pinuno. Ngumisi naman si King at tumabi sa isang tabi, wala siyang balak na makialam sa mga ito. Hahayaan niya na lang ang mga ito na makipag bugbogan sa lalaking may gawa nun kay Zane. “Bakit hindi natin subukan ang tapang n’yo?” nakangising sabi ng isang lalaki bago nag labas ng balisong. Naalarma naman si Peihto dahil doon, akmang lalabas na siya mula sa kanyang pinag tataguan ngunit biglang may tumapik sa kanyang likod. Nakita niya doon si Vanessa, Aikka at Axel, hindi niya napansin ang pag dating ng mga ito sa kanyang p’westo dahil nakatutok lang ang kanyang atensyon sa nangyayare. “Don’t let your guard down, Peitho,” malamig na sabi ni Vanessa kay Peitho. Napakuyom ito ng madiin at tumango kay Vanessa bago muling tumingin sa nangyayare. Sumugod na ang lalaki kay Luke ngunit naiwasang ito ni Luke, nag lakad na patabi sila Liam, Zane at Henry upang hayaan si Luke na siya na lang ang humarap sa mga ito. “Sa tingin mo kaya mo kami bata kahit mag isa ka?” nakatawang tanong ng malaking mama. Nag kibit balikat si Luke, “Bakit hindi natin subukan, wala namang mawawala maliban n alang kung takot kayong matalo ko?” Nakarmdam ng pag kainsulto ang malaking mama, agad siyang sumigaw ng malakas at sinugod si Luke. Ganun din ang ginawa ng mga kasamahan nito, sabay sabay nilang sinugod si Luke, ang lahat ay may dala dalang balisong at nang malapit na sila kay Luke, bigla itong nawala sa kanilang harapan. Kaya ang nangyare ay nagkatamaan ang kanilang mga balisong, hindi agad ito natanggal at doon ay muling lumitaw si Luke. Ngayon ay nakaapak na si Luke sa mga balisong na nag dikit dikti na, nakangisi ito. “Yan lang ba kaya n’yo?” tanong ni Luke sa mga kalalakihan bago ito bumwelo at paikot na sinipa ang ulo ng mga kalalakihan. Dahil sa ginawa ni Luke, agad na nag talsikan ang mga lalaki at bumagsak ng nakahiga sa lupa dahl sa lakas ng tama ng sipa ni Luke sa kanilang ulo. “Ano kaya n’yo pa?” natatawang tanong ni Luke sa mga kalalakihan. Habang abala ito sa pakikipag laban, tahimik namang nakatingin at nag mamasid si Peitho, Vanessa, Aikka at Axel. Iisa lang ang tumatakbo sa kanilang isipan habang pinapanuod ito kung paano ito lumaban. ‘Assassin’ Ito lang ang tanging tumatakbo sa kanilang isipan. Sa paraan ng pakikipag laban na ginagawa nito ay hindi maipag kakailang isa itong assassin. Malamang ay nabibilang ito sa maggaaling na assassin ng ‘YinYang’s mafia’ . “Mga wala kayong silbi, iisang lalaki lang ‘yan hindi n’yo pa masugat- sugatan!” gallit na sigaw ng pinuno ng kalalakihan. Dahil sa labis na galit ay nag labas na ito ng isang baril, halos hindi na makatayo at ang ilan pa ay wala ng malay ang kanyang mga tauhan kaya napilitan na itong mag labas ng kanyang baril. Agad siyang tumungin sa p’westo ni Luke, ngunit laking gulat niay dahil wala na ito sa p’westo nito. Tiningnan niya ang paligid, wala siyang nakitang kahit na anong bakas ni Luke at tanging nakikita niya lang ay ang kanyang mga tauhan na nakahandusay at walang malay habang ang iba naman ay dumadaing ng malakas dahil sa labis na sakit na nararamdaman dahil sa lakas ng sipa ni Luke dito. “Ako ba ang hinahanap mo?” mabilis na napalingon sa kanyang likuran ang pinuno habang nakatutok ang baril sa kanyang haharapan, ngunit wala siyang nakitang kahit na anong bakas ni Luke doon. “Nandito ako, baka (stupid)” sabi ni Luke sa gilid nito kaya doon tumingin ang lalaki. Pag tingin ng lalaki ay may lumilipad na isang patalim, napapikit na lang ang lalaki dahil sa labis na gulat at takot. Nag hintay na lang itong tumama sa kanya ang patalim na ‘yon. “BOO!” malakas na sabi ni Luke sa pinuno kaya naman napatalon ito at nag bukas na ng kanyang mga mata. Hawak hawak na ngayon ni Luke ang patalim na kanyang ihinagis dito, nagawa ni Luke makuha ang patalim pag katapos niyang ihagis ito sa lalaki. Ganun kabilis ang naging kilos ni Luke kaya naman ganun na lang ang panunuod nila Peitho sa ginagawang pag laban nito. “Bahala na ang polisya sa’yo,” biglang malamig na sabi ni Luke sa pinuno bago nito hinampas ng malakas ang balikat ng lalaki na naging dahilan para ito ay makatulog at mawalan ng malay. “Walang kakupas kupas, Luke,” nakangising sabi ni King kay Luke ng ito ay mag lakad na palapit sa kanialng p’westo. Hindi nila ramdam ang presensya nila Peitho, Vanessa, Aikka at Axel dahil nagagawa nila itong itago. Yun ang unang unang itinuro sa kanila ni Vanessa, ang itago ang kanialng presensya dahil doon unang natatalo sa laban. Sumenyas na si Vanessa, ibig sabihin lang ay umalis na sila at pumayag nama na doon si Peitho dahil nakita naman niyang maayos ang lagay ng mga ito. Umalis na sila sa kanilang pinpwestohan at pumasok na muli sa bar, agad silang sinalubong ni Stanley na may dala dalang isang box. “Saan ba kayo nanggalig, nasaan na yung kaibigna n’yong sugatan?” nag aalalang tanong nito kila Vanessa. “Galing kami sa labas, Kuya, ihinatid muna namin sila kasi uuwi na daw sila babawi na lang daw sila sa susunod,” sagot naman ni Peitho sa kanyang kapatid upang hindi na ito mag alala pa. Napahinga ng malalim si Stanley, tila nawala na ang labis na pag alala na kanyang nararamdaman dahil sa sinabi ng kanyang kapatid na si Peitho. Tumawag siya ng isang tauhan at ibinigay doon ang kanyang hawak hawak. “Kung ganun itutuloy n’yo pa ba inuman n’yo?” tanong ni Stanley. “Uuwi na ako, nag text ako kay Butler Shun para mag pasundo, p’wede kayong mag stay dito at ihahatid na lang kayo ni Stanley,” sabi naman ni Vanessa. “Ganun ba, okay lang ba na dito muna kami?” tanong ni Aikka kay Vanessa. Tumango naman agad si Vanessa, totoo na nag text siya kay Butler Shun, pero hindi totoo ang sinabi niyang uuwi siya. Dahil ang mensahe siya kay Butler Shun upang mag pasundo at kumuha ng sasakyan sa kanilang bahay dahil siya ay may sasaglitin, ang isang lalaki na nakita niay sa isang bar habang patungo sila dito sa bar ni Stanley. Sigurado si Vanessa na sa mga oras na ‘to ay lasing na lasing na ang lalaki, kaya magiging madali na para sa kanya na gawin ang kanyang plano dito na kanina niya lang inisip habang nakatayo sa labas ng bar at pag pasok ng bar. Hindi kumplikado ang kanyang gagawin kaya hidni na niya ito sinabi pa kila Peitho, kayang kaya na niya ito ng mag isa, magiging madali para sa kanya kung mag isa lang siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD