CHAPTER 13

1475 Words
Vanessa Lavender Smith (Queen) “You know what, Aikka? Shut up!” pikon na sabi ni Peitho. “You shut up din kaya Peitho!” irap naman ni Aikka kay Peitho. “Queen… yung baraha, naalala mo ba ang itsura?” biglang tanong ni Axel na nasa aking tabi. Napaisip ako, ano nga ba yung itsura nun? “Isang joker… isang joker na may hawak na bola na ang design ay YinYang,” sagot ko kay Axel. Bigla naman niyang ihinarap sa akin ang kanyang laptop. Nakita ko doon ang apat na bahara, lahat ito ay joker ngunit ang pamilyar na baraha lang ang tanging binigyan ko ng pasnsin. “Ito yun,” malamig na sabi ko at itinuro ang joker na na aking nakita kanina. Muling ihinarap ni Axel ang laptop sa kanya at nag umpisang mag pipindot dito ng mabilis. Tiningnan ko ang dalawa dahil sa nanibago ako at tumahimik ang mga ito, doon ko lang napansin na parehas na palang may nakatutok na baril sa kanilang ulo. Imbis na awatin at mag salita ay inalis ko na lang ang aking tingin sa dalawa. Sa totoo lang, kahit na laging ganyan ang dalawa at maya’t maya nag aaway. Silang dalaw talaga ang close na close sa isa’t isa kaya hindi na nakakapag taka na maya maya lang ay ayos na ang mga ito, kaya hindi ko na rin kailangan makialam pa sa kanilang away. “Sinong mag luluto ngayong busy si Axel?” pasimpleng tanong ko. Naramdaman ko na sabay na lumaapit ang dalawa. “Okay lang ba kung kami?” tanong ni Peitho sa akin. “Right, kami na Queen!” dagdag naman ni Aikka. “Okay, the crown is yours,” malamig na sabi ko. Pagkasatapos kong sabihin yun ay agad na tumakbo ang dalawa sa kusina. Unlike the others, ang mga ka-groupo ko ay may skills sa pag luluto, masarap sila mag luto at para kang kumakain sa isang 5 star restaurant. “May nakuha ka bang impormasyon tungkol diyan?” tanong ko kay Axel. “Wait, kukuha lang ako inumin,” sabi nito sa akin at akmang ibababa ang laptop ng ako ay biglang tumayo. “Sa kusina na lang tayo,” sabi ko dito. Malawak ang kusina namin at may malaking table din doon kaya naman walang problema kung doon ipag patuloy ni Axel ang ginagawa niyang pangangalap ng impormasyon tungkol sa card na ‘yon. Mabilis kaming nakalipat at agad na naupo sa upuan at ipinatong naman ni Axel ang kanyang laptop sa lamesa. “Sabi dito, ang card na ito daw ang kakaibang joker ay ang card na tinatawag nilang ‘Death Card’,” seryosong panimula ni Axel. Napatigil ang dalawa sa kanilang ginagawa at lumapit sa likod ni Axel, tumingin ang mga ito sa laptop nito at hindi nag salita. “Ang sabi dito kapag nakatanggap ka raw ng death card ay magiging impyerno daw ang buhay mo sa campus, sabi pa dito na dapat ititigil na ito dahil sa tatlong estudyanteng sabay sabay na nabigyan ng death card ay nag pakamatay, ang isa dito ay naagapan at naligtas ngunit nabaliw at ang tatlo namang nakatanggap pa ay namatay dahil sa labis na pang bubully na ginagawa ng mga estudyante, habang ang ibang nakatanggap ay hanggang ngayon ay nasa hospital pa rin,” seryosong sabi ni Axel. “Omg, Queen, mukang magiging masaya ang stay mo sa campus!” sabi ni Peitho at nakipag apir pa kay Aikka at sabay na bumalik sa kanilang ginagawa. Napailing na langa ko dahil sa dalawa, tama ang mga ito, mukang mag kakaroon ng thrill ang buhay ko kahit papaano. “Magiging okay ka lang ba, Queen?” napatingin ako kay Axel at tumango ako sa kanya. “Aakyat muna ako sa kwarto,” malamig na sabi ko at tumayo na bago umalis sa kusina. Napangisi ako habang nag lalakad. ‘Siguradohin mong mag eenjoy ako, King,’ nakangising sabi ko sa aking isipan. Hendrix Kyro William (King) “Mabuti na lang hindi tayo pinagalitan ni Tita, ‘di ba?” nakangiting sabi ni Henry. Tumango ako sa kanya at tumingin kay Liam at Luke na seryoso ang tingin sa laptop ni Liam. “Ano nga palang dahilan at wala kayo sa cafeteria kanina?” seryosong tanong ko kay Liam. Sandali siyang tumingin sa akin bago ibinalik sa kanyang laptop. “May namasok sa system ng school,” seryosong sabi ni Liam habang nakatutok pa rin sa kanyang laptop. “Ahh, akala ko naman kung ano na,” sabi ko at kinuha ang remote. “Hindi basta basta ang ginawa niyang pamamasok, nagawa niyang makuha yung impormasyon at mukang tungkol lang sa atin ang pakay niya, hanggang ngayon tinitrace ko pa rin siya,” seryosong dagdag pa nito kaya natigilan ako sa aking gagawin. “Wala nang ibang kinuhang impormasyon bukod sa atin, hindi din nila kinuha yung kay Luke,” sagot sa akin ni Liam. “Baka hindi sila interesado sa’yo, Luke,” nakangising sabi ni Zane kay Luke na mukang mainit pa ang ulo dahil sa nangyare kagabi. “Seryoso ‘to, Zane,” seryosong sabi ni Liam at tumingin sa akin. “Ano ng balak natin? Hindi ko siya matrace at puro virus ang iniwan niya, siguradong aabutin ako ng buong araw bago malinis ito,” frustrated na sabi ni Liam. “Saka na natin isipin yan, kapag pati mga estudyante dito ay kinuha na rin ng hacker ang impormasyon, mas alarming yun dahil hindi natin mahahawakan ang kaligtasan nila,” seryosong sabi ko naman dito. Liam “Saka na natin isipin yan, kapag pati mga estudyante dito ay kinuha na rin ng hacker ang impormasyon, mas alarming yun dahil hindi natin mahahawakan ang kaligtasan nila,” seryosong sabi ni King sa akin. Wala na akong nagawa at ipinag patuloy ko na lang ang pag trace. “Nakakaduling,” bulong ng aking kakambal na kanina pa ako pinapanuod sa aking ginagawa. “Bakit ka ba kasi nanunuod diyan, p’wede namang hindi ka tumingin?” tanong ko sa kanya habang abal apa rin ako sa pag titipa ng aking kamay. “Wala akong-” naputol ang sasabihin niya ng biglang tumunog ang aking laptop. “5” “4” “Anong nangyayare?” dali daling tanong ni King at agad na pumunta sa tabi ko. Maging si Zane at Henry ay nakiusyoso na rin at nag punta sa tabi ko. “2” “1” “s**t!” sabi ko at agad na ibinaba ang laptop sa carpet. Dahil inaasahan kong sasabog ito ngunit hindi naman ito sumabog, bagkus ay biglang may tila nag laglagang itim na pakpak sa aking screen laptop. “It’s a prank!” basa ko sa screen ng aking cell phone habang may nahuhulog pa rin ditong kulay itim na pakpak. ‘Itim na pakpak…’ sabi ko sa aking isipan bago agad na kinuha ang aaking laptop at mabilsi na dinelete ang nabuksan kong virus. “King… may nakabangga ka bang Dark Angels?” tanong ko dito out of nowhere. Kita ko ang pag seryoso ng muka ni Henry at Zane, maging si Luke ay ganun din. “Dark Angels? Paano naman ako may makakabanggang ganun kung nasa Korea ang mga ito,” balewalang sabi ni King sa akin. Napahinga ako ng malalim at ihinarap ang aking laptop, “Kung ganun ano ‘to?” Tiningnan niya ito at sa laptop ko ay mayroong nag aanimation na mga letra, nauuna ang letrang K na sinundan ng I at N na natapos sa G na kapag nabuo ay KING. “H-hindi ko alam, wala akong nakakabangga na Dark Angels!” sigaw ni King at nahiga sa sofa. “Baka isa lang yan sa maa prankster na walang ibang ginawa kung hindi ang mag prank!” dagdag pang sabi niya. Nagkatinginan naman kaming apat at sabay sabay na napahinga ng malalim. “Gabi na, mabuti pa sigurong umuwi na tayo,” sabi ni Zane. Tama siya, gabi na nga at nandito pa rin kami sa head quarters namin sa school. Kanina pa nag labasan ang mga estudyante at ngayona ay ala- syete na ng gabi. Isinara ko na ang aking laptop at inilagay ito sa aking bag, tumayo na rin naman sila at maging si King ay kinuha na ang kanyang bag. Sabay sabay kaming nag lakad papunta sa parking lot, madilim na ang paligid at tanging maliliwanag lang na ilaw ang nag bibigay ng liwanag sa amin. Nakita pa namin ang guard na abalang nag roronda at ang ilang guard na naka assign sa bawat building. Tama, kapag ganitong gabi na ay mayroong tig iisang guard sa bawat building ang nakabantay sa mga ito. “Kita kita na lang ulit bukas!” sabi ni King na tinanguan ko lang at pumasok na ako sa sasakyan. Tulad kaninang umaga ay si Kuya ang nagmaneho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD