CHAPTER 42

1491 Words
Third Person Tama, ang kanyang tunay na tema ay Halloween theme at alam ito ng personal designer niyang si Carla at napansin niya na mukang tinulongan ni Carla ang kanyang paboritong pamangkin na hindi mag mukang masyadong pormal maliban sa kasama nitong nakaball gown. “Naririto na pala ang napakagwapo at paborito kong pamangkin,” sabi ng Tita ni King sa mic kaya mas lalong nag tinginan ang mga bisita sa mga tao na tinutukan ng spot light. Nakaramdam naman ng hiya si King dahil sa ginagawa ng kanyang tita, habang si Charlotte anman ay unti unti ng kinukuhaan ng larawan ng mga bisita dahil sa suot nitong mala- prinsesa sa isang okasyon na ang tema ay tungkol sa katatakotan. “Hmm, mukang tinulongan kayo ni Carla na makalusot sa patibong ko, pamangkin, ah?” nakatawang sabi pa ng Tita nito. Inalis na ang spot light at nag dim na ang ilaw ng paligid, tamang tama lang para makita ng mga bisita ang bawat isa. “Mukang may isang dalaga na hindi nasabihan ah?” natatawang sabi pa ng tita ni King pag tukoy nito kay Charlotte na ngayon ay nakakaramdam na rin ng hiya dahil unti unti ng pumapasok sa kanyang isiipan kung anong nangyayare. ‘Mayayari sa akin ang baklang bruha na ‘yon!’ galit na sabi ni Charlotte sa kanyang isipan bago humawak ng mahigpit sa braso ni King. “What a lovely girl,” nakangiting sabi ng Tita ni King pagkatapos nitong bumaba mula sa stage kung san ito nag sasalita kanina. “She’s Charlotte, Tita,” pakilala ni King sa Tita niya. “I know, what I mean is the girl behind you,” akataas ang kilay na sabi ng Tita ni King sa kanya. Dahil doon ay napatingin sila sa babaeng nas alikuran ni Charlotte at King, napatingin sila sa nag iisang babaeng kasabay ng mga kagroupo ni King at kapantay ng mga ito sa kanilang pwesto, ang babaeng si Vanessa. “Iha, what’s your name?” nakangiting sabi ng Tita ni King bago dumaan sa gitna ni Charlotte at King kaya napilitan si Charlotte na bumitaw sa braso ni King. Lumapit ang Tita nito kay Vanessa at hinawakan ang buhok nito. “You have a lovely ang perfect shape of eyes,” nakangiting sabi pa ng tita ni King. “Ano daw pangalan mo,” sabi ni Henry kay Vanessa na nanatili lang tahimik at nakatingin sa tita ni King. “Vanessa,” tipid na sagot ni Vanessa sa Tita ni King. “What a cold tone and a savage name you have, ikaw ba ang girl friend ng pamangkin ko?” masayang tanong pa nito. Nakita naman ni King ang pag sama ng muka ni Charlotte at nakakuyom ang kamao, akmang hihilahin nito ang buhok ng kanyang tita ngunit mabuti na lang ay agad itong naagapan ni King. “Don’t you dare,” malamig at mahinang sabi ni King sapat na para silang dalawa lang ni Charlotte ang makarinig. Nakaramdam naman ng takot si Charlotte at agad na lang inalis ang pag kakahawak ni King sa kanya bago ito tumakbo paalis. Ang lahat ay napatingin sa tumakbong si Charlotte. “Sundan mo, Luke,” utos ni King kay Luke na agad namang sinunod ni Luke at tumakbo kung saan patungo si Charlotte. “Iha, maupo ka, kumain na muna kayo,” nakangiting sabi ng tita ni King at tila walang pakialam sa nangyare kay Charlotte. “Ang lalaki niyo na, mga binatang binata na talaga kayo,” baling naman nito sa mga kaibigan ni King na nag akalang hindi sila mapapansin ng Tita ni King dahil sa ito ay abala sa pag hanga kay Vanessa. “Oo nga po, Tita, binata na pero mga single pa rin,” kumakamot sqa ulong sabi naman ni Zane, “Baka may irereto ka diyan, Tita?” nakangiting sabi pa ni Zane habang ang tataas baba ng dalawang kilay. Agad naman itong binatukan ni Liam at tumingin sa tita ni King, “Pag pasensyahan niyo na Tita ang kaibigan namin, sabik lang sa babae,” nakatawang sabi ni Liam habang kumakamot sa batok nito. “Nako, nasanay na ako diyan kay Zane, o’siya maupo na kayo at kumain,” masayang sabi naman ng TIta ni King. Naupo na sila sa iisang table, hindi na nila inalala pa si Charlotte na umalis. Inenjoy na lang nila ang party ng Tita ni King. “Mabuti na lang pala, muka tayong mga bampira sa mga ayos natin, ano?” nakangiting sabi ni Henry kay King at tumingin kay Vanessa, Zane, at Liam. “Tama ka, sa tingin ko ay tinulongan rin tayo ni Carla na huwag mahulog sa kalokohan ng Tita ko,” naiiling na sabi naman ni King, “Hindi ko lang alam kung bakit ba ganoon na alng ang suot ni Charlotte,” dagdag pa nito at nailing pa na tila hindi niya nagustohan ang suot nito. “Oo nga, nagulat din ako pagkatapos kong makita ang suot nito, kung magkataon na nag katotoo nga ang theme ni Tita ay siguradong mas bongga pa siya sa may okasyon at kaarawan,” sabi naman ni Zane. Sinang ayunan naman ito ng lahat habang si Vanessa ay nanatili lang na walang imik at nakatingin lang sa paligid. Kahit na ganun ay naikiramdam ang dalaga sa paligid, dahil isa itong kaarawan ng sikat na tao at minsan na niyang nakaharap sa business habang nakasuot siya ng kanyang maskara ay siguradong may mga hindi inaasahang bisita ang darating. “Sa tingin ko hindi nagustohan ni Carla ang naging trato sa kanya ni Charlotte, o kaya naman ay s Charlotte ang pumili ng gusto niyang isuot at hindi na lang hinayaan si Carla na pumili ng babagay dito at sa tunay na tema ng okasyon ngayon,” pag sasabi naman ng opinyon ni Liam. “Tingin ko rin,” sabi naman ni Zane habang tumatango tango at ganun din si Henry, tanda ng pag sang ayon nila sa obserbasyong sinabi ni Liam. Tama, si Liam ay isang tahimik na tao at kapag nags aliat ito tungkol sa kanyang obserbasyon ay lahat ito ay napupunta sa tama. Pinag kakatiwalaan nila ang obserbasyon ni Liam dahil sa ito ay madalang mag salita at makisama sa usapan ngunti kapag ito naman ay nag salita ng kanyang mga opinyon at obserbasyon, ang lahat ng iyon ay napapatunayang tama. Hendrix Kyro William (King) Habang abala sa paag uusap sila Zane, Henry at Liam, ako naman ay nakatingin lang kay Vanessa na hanggang ngayon ay wala pa ring kahit na anong imik. Tahimik lang ito tulad ng lagi nitong ginagawa at wala namang nakakapanibago dito. Ang tanging nakakapanibago diot ay ang kanayng itsura, ang mas tumapang niyang muka at ang kanyang matapang at malamig na pares g mata. Napakaganda nito at hindi ko akalaing may itinatago pala itong ganito g klase ng ganda. “Baka matunaw,” natatawang sabi ni Zane kaya tumingin ako dito at binigyan iot ng isang napakasamang tingin. Lalo itong natawa bago ito tumayo at nag paalam, “ Kukuha na nga lang muna ako ng pag kain.” Pag alis ni Zane ay tumayo na rin si Henry at dumeretso sa candy buffet na hindi ko malaman kung bakit meron nito sa ganitong klaseng okasyon. Tumayo na rin si Liam at sumunod naman sa daang tinuhok ni Zane. Habang wala si Zane, Henry at Liam ay dumating naman ang aking Tita na kanina ay bigla na lang nawala sa aming tabi. May kasunod itong mag waiter at may tulak tulak na mukang food cart, binuksan ito ng mga waiter at napangiwi ako dahil sa dami ng mga pagkaing laman nito. “Nasaan na ang mga kaibigan mo, pamangkin?” tanong sa akin ni Tita. “Kumukuha sila ng pagkain Tita, kanina pa kasi dumadaing ng gutom ang mga ‘yan,” sagot ko sa kanya. “Ganun ba? Hmmm, natagalan kasing iprepare ang special food na talagang ipinahanda ko para sa inyo lang,” nakasimangot na sabi ni Tita. “Anyway, boys ilagay niyo na ‘yan sa lamesa nila para makakain na ang pamangkin ko!” utos ni Tita sa mga waiter. Pagkatapos iutos yun ay agad namang sumunod ang mga ito at inilagay dahan dahan at isa isa ang mga pagkain na ipinahanda pa raw ni tita special para sa amin. “Woah, woah, ang dami namang pagkain!” masayang sabi ni Henry pag balik nito mula sa candy buffet. Sobrang daami nitong dalang candy at karamihan doon ay lollipop base sa nakikita ko ngayon na kanyang hawak hawak. Naupo na ito sa kanyang upuan at isinantabi muna ang hawak hawak na mga candy. “Mukang ang sasarap nito, Tita, ah?” nakangiting sabi ni Henry sa Tita ko. “Tama ka, iho, ipinasadyaa ko pang ipahanda sa inyo yan dahil special ang luto na ‘yan,” masayang sabi ni Tita habang nakatayo sa gilid ni Vanessa na wala pa ring imik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD