CHAPTER 52

1476 Words
Third Person “Huhuhu~ good bye, Palawan!” kunwari’y umiiyak na sabi ni Peitho habang nakasakay sa private plane na pag mamay ari ng mga Smith. “Hindi ko manlang naenjoy ang hangin dito,” nakangusong sabi naman ni Aikka kay Peitho. Nag tinginan ang dalawa bago sabay na tumingin kay Vanessa na ngayon ay abala sa pag aalis ng make up sa kanyang muka. Iba na ang suot nito, dahil pag dating na pag dating nito sa hotel room na kanilang inupahan kanina ay agad itong nag bihis at pinag impake ang mga kagroupo. At ngayon ay kasalukuyan na silang nakasakay sa private plane nila Vanessa. Ganun pa man, hindi nag tagumpay ang kanilang misyon at isama pa na hindi manlang sila nagkaroon ng pag kakataon na makatikim ng dagat sa Palawan, kaya ganon na lang ang masamang tingin na ipinupukol ng magkaibang si Aikka at Peitho sa kaibigan nilang si Vanessa na tila wala namang pakialam sa kanila at abala lang sa pag aalis ng make up sa muka nito. “Hayss, kahit ihulog natin ngayon si Queen, hindi pa rin naman tayo makakapag outing,” pag suko ni Peitho na agad na sinang ayunan si Aikka sa pamamagitan ng paulit ulit at mabilis na pag tango. Wala ng nagawa ang dalawa pa at sumandal na lang sa kanilang inuupuan. Inaasahan naman nila na ganito ang mangyayare, lalo na ngayong masama ang mood ng kanilang Reyna dahil sa palpak na misyon na nangyare sa gabing ito. Siguradong pag dating na pag dating nila ay agad na mawawala ang Reyna at ito ay mag tutungo sa practice room, kung saan sila nag eensayo ng lahat. Doon ibabaling ni Queen ang kanyang galit at inis kaya naman hindi na lang nag angal o nag salita pa ang dalawa, sa takot na baka sa kanila maibaling ang galit ni Queen. Nanahimik na si Peitho at Aikka, habang si Axel naman ay abala sa kanyang laptop. “P’wede kayong bumalik sa weekend, pumasok na muna kayo bukas,” sabay sabay na napatingin ang tatlo kay Vanessa dahil sa biglang pag sasalita nito. Hindi agad nakapag salita ang tatlo, hindi lang maamin ni Axel ngunit isa rin si Axel sa mga taong mahihilig sa dagat. May plano pa nga itong kukuha ng kakarampot na buhangin sa isa sa mga beach sa Palawan upang idagdag sa kanyang koleksyon ng iba’t ibang buhangin na nanggaling pa sa iba’t ibang bansa. Ngunit, dahil ang nais ni Vanessa ay ang umuwi na ay hindi na lang din ito umangal tulad nila Aikka at Peitho. “Anong sabi mo?” hindi makapaniwalang tanong ni Peitho kay Vanessa pagkatapos mag proseso sa utak nito ang sinabi ni Vanessa sa kanila. “I hate repeating myself, baka mag bago pa isip ko,” malamig na sabi ni Vanessa at saka ito tumingin sa labas ng bintana. Sabay sabay na nagkatinginan ang tatlo, ngumiti ang mga ito sa isa’t isa. “Yes!” sabay sabay na sabi nila ngunit mahina lang ito dahil sa takot na baka mag bago ang isip ni Vanessa dahil sa kanialng ingay. Muling umayos ng upo ang tatlo, nakangiti na ang mga ito at hindi na mukang namatayan. Habang si Vanessa ay nanatiling walang emosyon sa muka at nakatingin lamang sa labas ng bintana ng eroplano. ‘Tanga talaga…’ sabi ni Vanessa sa kanyang isipan matapos maalala ang ginawang pag tawag ni King sa kanya habang siya ay nasa kalagitnaan ng misyon. Mabuti na lang at nailagay niya sa silent ang kanyang cell phone, kaya naman walang nakarinig nito. Ipinikit na lang ni Vanessa ang kanyang mga mata at nagpadala sa antok na kanyang nararamdaman. Habang sa kabilang banda naman... “Sige na, King, hindi pala muna ako makakasama, hindi ko p’wedeng iwan si Dad ng ganito kalasing,” malungkot na sabi ni Charlotte kay King. “That’s good,” hindi mapigilang sabi ni King. “Ha?” sabi ni Charlotte dito. “Wala, aalis na ako, nag hihintay na sila Zane,” sabi ni King kay Charlotte. Hindi na niya hinintay na sumagot si Charlotte, agad na niya itong tinalikuran at nag lakad palabas ng pinto. Gustong gusto ng umuwi ni King, upang makapag pahinga agad at ng makapasok bukas ng umaga. Sisiguradohin niyang mag lagay ng pampagising sa umaga upang ito ay makapasok, dahil may kailangan siyang gawin sa school bukas. Pag labas niya ng silid ng ama ni Charlotte ay agad siyang dumeretso sa silid kung saan nag hihintay ang kanyang mga kaibigan. Pag pasok na pag pasok niya sa silid ay nakita niyang nakagyak na ang mga ito at handa ng umalis kasama siya. “SIgurado ba kayong sasabay na kayo sa akin?” tanong ni King sa mga ito. “Ayaw mo yata kaming kasama,” nakangusong mapang asar na sabi ni Zane kay King. “Tigilan mo ako, Zane, iiwanan ka talaga namin dito, para kang bakla!” nakangiwing sabi ni King kay Zane. Nagtawanan naman ang mag kakaibigan bago kanya kanyang dinala ang kanilang mga bag na dala dala. “Kanina,” napatigil ang mag kakaibigan sa pag tatawanan ng mag salita si Liam. “Kanina sa event, wala bang nangyareng kahit na anong gulo?” tuloy ni Liam sa kanyang tanong na naging dahilan para mapatingin ang kanyang mga kaibigan sa kanya. “Bakit? Ano ba dapat ang mangyayare?” tanong agad ni King dito. “Kanina, habang nasa event kayo ay may sumubok na pasokin ang CCTV system nitong hotel na siyang binabantayan ko kanina lamang, kaso namatay yung laptop ko pag katapos niyang ibalik sa akin ang virus na ginawa ko para sa kanya, pagkabukas na pag kabukas ng laptop ko, wala na yung hacker at wala namang kahit na anong nawala o nakopya ng files or documents, kaya iniisip ko na baka namatay din ang laptop ng hacker,” mahabang kwento ni Liam sa kanyang mga kaibigan. “Pagkatapos nun? Hindi na ba bumalik yung hacker?” tanong ni Luke kay Liam. Umiling si Liam dito, “Hindi na, akala ko nga babalik pa siya, pero mukang nawala na yung hacker.” “Kung ganun, magaling naman pala ang ginawa mo,” nakangiting sabi ni King dito bago ito tinapik sa balikat. Lahat sila ay tinapik si Liam sa balikat bago lumabas ng pinto, napangiti na lang si Liam bago sumunod sa mga ito habang dala dala ang kanyang backpack na punong puno ng kanyang gadgets. ------ Pag karating na pag karating nila Vanessa sa kanilang bahay ay agad itong nawala sa paningin ng mga kaibigan. Alam na nila Peitho, Axel at Aikka kung nasaan si Vanessa ngunit hinayaan na lang muna nila itong mapag isa dahil baka sa kanila pa maibunton ang galit nito. “I’m hungry na,” sabi ni Aikka pag pasok na pag pasok ng bahay. Agad itong lumapit sa isang sofa at pasalampak na ibinagsak ang kanyang katawan dito. Alasingko na ng umaga nang sila ay makarating, nakakaramdam na sila ng antok at gutom ngunit dahil nakatulog naman si Axel sa sasakyan ay minabuti nitong mag luto na lang para sa mga kasamahan, imbis na mag pahinga. “Matutulog ka pa ba?” tanong ni Peitho kay Aikka pagkaupong pag kaupo nito sa katabing sofa kunf saan nakaupo si Aikka. Walang sumagot kay Peitho kaya naman sinilip niya ito, nakita niyang nakapikit ang mga mata ni Aikka at bahagyang nakanganga. Marahil ay antok na antok na talaga ang dalaga kaya’t hindi na nito mapigilang makatulog kahit na hindi kumportable ang kanyang kasalukuyang posisyon. Naawa naman dito si Peitho, kaya agad na tumayo si Peitho at hinila ang braso ni Aikka. Dahil hindi sila basta bastang babae lang, nagawa ni Peitho na ilipat si Aikka sa mahabang sofa at doon ihiga ito. “Salamat, Pito,” narinig niyang bulong ni Aikka na hindi naman pala talaga natutulog, sadyang napagod lang ang katawan. Sa kanilang apat, si Aikka ang may pinakamahinang katawan pag dating sa mga pag byahe byahe. Nakailang beses itong nag susuka sa tuwing sila ay may byahe, at dahil doon ay kinailangan pang gumastos ng ilang milyon ni Queen para sa gamot na pang sarili lang at tanging kay Aikka lang dahil napakahina talag nito sa byahe. Ganun pa man, itong nangayyare ngayon kay Aikka ay side effects ng gamot, dahil sa dalawang beses siyang uminum nito sa iisang araw ay talagang hindi na nakayanan ni Aikka ang side effects. “Siguradong nandoon na si Queen,” nag aalalang sabi ni Peitho sa hangin habang nakatingin sa isang malaking landscape painting. Hindi lingid sa kaalaman ni Peitho, si Vanessa ay kasalukuyan ngayong nasa loob ng kanyang silid at may mga papeles na nakakalat sa kanyang kama. Naroroon rin si Butler Shun sa kanyang tabi habang hawak hawak pa ang hiningi nitong mainit na kape kanina lang bago ito tuloyang umakyat sa kanyang silid at nagkulong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD