Hendrix Kyro William (King) Dahil sa pabalik balik si Zane sa aking kwarto ay napilitan na akong mag gayak para pumasok. Ngayon ay kasalukuyan kaming papasok na sa school, sasakyan ko na lang ang ginamit namin at si Zane na ang aking pinag maneho, dahil nasa school na ang kanyang sasakyan at doon ko na ipinadala. Pag dating sa university ay agad na nag park si Zane sa park na exclusive lang para sa aming Yinyang’s Gang members. Bumaba ako agad ng makita ang isang hindi pamilyar na sasakyan na naka parada sa slot ni Liam. “Baka sa kapatid niya?” sabi agad ni Zane sa aking pagkababang pagkababa niya at mukang napansin niya sa aking muka na nag tataka ako kung bakit may ibang sasakyan sa slot na para lang sa amin. ENGGG ENGGG Napatingin kaming dalawa ni Zane sa tunog ng isang sasakyan n

