CHAPTER 45

1490 Words
Hendrix Kyro William (King) “Ano ba, King? Aalis na lang tayo at lahat ay mainit pa rin ang ulo mo?” sabi sa akin ni Luke habang ako ay nakahawak sa aking buhok. Hindi ko rin malaman kung bakit sobrang init ng ulo ko, halos lahat na lang ng taong nakapalid sa aking mula pa kaninang umaga ay sinusungitan ko na. Bakit wala ang babaeng ‘yon? Anong problema nun! Hindi na ako nakatiis at ako ay madaliang tumayo mula sa aking pag kakaupo, agad kong dinampot ang aking susi na nasa ibabaw ng lamesa dahil ito ay ihinagis ko lang doon knaina pag dating ko. “Saan ka pupunta, King?” tanong agad sa akin ni Liam ng mapansin akong aalis. “Hintayin niyo ako, saglit lang ako,” sabi ko sa kanila at agad na lumabas ng pinto. ‘Siguradohin mo lang, Vanessa, na may maganda kang dahilan kung bakit hindi ka pumasok,’ seryosong sabi ko sa aking isipan at sumakay sa aking sasakyan bago ito pinaandar at pinaharurot patungo sa kanyang bahay, sa bahay ni Vanessa. Mabilis akong nakartaing dito, tumigil ako ng ilang metro ang layo sa kanilang bahay at saka ako bumaba ng aking sasakyan. Balak ko na silipin lang ang bahay nito at kapag nakita na siya ay aalis na ako. Ngunit sa aking pag silip sa kanilang bahay mula sa malayo ay isang kataka taka ang aking nabungaran. Ang kanilang bahay ay sarado lahat, ang mga ilaw at maging ang mga kurtina ng bintanag bubog ay lahat nakababa, tila walang kabuhay buhay ang kanilang bahay. Isa lang ang napag tanto ko mataos titigang mabuti ang bahay, walang tao doon at tila kanina pa wala. Saan naman kaya nag punta ang nerd na ‘yon? Alam naman niyang class day pa rin ay nagagawa niya pang mag lakwatya. Masama ang mood na bumalik ako sa aking sasakyan, pumasok ako dito at nakasimangot na binuhay ang makina. Agad kong inapakan ang gas at nag maneho pabalik sa aking mga kagroupo na kasalukuyang nag hihintay sa akin. ‘Hindi na bale, uuwi na lang ako agad mamayang hating gabi para makapasok ako bukas,’ sabi ko sa aking isipan habang pilit na pini[igilan ang aking inis na nararamdaman dahil sa nalaman kong wala pala ito sa kanila kaya naman hindi ito nakapasok sa school kanina. ‘Saan ka naman kaya nag punta, Vanessa?’ tanong ko sa aking isipan. Vanessa Lavender Smith (Queen) ‘Malapit na…’ sabi ko sa aking isipan habang nakatingin sa labas ng bintana. Kasalukuyan pa rin kami ngayong nasa byahe, ako ay tahimik na nakatingin sa bintana, habang si Axel naman ay hinahack ang sistema ng CCTV na konektado sa event venue kung saan gaganapin ang event na kung saan kalahok ang taong aking sinadya pa talaga dito. Habang abala si Axel, si Peitho naman ay maayos ang upo habang inaayos ang hanay ng mga make up na dinala niya kanina at laman pala ng malaking maleta dahil kakailanganin namin ito upang hindi kami makilala sa kalagitnaan ng aming missyon. Habang si AIkka naman ay natutulog sa tabi ni Pietho, nakasandal pa ang ulo nito sa balikat ni Peitho at nakikita ko namang ginagawa ni Pietho ang lahat upang hindi maabala ang pag tulog at pag papahinga ni Aikka. Maya maya pa, pag katapos ng ilang sandaling pag hihintay ay nakarating na kami sa aming pupuntahan. Nakalimutan kong sabihin, kasalukuyan kami ngayong nakasakay sa isa sa pag aari kong private jet. “Aiks, gising na, nansdito na tayo,” pang gigising ni Peitho kay Aikka. “Haaaa… 5 minutes pa!” sigaw nito at yumakap pa sa braso ni Peitho. “Aiks, iiwan ka talaga namin dito kapag hindi ka pa gumising!” sabi ni Peitho dito. Nakanguso namang umangat sa pag kakayakap sa braso ni Peitho si AIkka, nakapikit pa ang mg amata nito habang ito ay nakanguso. Dahan dahan itong nag bukas ng mga mata at nag tama naman ang aming tingin. Nakita kong natigilan ito habang nkatitig sa aking mga mata. “Ang ganda…” bulongn niya habang nakatitig sa aking mga mata. Nakaramdam naman ako ng ilang, nag iwas ako ng tingin at tumayo sa aking pag kakaupo upang bumaba na. “Tara na, Aikka,” rinig kong sabi ni Peitho sa aking likuran. Wala naman na akong ibang narinig na kahit ano mula kay Aikka, mukang sumunod na ito kay Peitho kaya tahimik na ang mg aito. Naramdaman ko na sumunod na sa akin si Axel kaya hinayaan ko na lang ito, kasalukuyan niyang labit labit ang maleta ni Peitho na punong puno pala ng make up na gagamitin namnin upang hindi kami makilala sa aming misyon. Pag baba ng jet ay sumalubong sa akin ang maaliwalas at sariwang hangin, nakakagaan sa pakiramdam ang hangin na sumalubong sa akin. Nakakalungkot lang na ang hangin na ito, mamaya ay maduudngisan ng malangsa at mabahong amoy mula sa napakasama at duming dugo ng taong aking babawian ng buhay mamaya. Sumakay agad kami sa isang sasakyan na nakahanda na talaga upang sunduin kami, ang lahat ng aming kailangan dito sa Palawan ay inayos na ni Butler Shun. Naiwan sya sa bahay, ngunit pinaayos ko na as kanya three days ago ang lahat ng kakailanganin namin dito ssa Palaawan. Maging ang maayos na tutuloyan at maayos na sasakyan ay pinahanda na namin sa kanya kaya wala na kaming kailangan pang problemahin at isipin. Pumasok na ako sa sasakyan, dito ko na lang sila hihintayin dahil alanm ko namang ilang sandali lang ay papasok na rin ang mga iyon. Siguradong abala pa nag mga ito s pag kuha ng kanilan g larawan sa labas. Bumukas ang driver’s seat at pumasok doon si Axel, tama, mga gagamitin lang talaga namin ang pinahanda ko kay Butler Shun, tulad nitong sasakyan, sasakyan lang ang inutos kong ihanda dahil ayaw kong may madamay pa mamaya kung sakali mang mag kahabolan dahil hindi naman basta basta at maliit na tao ang aking haharapin, ang aming haharapin kaya kailangan din naman naming mag double ingat. Isa pa, mas kumportable kung kmai kami lang ang kikilos. Walang mnadaming tanong. Kaya nga nagustohan ko si Buteler Shun bilang aking Butler, dahil si Shun ay hindi matanong na tao. Ginagawa lang nito lahat ng iuutos ko sa kanya, hindi siya nag tatanong kahit na minsan ay pinapalinis ko sa kanya ang mga bangkay ng tao na napatay ko upang mawala ang ebidensya. Aalam kong nasa rules ito ng pagiging butler, ngunit nakakamangha pa rin dahil tila ba natural na sa kanya ang kanyang ginagawa. Wala akong nakikitang takot o nerbyos sa kanyang muka sa tuwing tinatawagan ko siya at agad naman siyang dumadating upang linisin ang mga kallat na maaring mag turo sa akin. Natigil ang aking pag iisip ng biglang bumukas ang pinto sa likod ng sasakyan, pumasok doon si Peitho at sunod naman ay si Aikka. Nakangiti parehas ang dalawa habang hawak hawak ang kanilang cell phone at camera. “Ang ganda ng shot ko dito,” rinig kong sabi ni Peitho at ipinakit kay Aikka ang kanyang tinutukoy. Sumang ayon naman agad dito si Aikka. ‘Sabi ko na, sila talagang dalawa ang mag kasundong mag kasundo sa mga bagay bagay, kahit madalas silang mag away ay sila lang dalawa ang madalas mag damayan at mag bigayan ng opinyon oaera sa uisa’t isa. Hendrix Kyro William (King) “Nakita mo ba?” nakatawang salubong sa akin ni Luke pag kababang pag kababa ko ng aking sasakyan. Sinamaan ko ito ng tingin bago ako nag deretso ng lakad papasok sa loob. Nakagayak na ang lahat, maging ang aking mga gamit na nakalabas sa aking bag kanina ay nakagayak na rin at nakaayos na. Handa na ang lahat sa pag aluis. “Inayos ko na, para hindi ka na mag ayos pag dating mo, akala ko kasi matatagalan ka,” sabi ni Zane sa akin at inabot ang aking bag sa akin na agad ko din namang tinanggap. “Salamat!” sabi ko dito at nauna ng lumabas. Ramdam ko na nakasundo lang sila sa akin, pag labas namin ay saktong dumating ang limousine na ipinadala ni Dad para sakyan namin patungo sa aming private airport. I mean, hindi sa amin ang airport na iyon at yun ay orihinal na sa Emperor, ngunit hinahayaan kami ng Emperor na gumamit nito. Hindi ko masasabing may mabuti itong puso dahil sa pag kakaalam ko mula sa akjing ama, marami na itong napaslang at may dahilan ito. Pero ganun paman ay hindi tama ang pumaslang ng tao, dahil hindi natin pag aari ang aking mga buhay. Walang karapatan ang kapwa tao na kuhain ang ating buhay sa atin, hindi ito aki o hindi sa kanya. Kahit gangster ako, proud akong sabihin na hanggang ngayon, sa tinagal tagal ko ng gangster, ay wala pa rin akong napapatay. At kung umabot man sa puntong yun, sisiguradohin kong may dahilan ito at hindi lang dahil trip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD