CHAPTER 47

1492 Words
Hendrix Kyro William (King) Kasalukuyan ako ngayong nakahiga, ginising ako ni Liam dahil ilang minuto na lang ay mag uumpisa na nag event. At dahil inaantok pa ako, hindi pa ako agad bumangon. Nanatili lang ako dito sa aking higaan habang nakatingin sa kisame. Ilang minuto pa ang lumipas ay ako’y bumangon na mula sa aking pag kakahiga. Pumasok ako sa bathroom ng kwartong nakalaan para sa akin. Hinubad at inalis ko lahat ng aking saplot bago ako pumasok sa shower cubicle. Binuksan ko na ang shower, hinayaan ang lamig ng temperatura ng tubig na dumadaloy sa aking katawan upang mag silbing pang pagising sa akin. Ilang minuto lang akong nag tagal sa pag shoshower at lumabas na rin, isinuot ko muna ang aking bathrobe saka ako lumabas ng bathroom. Pag labas ko ay agad akong dumeretso sa aking maleta kung saan naroroon ang aking isusuot. Inilabas ko na ito at isinuot sa aking katawan. Walang kagana gana ko itong ginagawa hanggang sa ako ay matapos. Humarap ako sa malaking salamin, inayos ko ang aking buhok na nakabagsak dahil sa tubig na nang galing kanin asa shower. Pagkatapos ng aking ginagawa ay inayos ko na ang aking kasuotan bago ako nag umpisang nag lakad palabas ng pinto ng aking silid. Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang muka ni Henry na aktong kakatok na. “Oh, ayan na pala si King,” sabi naman ni Luke. Umalis sa aking harapan si Henry, nag lakad na ako palapit sa kanila at doon ko lang napansin na maging sila ay nakabihis na rin, maliban kay Liam. Tama, hindi lalabas ng unit si Liam dahil abala ito sa pag babantay ng security system. Kailangan niyang manatili, isa pa ayaw niya rin naman ang lumalabas sa mga ganitong klaseng pupuntahan kaya bagay rin sa kanya ang kanyang napiling trabahohin. “Tara na?” tanong ni Zane. Tumangoa ko sa kanya, tumaliikod namans iya sa amin bago binuksan ang pinto dahil siya ang mas malapit doon. Pag bukas namin ng pinto ay bumungad naman doon ang body guard ni Charlotte. “King, pumunta ka daw sa room ni Maam Charlotte,” sabi ng body guard ni Charlottre. Lumingon ako sa aking mga kasama at nagsitanguan naman ang mga ito. “Kita kita na alng mamaya sa baba,” sabi ko sa kanila bagpo ako tumalikod at nag umpisa ng vmag lakad. Ramdam kon naman sa aking likuran na nakasunod ang body guard ni Charlotte, talagang pinasundo pa niya ako sa bodyguard niya masiguro lang na pupuntahan ko siya sa kanyang silid. Hindi ko maiwasang mapailing daahil sa ginawa ni Charlotte na pag papasundo pa sa akin sa akin ng kanyangv guard. Ilang minuto pa kaming nag lakad ng nag lakad at agad ding nakarating sa kwarto ni Charlotte. Kumatok doonb ang guard nito bago ito binuksan. Pumasok naman ako doon at nakita kong hindi pa tapos ayusan ng make up artist si Charlotte. “King!” masayang sabi nito pagkatapos akong makita sa salamin. “Matatapos na ito, wiat lang ha?”nakangiting sabi naman ni Charlotte at tumango naman ako dito bago ako naupo sa isang sofa na mahaba. Isinandal ko ang aking likod doon bago ako tumingala, inerelax ko ang aking katawan dahil kahit nakatulog na ako kanina sa kwarto at maging sa byahe ay tila pagod n apagod pa rin ako. Vanessa Lavender Smith ( Queen) Ang lahat ay handa na, wala na dito sa unit si Peitho at Aikka dahil nasa event hall na sila at abala sa pag mamanman habang sila ay nag wawaitress doon. “Sigurado ka ba dito, Queen?” tanong sa akin ni Axel. Tiningnna ko siya, wala akong ipinakitang kahit na anong emosyon sa kanya. Tanging isang tingin lang na walang emosyon at malamig na tingin kaya napaiwas ito ngf tingin sa akin bago napalunok. “Mag iingat ka,” sabi nito sa akin. Tumango na lang ako at hindi na nag salita pa, isinuot ko ang aking boots at inayos ang pag kakalagay ng mga patalim sa loob nito. Inayos ko ang aking wig na kulay brown na medyo wavy, ginawang tanned ni Peitho ang aking balat at nilagyan ako ng matapang na make up upang hindi makilala. Sa pamamagitan nito ay madali kong matatapos ang buhay ng isa sa mga demonyong naging dahilan kung bakit wala ang aking mga magulang ngayon sa aking tabi. Pag katapos kong ayusin ang lahat ay tumayo na ako at umalis sa harapan ng salamin, bago umalis sila Peitho at Aikka kanina ay sinigurado muna namin na gumagana ang mga mini camera na nakakabit sa aming katawan at ang micro chip na ginagawmit namin upang masabi sa amin ni Axel ang mga dapat gawin at aming daanan mamaya ng walang nakakahalata. “Aalis na ako,” sabi ko kay Axel bago ko binuksan ang bintana na nasa likurang parte ng building kung nasaan kami. Tumalon ako doon at agad din naman akong nakababa sa pamamagitan ng pag lipat lipat ko ng terrace ng bawat kwarto. Hindi ako puwedeng dumaan sa labas, dahil kung sakaling may makakita mamaya sa akin pagkatapos kong patayin ang demonyong iyon ay agad na matutukoy ang lugar kung saan ako nanggaling dahil sa mga CCTV’s na naririto. Hindi pa naman kami nakadisguise noong pumasok kami sa room na ito, kaya naman mabuti na ang nag iingat. Pag babang pag baba ko ng building ay dumaan ako sa likurang bahagi ng building kung saan gaganapin ang event. Nakita ko sa likuran ang mga kababaihan na mukang kinuha upang maging stripper. Dahil wala pang mga bantay ang mga ito at kaslaukuyan pang nag aayos bago sila pumasok sa kani- kanilang boxes na siyang gagamitin upang sila ay madala sa kwarto ng Mayor ng walang nakakakitang kahit na sino ay madali akong lumapti sa isa sa mga ito. Hinila ko ito at agad na pinatulog, ipinasok ko ito sa isang drum at siniguradong walang makakakita dito. Nakayukong nag tungo ako sa kababaihan, at kung sinuswerte ng naman ay ang lahat ng ito ay nakapasok na sa kanya kanya nilang box. Dahil doon ay walang nakapansin na nawawal ang isa nilang kasamahan. Nakita ko ang mga bulto ng kalalakihan na mukang mga armado, kaya dali dali na akong pumasok sa aking box at isinara ito. “ITo na ba ang lahat ng ‘yon?” narinig kong tanong ng isang lalaki. “Oo, lahat ito ay fresh at bagohan pa lang, sana hindi magkaproblema,” sabi naman ng isang lalaki. “Dumaan na ba sila sa security check?” tanong muli ng boses kanina. “Oo, sinigurado kong walang kahit na anong matigas na bagay silang madadala sa loob, pero mukang may mapapatigas sila sa loob, HAHAHAHAHA!” tumatawang sagot naman ng lalaki. “Mabuti kung ganun, ipasok na ang lahat ng yan,” utos ng lalaki. Wala na akong narinig na kahti na anong sagot mula sa isang lalaki, naramdaman ko na lang na tila gumagalaw ang na ang box na aming kinalalagyan. Mukang kanina pa nakapatong ang mga box sa isang kagamitan na maaring itulak tulak lang kapag may lamang mabibigat. Ilang sandali pa ang naramdaman naming pag galaw namin ng ito ay tumigil. Pinakiramdaman ko ang paligid at mukang nasa silid na kami ng Mayor. “Huwag kayong lalabas diyan, hintayin niyo ang Mayor at mga kumpare nito,” sabi ng isang boses ng lalaki bago narinig ko ang mga yabag nito na mukang nag lakad na palabas. Narinig ko ang malakas na pag sara ng pinto. Ilang minuto pa at nakiramdam ako kung may ibang tao ba sa silid bukod sa aming mga nakakahon. Pag katapos kong gawin yun ay agad kong binutas ng kaunti ang box, maliit na butas lang na sapat na para makita ko ang paligid ng silid. Ginamitan ko ito ng aking kuko na may nakalagay na fake nails na kapag may pinindot kang button ay may lalabas na maliit na patalim. At dahil may kanipisan naman ang box ay naging madali para sa akin ang gumawa ng butas. Malaki ang box, malawak kaya sapatb na ito para makagalaw ako ng maayos kahit nasa loob ako ng isang box. Agad akong sumilip sa butas na ginawa ko ay nakita ko ang napakalawak na silid. Iilan lang ang kagamitan nito at nakadim ang ilaw ng silid kaya may kadiliman dito ng kaunti. Tama nga ako, walang khit na isang tao dito, maliban sa akin at samga strippers na kapwa nasa loob din ng kahon. Naramdaman ko na may papasok sa silid kaya mabilis kong tinakpan ang butas gamit ang pirasong inalis ko dito. “Hintayin mo ako dito, kumpare at mag bibigay lang ako ng madamdaming speech para sa iyong nasaskupan,” dahil sa aking narinig ay nanlamig ang aking mga kamay. Ang boses na yun ay nag mula sa demonyong aking papaslangin sa gabing ito. Hinding hindi na siya makakalusot o makakatakas sa akin sa pag kakataong ito, sigurado ako doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD