Hendrix Kyro William (King) “Gusto mo pa ba? Ako na magbabayad,” sabi ko sa kaniya nang matapos akong kumain at napansin ko na tapos na rin naman ito. “Tama, samahan mo ako sa mall,” sabi niya sa akin at tumayo na. “Teka lang, saan ba dito nagbabayad?” tanong ko sa kaniya. Tumingin siya sa akin, “Akala ko nanggaling kana dito kaya alam mo ito.” Napakamot naman ako sa aking batok, “Nakita ko lang ito sa i********:, sikat na sikat kasi.” “Ah, hindi na nila tatanggapin ang bayad mo dahil kasama mo ako,” sabi niya sa akin bago nagpatuloy sa kanyang pag lalakad. Napamaang na lang ako, ngunit wala akong nagawa kung hindi ang sumunod na lang sa kaniya agad. Habang nag lalakad ay hindi ko maiwasang mamangha kay Vanessa, hindi ko akalaing nagmamay ari siya ng ganito kasikat at kasarap mag l

