Hendrix Kyro William (King) “Nandiyan na pala sundo mo, Mommy,” sabi ko sa kanya ng makita ko ang isang sasakyan na tumigil sa aming harapan. “Oo nga, aalis na muna ako, Son, mag sabi ka lang sa akin pag may kailangan ka, ha?” nakangiting sabai ni Mommy saka ako hinalikan sa pisnge bago pumasok sa sasakyan. Hinintay ko lang na mawala sa aking paningin ang sasakyan ni Mommy bago ako tuloyang pumasok sa aking sasakyan. Pag pasok ko ay agad kong binuksan ang makina nito at pinaandar. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit sa grocery store ako dumeretso at nilampasan lang ang aking sariling bahay na malapit lang naman sa unibersidad. Kumuha ako ng basket bago ako pumasok, agad akong nag lagay ng ubas na prutas sa aking basket. Dumeretso na rin ako sa drinks section at kumuha

