Vanessa Lavender Smith (Queen) Huminga ako ng malalim habang nakatingin sa aming bahay mula dito sa labas, huling binisita ko ito ay noong patayin ko ang isa sa mga lalaking dahilan ng pagkamatay ng aking mga magulang. At ngayon, nag tungo akong muli dito upang hanapin ang katotohanan. Habang naglalakad papasok ng bahay ay bumalik sa aking isipan ang sinabi sa akin ng lalaking nakatagpo ko sa Korea at pinatay doon matapos kong malaman na nagmamanman siya sa akin. Flashbacks Abala kaming lahat sa pag jojogging ng maramdaman ko ang isang titig, kanina ko pa ito nararamdaman ngunit malayo ito sa amin at ngayon na ito ay nasa kalapit na lang. Madali ko itong naramdaman kung nasaang bahagi ito. “Queen…” mahinang sabi ni Peitho sa akin marahil ay napansin na rin niya ang kanina pang nag

