1

1550 Words
THIRD PERSON POINT OF VIEW “Are you serious about this kuya? Gusto mo akong ipadala sa province at makapag-asawa ng lalaking hindi ko gusto?” hindi makapaniwalang tanong ni Faye sa kanyang nag-iisang kapatid na si Westley. “I’m not saying na pakasalan mo agad si Ranzel. I'll give you three months to fall for him.” “What? Tatlong buwan? Kuya, sa lahat ng tao sa mundo ikaw lang ang taong pinagkakatiwalaan ko. I know hindi mo ako ipapahamak. Ngunit bakit sa ganitong paraan? Alam kong marami kang kaaway. Maraming taong may galit sa’yo pero hindi enough reason yun para dalhin mo ako sa liblib na lugar kasama ang lalaking hindi ko kilala.” giit ni Faye sa kapatid tumayo. Kunot ang noo na napatingin si Westley sa kapatid. “Faye, ilang beses nang nalagay ang buhay mo sa panganib dahil sa pagbalik mo dito. Kung ayaw mo sa probinsya ibabalik na lamang kita sa Spain—” “Kuya!” “My decision is final, kung gusto mo siyang makilala pupunta siya dito next week para sa engagement party niyong dalawa.” kalmado ngunit ma-authoridad na utos ng kanyang kapatid. Walang nagawa si Faye kundi ang lumabas ng opisina nito. Alam niyang hindi niya mapipigilan ang kapatid sa kung anong gusto nito. Pero baka sakaling magbago pa ang isip nito kaya hindi siya susuko. “Westley, pag-isipan mo pang mabuti ang desisyon mo. Kahit inosente ang kapatid mo alam mong hindi siya ordinaryong babae.” Paliwanag ni Xanthe sa asawa. Hinila niya ito at pinaupo sa kanyang kandungan. “I know…kaya nga gusto ko siyang ilayo dito sa suidad dahil may sarili siyang buhay at baka hindi ko siya maprotektahan in case na may nangyaring hindi inaasahan. Ayokong gamitin siya ng aking mga kalaban kagaya nang pagbihag sa kanya noon.” “Hindi na yun mangyayari, dalawa na tayong po-protekta sa kanya at sa anak natin saka nasa tamang edad na pati si Faye.” “Hon, my decision is final. Marami na akong nagawang hakbang. Don't worry kung sakaling hindi parin madevelop ang feelings ni Faye sa fiance niya after three months she can cancel the wedding.” giit ni Westley sa asawa. “Ikaw na ang bahala, pero kung magiging labag ito sa kalooban niya sana naman i-consider mo rin ang feelings niya and let her marry the one she loves.” “I know, huwag na natin pag-usapan yan. Tulog na ba si Fin?” “Oo, kanina pa. Nagpunta lang ako dito sa opisina mo baka mag-overtime ka na naman tulog na ako pagbalik mo sa kuwarto.” Napangiti si Westley at mabilis na binuhat ang asawa. “Sorry, babawi ako ngayon.” Ani nito at kaagad siyang dinala sa kanilang room. “Faye? Bakit?” Tanong ni Brandon nang tawagan siya nito. “Are you free tonight?” “Why? Yayain mo ba akong magtanan?” “Tse! Gusto mong balatan ka ni Kuya ng buhay?” Napabuntong hininga si Brandon sa kabilang linya. “Ilabas mo naman ako…I need an older friend right now.” “Okay, sunduin kita diyan.” “Tatakas ako kaya antayin mo na lang ako sa kanto.” “Okay, I'll be there in five minutes.” Ani ni Brandon at kaagad nang umalis para puntahan si Faye. Natuwa naman si Faye dahil pumayag si Brandon na itakas siya kahit isang gabi lang. Si Brandon lang naman ang isa pa niyang manliligaw na kaedad at kaibigan ng kanyang kapatid kaya malabong saktan ito ng kuya niya kapag nahuli sila. Pero kailangan pa rin niyang mag-ingat dahil paniguradong hindi lang sermon ang aabutin niya kapag nagkataon. Nagpalit naman ng itim na damit at pants si Faye para tumakas. Eksakto naman dahil nagpalit ng bantay sa gate kaya nakasalisi siya. Paglabas niya ng kanto ay kita na niya ang kotse ni Brandon. Kaagad siyang tumakbo at habol ang paghinga nang makapasok sa loob kotse. “Where are we going?” “Kahit saan, yung maingay at masaya na lugar.” “Okay.” Kaagad nitong pinaharurot ang sasakyan paalis. “Nagbago na si Kuya, mas naging mahigpit siya sa akin. Alam ko naman na iniisip lang niya ang kaligtasan ko. Pero bakit ganun? Pati ang pag-aasawa ko gusto din niya siya ang masunod.” simangot na reklamo nito. “I don't know Faye, kinausap ko na rin si Westley nagpaalam akong liligawan kita nagalit din sa akin.” “Ano? Liligawan mo ako? Patawa ka!” bulalas ni Faye sabay hampas sa balikat ni Brandon. “Aray–bakit hindi? I can protect you.” “We? Nanginginig ka nga kapag humahawak ka ng baril saka isa pa. Parang older brother na ang tingin ko sa inyo ni Thirdy at Drake.” paliwanag ni Faye na ikinaseryoso ng mukha ni Brandon. Bumaling si Faye sa kanya at ipinatong niya ang kamay sa manibela na hawak nito. “Thank you, kasi palagi kang nandiyan kapag bored ako. Palagi mo akong pinapatawa at kahit aso’t-pusa tayo kuya pa rin ang tingin ko sa’yo. Mabuti pa, ipapakilala kita sa mga imported kong friends. Para naman makamove-on ka na sa akin.” ani ni Faye. Alam naman niyang gusto na siya nito. Pero hindi niya talaga makita ang sarili niyang shota ni Brandon. Malakas naman ang dating nito kaya lang parang may kulang sa kanya na hindi niya mawari kung ano. “Forget it, I'm just here for you Faye.” ani ni Brandon. Ilang minuto pa ay narating na nila ang isang bar. “Sure kang ito yun?” Kunot noo ni Faye nang makita ang dalawang lalaking malaki ang katawan sa labas ng itim na pinto. “Sabi mo gusto mo ng maingay at masaya diba? Kaya dito kita dinala sa Gay Comedy bar.” “Ano? Gay bar? Bakit dito?” kunot ang noo na tanong ni Faye sa kanya. “Halika na, maguumpisa na ang show.” Ani ni Brandon sabay hila sa kanya papasok ng gay bar. Eksakto naman na lumabas ang dalawang host na bakla sa stage yung isa ay nakadamit pambabae at naka-wig yung isa naman ay nakadamit panglalaki pero may pilantik itong kumilos. “Wow! Dami nating bisitorian for tonight!” Ani ng isang bakla. Naupo sa gitnang upuan si Brandon at Faye. Pagkatapos ay umorder naman si Brandon ng alak at pulutan. “Oy! May fafa sa banda roon!” Ani ng isang host sabay turo kay Brandon naghiyawan ang ibang customer at ngumiti lang si Brandon na parang sanay na sanay na sa ganung lugar. “Palagi ka dito?” usisa ni Faye sa kanya. “H-ha? Minsan lang, kakilala ko ang may-ari nitong gay bar.” “Ahhh, okay…mukhang masaya nga tignan mo ang mga tao puro nakangiti.” Ani ni Faye sa kanya. Madaling araw na nang makauwi si Faye. Pakiramdam nga niya napuno ng kabag ang kanyang tiyan kahit juice lang naman ang ininum niya. Dahil siguro yun sa kakatawa. Ngunit nagulat siya nang pagbaba niya sa kotse ay nakatayo na sa gate ang kuya niya na parang nanay na handa na siyang hambalusin dahil sa pagkatakas niya. “K-kuya…” “Saan ka galing?” seryosong tanong nito. Bumaba si Brandon at lumapit kay Westley. “I can explain—” “Kuya! Tama na!” Pigil ni Faye nang bigwasan nito si Brandon at napasubsob sa hood ng sasakyan niya. “Wala kaming ginagawang masama nagpunta lang kami sa comedy bar!” mabilis na paliwanag ni Faye sa gal8 na kapatid. “I already warned you! Stay away from my sister!” Singhal ni Westley sa kaibigan. “Sinamahan ko lang siya, Wala kaming ginawang masama—” “Alam mo kung gaano kadelikado ang ginawa mo! Paano kung napahamak ang kapatid ko? Kaya mong ba siyang ipagtangol? Kaya mong pumatay?! Alam mong marami akong kagalit Brandon at nag-iisang kapatid ko lang si Faye paano kapag napahamak kayo ha?!“ giit ni Westley habang nakahawak sa kwelyo ni Brandon. “Tama na! Wala siyang kasalanan, kaya ko ang sarili ko hindi mo siya kailangan na saktan!” pigil ni Faye. Napalabas naman si Xanthe at nakita ang nangyayari kaya pati siya ay pinigilan na rin ang asawa. “Hon, tama na yan.” kalmado na sabi ni Xanthe sa kanya. Marahas na binitawan ni Westley si Brandon. “Kaibigan kita Brandon, alam mo kung gaano kahalaga sa akin ang kapatid ko. Hindi ako nagagalit dahil alam kong hindi ka gagawa ng alam mong ikagagalit ko. At alam kong hindi mo kayang pagsamantalahan ang ka-inosentehan ng kapatid ko. Ngunit alam mo ang dahilan hindi ba? Ayoko nang maulit pa ito... makakaalis ka na.” wika ni Westley walang imik na umalis si Brandon at pagkatapos ay bumaling kay Faye. “Go back to your room at hindi ka puwedeng lumabas hanga’t hindi dumarating ang araw ng engagement niyo ni Ranzel. Am I clear?” “Y-Yes kuya…I'm sorry…” nakayukong sabi ni Faye sa kapatid. Pagkatapos ay umalis na si Brandon. Niyakap ni Xanthe si Faye sandali. “Pagpasensyahan mo na si Westley. Mahal na mahal ka lang ng kuya mo.” bulong ni Xanthe habang hinahagod ang likod nito. “Alam ko po yun Ate Xan…salamat.” ani niya at pagkatapos ay pumasok na siya sa mansion.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD