CHAPTER 2

1404 Words
KHAMALAs’ POV: Napapikit akong muli ng buksan ko ang aking mga mata dahil sa sobrang liwanag ang bumungad sa akin. Napakagat ako ng pang ibabang labi ko dahil, sumagitsit ang sakit hanggang sa aking ulo; gumapang sa aking buong katawan. Hindi ko alam kung ilang oras akong nawalan ng malay. Nang naka adjust na ang mga mata ko, nakatunghay sa akin ang dalawang kutong lupa, na nakangisi pa. “Buti naman gising kana! Gusto na sana kitang buhusan ng mainit na tubig para malapnos 'yang balat mo kung hindi ka pa magigising eh!” Singhal niya sa akin, sabay sipa ng paa ko. “Bumangon ka na diyan Khamala! Gutom na ako!” dugtong ni Emerald. Kahit hindi ko pa kaya, dahan-dahan akong bumangon, dahil sobrang sakit ng buong katawan ko. “Ang bagal!” Sabay sipa sa akin ni Piper. Sa lapag lang ako natutulog, banig lang ang sapin ko sa malamig na semento. Samantalang sila malambot na de kutson pa. “O-oo heto na,” napapangiwi ako sa sobrang sakit. Napakapit ako sa kama, ng biglang sinipa ako ni Piper. “ Kadiri ka madudumihan ang kama namin! Marumi yang kamay mo sing dumi sa pusali!” Napahandusay ako at tumama na naman ang likod ng ulo ko sa pader. “Amp!” Gusto kong sumigaw sa sobrang sakit pero matindi ang pagtikom ko ng aking bibig. Dahil sa tuwing sumisigaw ako sa masakit, mas natutuwa sila. “Ang arte mo talaga kahit kailan, Khamala! Bilisan mo na mamatay na ako sa gutom dahil diyan sa kadramahan mo! Bilis sabi eh!” Akma niya akong hihilahin sa buhok ng itinaas ko ang aking mga braso. “O-oo heto na tatayo na ako…” Nauutal kong sagot. Wala akong kalaban-laban sa kanila. Nang tumayo na ako halos bumagsak ulit ako dahil sobrang sakit mga hita at tuhod ko. Ginapang ko na lang hanggang sa makarating ako sa pintuan pero bigla na lang sumakay si Piper sa likuran ko at sinakop ang buhok at pinag papalo ako sa pwetan. “Hiya! Hiya!” Sabay hila sa buhok ko. Napatingala ako sa kanya. “Bilis! Bilis!” Utos ni Emerald sa akin at may patalon-talon pa siya. Wala akong nagawa. Kahit sobrang sakit at bigat ni Piper, tiniis ko. “P-pwede kana bumaba, Piper para makapagluto na ako.” Imporma ko sa kanya. “Simula ngayon Ma’am ang itawag mo sa amin dahil amo mo kami at nakatira ka dito sa bahay namin ng libri! Naintindihan mo?” Napatingin ako sa mga mata niya saglit. Pero akma niyang tutusukin ang mga mata ko agad akong ipikit iyon at itinago ang mukha ko sa aking dalawang braso. “Ano Khamala gets mo? Ma’am ang itawag mo sa amin simula ngayon!” Singhal ni Emerald. “O-oo Ma’am.” Halos hindi na lumapat sa lalamunan ko ang aking sagot. “Magaling!” dinig kong nag apir pa silang dalawa. Kumapit ako sa silya para makatayo ako. “A—ano ang gusto niyong kainin?” Isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi ko ng hindi ko napaghandaan at napahawak ako sigurado ako bakas na bakas ang paladd ni Piper sa pisngi ko. “B—bakit mo ako sinampal?” Tanong ko kay Piper. “Diba sabi ko, Ma’am ang itawag mo sa amin!” Malakas niyang sigaw kahit nasa harapan ko lang siya. “O—opo, ma'am.” “Ayan madali ka naman pala matuto eh. Kapag walang Ma’am yang kada sagot mo sa amin, sakit ng katawan ang matatanggap mo!” Napakagat ako ng aking pang-ilalim na labi. “Opo, ano ang gusto niyong kainin, ma’am?” Tanong ko ulit. Hindi ako umiyak. Naubos na ata lahat ng luha ko. “Fried chicken at pancit canton yong sweet chilli!" “Opo, Ma'am.” Tumalikod na ako, saka pa lang bumuhos ang luha sa mga mata ko na kanina ko pa pilit pinipigilan. Agad akong kumilos kahit hindi mabilis, kumuha ako ng tungtungan para maabot ko ang cabinet. Nagpakulo ako ng tubig at binuksan ko ang ref para sa friend chicken na gusto nila. Pinunasan ko ang aking mga luha dahil nanlalabo ang aking mga mata. Nang makapagluto na ako, inihain ko na sa mesa, nagtimpla na rin ako nang juice. Nang handa napatingin ako sa dalawa na abala naglalaro sa sala. Dahan-dahan akong lumapit para tawagin sila. “Uhm—M-ma'am kain na po. Handa na ang pagkain niyo.” Tinaasan ako ng kilay ni Piper sabay tayo at inihagis na lang basta ang throw pillow na nakapatong sa mga hita niya. “Ang kupad mong kumilos! Titirik na ang mga mata ko sa gutom!” Sabay bunggo sa balikat ko. Muntik na naman akong mawalan ng balanse, buti na lang nakakapit ako sa silya sa likuran ko. “Anong tinutunganga mo diyan. Katulong ka dito pagsilbihan mo kami! Lagyan mo ako ng pagkain sa plato ko Khamala.” Utos ni Emerald. Mariin akong pumikit. Huminga ng malalim. Lumapit ako sa pwesto nila at sinandukan sila ng pancit canton at nilagyang ng fried chicken ang mga plato nila. Nagsalin rin ako nag juice. Nang magawa ko iyon, maharan akong umatras at tumayo ilang dangkal mula sa kanila. Napadila ako sa aking mga labi dahil nanunuyo na iyon at ramdam ko ang matinding gutom. Napayuko ako. Nang matapos silang dalawang kumain, saka pa lang ako nag angat ng tingin. Kumakalam na ang sikmura ko. “Khamala, gutom kana ba?” Kalmadong tanong ni Piper sa akin. Tumingin ako sa kanya at tumango. “Wala kang dila Khamala?” Dugtong niyang tanong. “O-opo, ma'am gutom na ako.” Mahinang sagot ko. Sabay pilipit ng mga daliri ko sa aking likuran. “Okay very good.” Tumayo siya at sinundan ko siya ng tingin. Nanlaki ang mga mata ko ng itinapon niya sa basurahan ang natira nilang pagkain. “Lumapit ka dito.” Utos niya sa akin. “Ho?” “Bingi ka ba? Sabi ko lumapit ka dito!” Paika-ika akong lumapit sa kanya. “Luhod!” Nanlaki ang mga mata ko. “Sabi ko luhod Ang dami mong tanong sundin mo na lang kasi. Aangal ka ba?” Sabay batok sa akin. Napangiwi ako sa sakit, at dahan-dahan akong lumuhod. “Now, kainin mo yan gamit ang bibig mo! H’wag mong hahawakan Khamala! Kainin mo na parang aso yang pagkain na yan. Gusto kong makita kung hanggang saan ka Khamala! Naintindihan mo?” Mariin akong umiling. Hindi ko kayang kainin ang pagkaing galing sa basura. “Ayaw mo?” Maldita niyang tanong. Umiling ako ulit. Kasabay ng pag-agos ng aking mga luha habang nakaluhod at mariing nakapikit ang mga mata ko. Hinila niya patingala ang buhok. “Gutom ka diba?” Tanong niya sa akin. Hindi ko maikilos ang ulo ko dahil sakmal niya ang buhok ko sa likod nito. “Sagot, Khamala! Nauubos ang pasensya ko sayo!” Malakas niyang sigaw sa mukha ko. Halos mabibingi ako sa lakas ng sigaw niya. “Kainin mo na nga kasi!” Sabay sipa ni Emerald sa mga hita ko. Pilit akong tumango kahit labag sa loob ko. “Gagawin din naman pala gusto palagi masaktan!” inis na inis na sabi ni Piper. Biglang hinawakan ni Emerald ang dalawang kamay ko ay inilagay sa likuran ko. Habang hawak pa rin ni Piper ang buhok ko sa likod. Sa sobrang higpit ng pakapit ng mga daliri niya doon parang namanhid na ako sa sobrang sakit. Inilapit niya ang mukha ko sa basurahan at akma kong ibuka ang bibig ko, nang dumadagundong ang boses ni Uncle Salvador. “Ano naman ito Khalama?” Dinig na dinig ko ang mga yabag niya. Marahan akong binitawan nina Piper at Emerald sabay takbo papalapit sa tatay nila. “Papa si Khamala itinapon ang pinaluto lang namin ng pagkain.” Nanlaki ang mga mata ko. “Ho? Hindi po, Uncle!” Agad kong sagot. “So, sinungaling ang mga anak ko Khamala?” Galit na tanong ni uncle Salvador. Hinaklit niya ang braso ko. “Palamunin na nga dito sa bahay! Nagtatapon ka pa ng pagkain! Putang ina ka!” Pero ang hinintay ko na lang lumapat ang kamay niya sa akin pero hindi nangyari kaya napabukas ako ng aking mga mata. Nakita ko na lang si Uncle Salvador nakahiga at may dugo umaagos mula sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko. Ang lakas ng tili nina Emerald at Piper. Papa!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD