CHAPTER 17

1502 Words
ALLISTER’s POV: “Allister! H’wag ka nga tatanga-tanga!” Malakas na sigaw ni Khamala sa akin. “Ouch naman, Kham tanga agad? Ang harsh mo naman?” Kunwari akong nasasaktan sa pangbubulyaw niya sa akin. Nandito kami sa gym, nagpapractice ng pandanggo sa ilaw na ipapalabas sa susunod na linggo dahil sa foundation anniversary ng bahay ampunan. Dadaluhan daw ito ng mga kilalang tao sa lipunan ayon kay Sister Marisol. “Buti nga tanga lang sinabi ko sayo!” Aburido niyang singhal sa akin. Tuwang-tuwa akong inisin siya dahil dito man lang mapansin niya ako. “Hindi ba puwedeng mellow lang ang pagsinghal, Kham? Yung may konting lambing naman? Sakit masyado sa atay.” Sumimangot ako lalo. “Lambing? Wow ha? Ano tingin mo sa sarili mo VULNERABLE sa insulto?” Dagdag pa niya. “Wow English na naman, marami na talaga akong vocabulary na natutunan sayo Kham. Tatalino na ako niyan. Salamat sayo.” Birong sagot ko pero lalong umusok ang ilong niya sa galit. “Kung may kandila niyang hawak mo napaso kana!” Napangiti ako, gusto kong palakpakan ang sarili ko. Tagaktak ang pawis ni Khamala dahil sa suot niya, sinabayan ko pa yan nang pag-aasar kaya lalong uminit ang ulo niya sa akin. Halos isang linggo ko rin siyang tiniis na hindi kausapin hanggang tingin lang ako. “Allister ano ba?! Lutang ka na naman?” Sabay hampas niya sa balikat ko. Hindi agad ako naka react kahit masakit iyon dahil para akong nahipnotismo sa kanya niya. Ang malalantik niyang mga pilikmata. Ang kilay niya na akala mo ginuhit ng magaling na manlililok. Ang kulay abuhin niyang mga mata. Matangos ang ilong ay may manipis at mapupula niyang mga labi. Napadako ang tingin ko doon. Napalunok ako ng wala sa oras. Napaawang ng bahagya ang aking mga labi. Maraming beses naman kaming magkatabi, magkaharap pero bakit mas lalo siyang gumaganda sa paningin ko. Ang lakas ng t***k ng puso ko. Isang sakal sa batok, ang nagpabalik sa kamalayan ko. “Pasensya kana, Khamala, naka batak ata itong si Ali, kaya lutang na naman.” Ani ni Roldan, sabay hila sa akin papalayo kay Khamala. “s**t naman!” Napamura na ako. Ano iyon bakit napatulala ako bigla? Sita ng maliit na tinig sa utak ko. “Kita mo yang gawa mo, anong tinira mo bakit mo iniinis si Kham, alam mo naman kayo ang lider, para kang tanga sa harapan niya. Balot na balot pa naman iyon!” hindi ko na pinansin si Roldan tumingin ako kay Kham na nakaupo sa bench, taas-baba ang balikat niya, hingal na hingal na. Siguro dahil sa inis. “Hoy lover boy! Nakikinig ka ba?” Sabay hampas ni Roldan sa balikat ko. “Oo hindi ako bingi!” Nayayamot kong sagot. “Hindi ka nga bingi nag day dreaming ka naman!” dugtong pa niya. Napailing na lang ako. Hindi ko na itatanggi ang lahat nang napansin ni Roldan sa akin. Totoo naman kasi. Natapos ang buong maghapon ng wala kaming maayos na choreography, walang ibang ginawa si Khamala kundi pagalitan ako. Pero kahit paano masaya ako. Lalo na kung magkakadikit ang mga katawan namin. Mula paikot hanggang sa magdikit ang mga likod namin… *** Nakatayo na kami sa likod ng stage, kami na ang susunod na sasayaw. Kinabahan ako. Namamawis ang mga kamay ko. Tiningnan ko si Khamala nakaupo, nakakunot ang noo niya sa binabasa niya. Nakapatong iyon sa mga hita niya. Nagbabasa siya ng libro. Seryoso? Sasayaw na kami libro pa rin ang hawak niya? Dinig ko ang masigabong palakpakan ng mga panauhin sa labas. Sumabay pa ang pagtahip nang t***k ng puso ko. Tumayo si Khamala at iniwan sa inupuan niya ang librong hawak nito kanina. Pumuwesto na siya sa kabilang pasukan ng stage ako naman sa kanan. Dinig ko na rin ang anunsyo ni sister Marisol hinggil sa susunod na palabas. Pakiramdam ko kakatayin na ako. “Ladies, gentlemen, and distinguished guests, may I present to you, our sophomore, for their Pandanggo sa Ilaw.” Anunsyo ni sister Marisol. Inayos na ang linya namin at hudyat na para pumasok. Ilang beses akong napalunok. Naka-dim pa ang ilaw, pero kitang-kita ko pa rin ang suot na Khamala na purple na Filipiniana. May bahagya siyang kolorete sa mukha pero mas maganda siya kung wala siyang lipstick, may blush-on din siya. Naka yapak kaming lahat. Suot ko ay kamesita de chino na puti at purple rin ang kulay ng pang ibaba kong pantalon. Nang magsimulang tumugtog ang folk song, magkaharap na kami ni Khamala, at umindak ayon sa aming choreography. Nakatingin lang ako sa maganda niyang mukha. Ang walang emosyon niyang mga mata. Ramdam ko ang panunuyo ng aking lalamunan. Hanggang sa magkadikit na ang mga likod namin. Hanggang sa ilapag namin ang ilaw sa harapan. Magkaharap ulit kami ni Khamala. Hinawakan ko ang isang kamay niya. Ramdam ko ang init noon. Kakaibang init ang dumaloy sa aking kaibuturan. Napatingin ako sa sinuot niya sa kabilang braso niya. Long sleep pa rin iyon. “Focus!” Mariing sita ni Khamala sa akin. Napakurap ako habang sumusunod sa galaw niya. “s**t!” Mahina pero matigas niyang mura. Naapakan ko kasi ang paa niya. Pinandilatan niya ako. Napakagat ako ng aking pang ibabang labi. Hiyang-hiya ako dahil napapatulala lang naman ako sa kagandahan ni Kham. Kitang-kita ako ang pagtagis niya ng bagang sa galit. Siguro kung nakakamatay lang ang mga titig niya, malamang dumanak na ang dugo sa stage. Hanggang hindi ko na namalayan tapos na ang sayaw namin. Pumunta kami sa unahan, magkahawak kaming lahat ng kamay at yumukod sa aming mga manonood. Hanggang sa magtama ang mga mata namin ng lalaking pamilyar sa akin. Wala siyang salamin. Magara ang suot niyang tuxedo. Nakapalitada ang ayos ng buhok niya. Walang sumbrero at makinis ang mukha. Ang kulay ng mga mata niya. Hindi ko alam kung ano ang aking maramdaman. Napalunok ako ng wala sa oras. Ibig sabihin isa siya sa mayaman na sponsor sa bahay ampunan. Anong ginagawa niya rito. Hindi nakaligtas sa akin ang pagkibot sa gilid ng labi niya at napailing pa ito. Bago kami tuluyang pumasok sa loob ng backstage lumingon ako ulit. Pero wala na siya sa kinauupuan niya. Lalong lumakas ang t***k ng puso ko. “Mga bata kailangan niyong pumunta sa harapan ng stage at makinig sa ating panauhing pandangal.” Imporma sa amin ni sister Marites. Nang umupo kami sa mga bakanteng silya. Saka naman nag-anunsyo si Sister Marisol na siyang emcee sa nasabing palabas. “It's been an honor and privilege to introduce you to our esteemed guest speaker. We believe that his expertise and insights will greatly enrich our knowledge and inspire us to new heights in our future endeavors. We thank you in advance for your time and encouragement. Ladies and Gentlemen, our guest speaker is no other than Mr. Ramelan Smith...Sir...” Pumasok si Ramelan na iyon sa mula sa backstage kaya pala nawala siya. Hindi ako kumurap sa bawat hakbang niya papalapit sa harapan at inabot ang microphone mula kay sister Marisol. “I am flattered, sister Marisol.” Sinalubong niya ang mga bata ng bawat bisita hanggang sa tumigil iyon sa akin. Masamang tingin ang sinalubong ko sa kanya pero tila walang epekto iyon. Ngumiti pa ng makahulugan. Wari'y nagsasabi na “I am watching you!” “Hindi naman kaila sa lahat na malapit ang puso ko sa mga bata. Sila ang aking inspiration, para patuloy na magbigay ng tulong sa ating pinakamamahal na ampunan.” Parang tumigil ang pagtibok ng puso ko, para wala akong naririnig sa lahat ng kasinungalingan niya. Maaamo na akala mo santo ang panlabas niyang anyo pero isa siyang demonyo. Ang mga mabulaklak niyang mga salita, na kapagpanindig ng aking balahibo. Wala akong naintindihan sa lahat ng sinabi niya. Ang namayani sa puso ko ay galit. Hawak niya ang nanay ko! Mabilis akong tumayo at tumakbo palabas ng bulwagang iyon. Hindi ko alam kung saan ako patutungo. Hanggang sa napatigil ako ng kinapos ako ng hininga. Napahawak ako sa aking mga tuhod at habol-habol ko ang aking paghinga. Tagaktak ang pawis ko sa noo. “Kumusta ang misyon mo?” Kaswal na tanong ni Ramelan sa akin. Hindi ko siya nilingon. Hindi rin ako sumagot. “Tinatanong kita, Allister, kumusta ang misyon mo?” Malamig niyang tanong, saka ako ng angat ng tingin. “Mahirap. Wala pa akong progress!” Sagot ko sa kanya. Nilampasan ko rin siya. Pero naka ilang hakbang pa lang ako ng mariin niyang pinisil ang braso ko. Napangiwi ako sa sakit. “H’wag kang bastos kapag kinakausap pa kita!” Hinila niya ako pabalik. Napaatras ako ng wala sa oras. “Ako bastos?” Sarkastiko kong tanong. “Eh kung bastos ako ano ang tawag sayo?” “Aba’t—” “Sir Ramelan?” Malakas na tawag ni Sister Marisol. Napabuntong hininga siya ng malalim saka ako pinakawalan. Tumalilis ako ng takbo! Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng aking mga luha. Hayop ka Ramelan! Hayop!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD