LILY'S POV Nag-gugupit ako ng kuko habang hinihintay ko si ate na lumabas sa bathroom para ako naman ang maligo nang biglang may kumatok sa kwarto kaya mabilis ko itong binuksan. "Anong kailangan mo?" Mataray na tanong ko kay William nang buksan ko ang pinto. "Ang ate mo?" Lagi't-lagi hinahanap si ate. Parang hindi siya makatulog kung hindi niya makikita si ate. "Naliligo." Sabi ko sabay irap sa kanya. Sasaraduhan ko na sana siya ng pinto pero pinigil niya ito sabay may tinusok siya sa braso ko. "Para saan yan?" Tanong ko ng makita ko ang hawak niyang syringe na itinusok niya sa braso ko. "It's for my marriage proposal to your sister." Sagot niya sabay ngisi. "Anong pinagsasasabi mo?" Kunot-noo kong tanong sa kanya. "Just wait and see. Tell your sister to come see me at the sea

