CHAPTER 13: SHE'S ALIVE

4976 Words
KAI'S POV Pagkatapos ng ilang oras na biyahe ay sa wakas narating na rin namin ang resort dito sa batangas na sinasabi ni Damon. "Waahhh fresh air!!!" Nakapikit na sabi ni Lily pagkatapos niyang langhapin ang hangin. First time niyang makalabas ulit simula noong nahospital siya. Ayaw ko sanang payagan si Lily na sumama dahil baka mapano siya pero sabi ni William okay lang naman na lumabas si Lily pero kailangan imonitor at maraming health precautions na dapat sundin kaya nakiusap ako kay William na sumama siya para may doctor kaming kasama. Gustong-gusto kasi ni Lily mag dagat at dahil rin kasama si Draco kaya gustong-gusto niya sumama. Saka sabi ni William therapy rin yung dagat at para makapag relax rin daw si Lily bago magswitch sa bago niyang treatment kaya kahit ayaw ko rin sana sumama para mabantayan sana si Lily sa hospital ay napapayag na rin ako. "Mommy!!!" Tumakbo si Blaze sa akin pagkababa niya ng sasakyan sabay yakap sa'kin. Sa sasakyan ni William kami ni Lily sumakay para incase na may mangyari kay Lily sa biyahe alam ko kung ano ang gagawin. "Sorry, hindi mo kasama si mommy sa biyahe, kailangan ko kasi samahan si tita Lily mo." Sabi ko kay Blaze habang pinipisil ang pisngi niya. "Okay lang po pero sa cabin dapat kasama ka namin ni paps ha para tabi tayo matulog, mommy." Batang 'to talaga ang clingy. "Bakit hindi pa bumababa ang paps mo? Anong ginagawa?" Siya nalang kasi hinihintay para makapunta na kami sa cabin. "Kausap pa niya si Tracy. Mauna na daw tayo, mommy, dadalhin niya nalang mga gamit natin." "Lily, yung mga pinayo ko sayo ha. Galing ka sa chemo kaya sobrang sensitive pa ang balat mo sa araw. This means bawal ang long exposure sa araw. Hanggang 9 am ka lang pwedeng magpaaraw. Susceptible ka sa mga germs na naninirahan sa tubig at mahina pa ang immune system mo, hindi pa kaya labanan ng katawan mo ang infection kaya bawal ka pa mag swimming." Paalala ni William habang inaayos ang wheel chair ni Lily. Kailangan pa kasi namin maglakad papunta sa cabin kaya kailangan ng wheel chair kasi mabilis mapagod si Lily. "Oo na, William. Wag ka mag-alala susundin ko lahat ng payo mo para sa mabilisang pag galing ko." Iritang sabi ni Lily dahil naririndi na'to sa mga paalala ni William. "Hoy, pandak! Hindi mo 'to nirentahan? Bakit ang daming tao?" Reklamo ni Boris habang naglalakad kami sa buhanginan papuntang cabin. "Mas marami mas masaya. Saka anong gusto mo, tayo lang ang tao? Sawang-sawa na ako sa pagmumukha mo." Pagbibirong sagot naman ni Damon. "Sus. Ang sabihin mo para masiyahan nanaman yang mga mata mo sa mga babaeng naka-swimsuit." Boris. "Mismo!" Natatawang sabi ni Damon. "Wow! Ang cute ng cabin houses!" Manghang sabi ni Blaze nang marating namin ang mga magkahilerang cabin. Gawa sa kahoy ang cabin at maliliit lang 'to. "Guys may problema. Apat na cabin lang ang nireserved ko. Akala ko kasi maliban sa aming tatlo sina Boss A, Blaze, at Kai lang kasama." Kamot ulo na sabi ni Damon. "I'll rent another cabin for us. Kai, Lily, Nicole, tara na." Singit naman ni William. "Dude, fully booked na lahat ng cabin. Kung hindi pa edi sana nagdagdag ako 'diba." Damon. "Bawat cabin tig-dadalawa lang ang rooms. Siyam tayo lahat so sa isang cabin may tatlong magkasama and then the rest by pair." Dagdag pa ni Damon. "Pair kami ni Draco." Pigilan niyo ako. Kukurutin ko yang kapatid ko kahit may sakit. Nasamid tuloy si Draco sa sarili niyang laway sa intrada ni Lily. "Hoy! Lilibeth magtigil ka! Tayong dalawa ang magkasama." Saway ko sa kanya. "Ate namaaan ang kj!!!" Reklamo niya. "Kami nalang ni Lily ang magkasama, Ma'am Kai, para mabantayan ko siya." Nicole. "Oo, ate. Si ate Nicole nalang para maging close at makapag bonding kami since siya naman ang mag-aalaga at magbabantay sakin simula ngayon. Wag mo ako alalahanin, ate. Wala naman mangyayari sakin dito kay mag-enjoy ka hindi yung mag-alala ka sakin buong bakasyon." Lily. "Wag mo na akong tawaging 'Ma'am', Nicole. Kapag nagpasaway ang kapatid ko tawagin mo ako agad ha." Tiningnan ko ng masama si Lily. Tumango naman si Nicole bilang sagot. "Kami ni Draco ang magkasama sa isang cabin." Damon. "Sa akin mag-sstay si Kai." William. Okay lang naman sa akin. Matagal namana kaming magkaibigan ni William. "As if I will let her." Singit ni Alec na kakarating lang dito. "Sa amin ka ni Blaze mag-sstay." Ayan nanaman si Alec sa maawtoridad niyang boses. "Sa amin si mommy Kai." Dagdag pa ni Blaze. "Bro, wala kanang choice, tayo nalang ang magkasama." Sabi ni Boris kay William. Pagkatapos ng diskusyong yun ay ibinigay na ni Damon ang mga susi at nagkanya-kanya na kami pasok sa mga cabin namin. Si Blaze nandun muna sumama kay Draco dahil magpapaturo raw siya ng bagong launch ng games ni Draco. "Happy Birthday!" Bati ko kay Alec habang nilalapag niya ang mga gamit namin na kanina pa niya bitbit. Hindi ko pa kasi siya nababati. "Kung may gusto kang matanggap na gift, ano yun?" Gusto ko siya regaluhan pero wala akong maisip dahil nasa kanya namana ang lahat. "You." Walang pagdadalawang isip niyang sabi. Alam ko nagbibiro siya kahit seryoso ang mukha niya kaya sinakyan ko nalang ang biro niya para naman hindi boring. "Anong gusto mong design ng gift wrap ang ibabalot sa akin? Or gusto mo naka paper bag nalang? Mga ilang gift wrap kaya magagastos ko para balotin ang sarili ko? May gift wrap kaya na tinda dito?" Pagbibiro ko sa kanya habang inaayos ang gamit namin sa kwarto kaya natawa naman siya. "You don't need to wrap yourself, sweetheart. Ayoko mapagod ka. Naked you is fine with me." Ayan nanaman po siya sa kabastusan niya. "Ano ka sinuswerte?" Pagtataray ko sa kanya pero hindi na niya ako pinansin dahil humilata na siya sa kama. Parang ang lamya niya ngayon. Baka napagod siya sa biyahe. "Okay ka lang?" Alalang tanong ko sa kanya dahil parang may sakit siya pero tinanguan niya lang ako. "Ang init mo. May lagnat ka!" Sabi ko pagkatapos kong hawakan ang noo at leeg niya. Para akong mapapaso sa init kaya medyo nagpanic ako. Dali-dali akong naghanap ng bimpo sa gamit namin at pinigaan iyon sa tubig saka inilagay ko sa noo niya pero tinanggal niya. "It's just a stupid headache, it's nothing." Sabi niya sabay bangon at nagpalit ng damit. "Kahit uminom ka nalang ng gamot. Magtatanong ako kay William baka may dala siya." Lalabas na sana ako sa kwarto pero pinigilan naman niya ako. Ang hilig nito mangpigil. "I'm fine, really. Hindi mo na kailangan pumunta sa kanya." Haissst bahala kana nga sa buhay mo, Alec. Ang tigas ng ulo mo. "Mommy and paps, gusto ko na po magswimming." Sabi ni Blaze na kakapasok lang dito sa kwarto. "Lagyan muna kita ng sunblock." Pagkatapos kong lagyan ng sunblock si Blaze ay pinasuot ko 'to ng rash guard. Tirik na tirik kasi ang araw. "Wait mo si mommy. Magbibihis lang ako." Paalam ko kay Blaze sabay sa cr na ako nagbihis. Nag rash guard nalang din ako kasi sobrang init at isa pa nahihiya rin ako magswimsuit kasi ang daming tao. Pagkalabas namin ng cabin ay lumublob agad si Blaze sa dagat. Nagsswimming narin sila Nicole, Damon, at Boris. Si Lily nasa lilim ng puno nagpapahangin lang kaya doon na ako umupo sa tabi niya. "Okay ka lang? Wala kang nararamdaman?" Pangangamusta ko kay Lily. "Oo, ate. Hindi halata pero nageenjoy ako, ang sarap kasi ng hangin at nakakarelax makita ang dagat." Masaya akong nag-eenjoy siya kahit hindi siya nakakapag swimming. "Hindi ka pa maliligo?" Tanong ni William habang inaabot sa akin ang sunblock niya. Malamang magpapalagay siya. "Mamaya na." Sagot ko sa kanya habang binubuksan ang sunblock. Nang lagyan ko na sana ng sunblock si William, nagulat ako nang biglang may humablot sa kamay ko. Sino pa ba kundi si Alec. "Sobrang init tapos lumabas ka. Mas lalong sasakit ang ulo mo nyan." Saway ko sa kanya. "Wala ba yang kamay? Bakit sayo pa magpapalagay?" Salubong ang kilay niya. Napaka hot-tempred talaga ng lalaking 'to. "Ikaw, wala ka bang common sense? Try mo lagyan yung likod mo kung abot mo." Sagot ni William. "Ano ba yan! Para kayong mga bata! Gagawa pa kayo ng eksena, ang daming tao dito." Awat ko na sa kanila dahil masama na ang titig nila sa isa't-isa. Kulang nalang ay magsuntukan na sila. "Ako nalang ang maglalagay ng sunblock kay William." Singit ni Nicole na kakaahon lang. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung ano ang ugnayan nilang dalawa. "Anong gagawin ko dyan?" Tanong ko kay Alec habang inaabot sa akin ang sunblock na bitbit niya. "Palagay." Sabi niya sabay upo sa tabi ko sa may buhanginan at hinubad ang suot niyang t-shirt. "Wala ka bang kamay?" Pang gagaya ko sa sinabi niya kay William. Hindi na niya ako sinagot dahil hinawakan niya na ang kamay ko na may sunblock na ilalagay ko dapat kay William at sinimulang ipinahid iyon sa dibdib niya. Habang hawak ni Alec ang kamay ko na idinadampi niya sa dibdib niya, maraming mga naggagandahan at nagsesexyhang naka bikini na babae ang nakapalibot sa amin at nagsimulang magbulong-bulungan. "Sigurado ka si Mr. Castellano yan?" "Oo beh. Tingnan mo ang gwapo. Ughh." "Nakakalaglag panty ang katawan niya." Natawa naman ako sa sinabi ni ate. "Ang swerte naman ng babae. Nahahawakan si Mr. Castellano, sino kaya siya?" "Baka katulong niya." Grabe ha, judgemental si ate. "Hoy! Di hamak na mas maganda yung ate ko sayo. Maka katulong ka naman dyan." Pagtatanggol ni Lily sa'kin pero hindi siya pinansin ng mga 'to at nagpatuloy lang sa pagbulong-bulongan. "Alilain mo ako, Mr. Castellano. Hindi ako magrereklamo." Jusko ka ate girl. "Hindi ba kayo updated? Siya yung nasa viral video na asawa ni Mr. Castellano." "Ayy hindi namin yun nakita. Patingin ako." "Wala na. Bigla ngang natake-down lahat sa loob lang ng ilang oras." "Yung isang lalaki rin ang gwapo!" Tukoy ng isang babae kay William. "Kung papipiliin ako sa kanilang dalawa kay Mr. Castellano ako." "Ako naman pwede both?" Kung makachismis naman 'tong mga 'to parang wala kami sa harapan nila ah. "Ako na ang maglalagay. Bitawan mo na ang kamay ko. Nakakahiya, pinagtitingan tayo ng mga tao." Kinakalas ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya pero hindi niya binitawan at nilagyan pa niya ulit 'to ng sunblock tapos sa abs niya naman pinahid. Ngayon lang ako nakahawak ng abs. "Pwede mo ba kami picturan ni Mr. Castellano?" Wala manlang excuse, ate girl? "Kami rin, picturan mo rin kami." Sabi rin ng iba. Hindi naman ako nainform, sumama lang pala ako dito para maging photographer nila. Wala manlang 'please'. Kung makautos naman sila. "She's my wife, not your photographer. Can't y'all see, we're in the middle of something?" Iritang sabi ni Alec. Dissapointed na nag-alisan ang mga kababaihan dahil hindi sila pinayagan ni Alec na magkapicture sa kanya. "Dapat pinagbigyan mo na. Baka kung ano pa ang sabihin ng mga yun sayo." Sabi ko kay Alec. "Seriously, Kai? They are disrespecting you and you still want me to accomodate them? Besides, I am not here to entertain them, hindi ako artista para magbigay ng fan service." Ayan nagagalit nanaman siya. "May lagnat ka na nga dadagdagan mo pa ng init ng ulo. Lalo ka magiging hot niyan." Pagbibiro ko sa kanya. "Yiee...Edi umamin ka din na hot si Mr. Castellano, Ate?" Pang-aasar ni Lily. "Pumasok ka na sa loob, Lily. Mainit na dito. Remember, bawal ka sa arawan." Sabi ni William sabay alis papunta ng dagat. "Problema nun, Ate? Wala namang init dito. Naka sunblock at longsleeve naman ako tapos naka cap pa. Balot na balot na nga ako e." Pagrereklamo ni Lily. "Sundin mo nalang. Sino ba ang doctor dito, 'diba ba siya?" Natatawa kong sabi kay Lily. "Sabihin niya lang kung nagseselos siya hindi yung dinadamay niya pa ako." Iritang sabi ni Lily. "Kahit doon ka nalang sa balcony para makalanghap ka parin ng sariwang hangin." Sabi ko kay Lily kaya naman bumalik naman agad siya sa cabin. Pagkatapos ko lagyan ng sunblock si Alec, agad rin nitong pinuntahan si Blaze pero iritang umahon rin siya kaagad kasama si Blaze kasi pinalilibotan siya ng mga kababaihan. Yung mga babae para silang may nakakamanghang pinapanuod. Kinakausap lang naman ni Alec sila Damon at Boris tsaka kanina walang tao sa part na 'to ng resort pero nung nakita nila sina Alec ay parang halos lahat ng tao ay naglipatan dito. Masyado nang crowded. Pagkatapos namin mag-lunch sa isang restaurant dito sa resort ay agad na rin kami bumalik sa kanya-kanya naming cabin. Wala akong maisip na gagawin kaya naisipan ko matulog nalang muna. Ayaw ko naman kausapin si Alec dahil nagtatrabaho siya, busy siya sa laptop niya tapos si Blaze naman pagkatapos magbihis ay pumunta na agad kay Draco dahil magpapaturo daw siya ng games ulit. Si Lily naman ay natutulog daw sabi ni Nicole kaya hindi rin ako makapunta sa kanya. Gabi na nang gumising ako pero si Alec ay subsob pa rin sa laptop niya. Wala pa si Blaze dito kaya naisipan ko nalang 'to sunduin. "Sunduin ko lang si Blaze." Paalam ko kay Alec. "He's with your sister, maglalakad-lakad daw sila sa tabing dagat kasama ang caregiver at si Rusco." "Si Lily? Kasama si Draco? Hindi nagpapaalam sa akin ha, gabi na." Kukurutin ko talaga ang batang yun. "Your sister came here kasama si Blaze para magpaalam pero hindi na kita pinagising. Pinayagan ko na at pinasamahan ko sila kay Rusco." Naisipan kong magnight swimming kaya dumiretso na ako sa cr para magbihis. Sinuot ko na yung one piece kong swimsuit dahil gabi naman, hindi na nakakahiya. Hindi kasi ako nagsswimsuit, ngayon lang. Sigurado naman akong wala naman masyadong naliligo. "Maliligo lang ako saglit." Paalam ko kay Alec pagtapos kong magbihis. Nakatutok pa rin siya sa laptop niya pero nang tumalikod na ako sa kanya ay nagsalita ito. "Change your clothes." "Bakit, hindi ba bagay?" Taka kong tanong sa kanya. "You're stunning, sweetheart pero kailangan ba talaga nakaswimsuit ka? It's too revealing. I'm busy right now kaya hindi kita masasamahan gabi na." Kanina sa laptop nakapako ang tingin niya, ngayon sa akin na. Naiilang tuloy ako. Naka one piece swimsuit ako kaya hindi naman masyadong revealing pero backless 'to na black. "Malamang po beach po 'to normal lang na magswimsuit. Anong gusto mo mag gown ako dito?" Sarkastiko kong sagot sa kanya. "Wear your rash guard instead." Bakit ba nangingialam siya ng suot ko. "Buang ka ba? Wala namang init pag rarash guardin mo ako? Alis na ako bahala ka dyan." May sinasabi pa siya pero hindi ko na pinakinggan dahil nagmadali na akong lumabas. "Mommy, you're so sexy!" Compliment ni Blaze nang makita ako. Nandito lang pala sila, nakaupo sa tabing dagat. "Taray! Nagswimsuit for the first time." Pangaasar ni Lily. "Kung hindi ka didistansya kay Draco, for the first time makukurot rin kita Lilibeth." Dikit kasi nang dikit kay Draco. "Ate namaaan ang kj mo talaga!" "Kung naiirita ka na sa kapatid ko, Draco, ako na ang humihingi ng pasensya. Makulit talaga yan." "Okay lang, wala akong kapatid kaya ngayon parang may makulit lang akong kapatid na umaaligid sa akin." Marunong palang ngumiti 'tong si Draco. Actually boto naman ako sa kanya para kay Lily kasi mabait naman syang tao, magalang, at gentleman. "Ano?! Kapatid?! Ayokong kapatid mo lang ako. Ma fafall ka rin sa akin. Wait mo lang pag gumaling ako. Mas maganda ako kapag gumaling ako. Sa ngayon hindi mo ako gusto kasi ang pangit ko e." Loka-loka talaga 'tong kapatid ko. "Maganda ka pa rin, tita Lily, kahit you're sick." Blaze. "Talaga, Baby Blaze? Pinapaiyak mo naman ako." Umaarte pa siyang naluluha. "Narinig mo yun, Draco? Maganda pa rin naman ako ah." "Hindi importante ang itsura sa akin, Miss. Hindi lang talaga kita type." "Ano ba type mo?" Interesadong tanong ni Lily kay Draco. "Basta hindi ikaw." Natatawang sabi ni Draco. "Ang tipo niyan ay yung kasing talino niya, gamer, at hindi masyadong feminine." Singit ni Damon habang umuupo sa buhangin sa tabi ni Draco. "Ang gara naman none of the above ako. Hindi ako matalino pero sakto lang, hindi ako gamer pero mabilis naman ako matuto kung payag kang turuan mo ako, mahinhin ako pero kaya ko rin kaya maging boyish." Sige ipilit mo lang Lilibeth. "Kaya naman pala mag-adjust, Kapre!" Gatong ni Damon sa sinabi ni Lily kaya binatokan siya ni Draco. Iniwan ko na sila dahil lumusong na ako sa dagat. Ang sarap maligo dahil low tide at hindi mainit yung tubig, hindi rin malamig. Sakto lang. "Uyy andito ka na rin pala." Bati ko kay William na naglalakad papunta sa pinagsswimmingan ko. "I heard mag-isa kang naliligo kaya gusto kitang samahan." "Kaano-ano mo pala si Nicole?" Tanong ko kay William habang nagbabad lang kami sa dagat. Para naman may topic kaming dalawa. "Younger sister." Nagulat ako sa sinabi niya. Mukhang hindi naman kasi sila magkamukha. "Legit?" "Sister from another mother. Dalawa lang kaming magkapatid." "Akala ko may past kayong dalawa." Natawa siya sa sinabi ko. "Pero bakit mukhang nagalit ka nung nakita mo siya sa hospital?" "Sila ang dahilan kung bakit namatay si mommy. Anak sa labas ni daddy si Nicole kaya nung nalaman ni mommy na may kabit si daddy at may anak pa, inatake siya sa puso na ikinamatay niya. Kaya hanggat maaari ayokong maassociate ulit sa kanila." Kaya pala galit siya kay Nicole. "Ouch!" Daing ko nang nakaramdam ako na parang may naapakan akong matulis na bagay. "Bakit?" Alalang tanong ni William. "May naapakan lang." Inaangat ko ang paa ko at nagdudugo 'to. Basag na bote yata ang naapakan ko. "You're bleeding." Sabi ni William sabay buhat sa akin. Pagkatapos niya akong ilapag sa buhanginan ay tinanggal niya ang t-shirt niya saka itinali iyon sa paa kong nagdudugo. "Malalim ang sugat mo. Dito ka muna kukunin ko lang yung yung pang cleansing. Wag ka munang tumayo baka mapasukan ng buhangin ang sugat mo. Saglit lang ako. Babalik ako kaagad." Sabi niya sabay tumakbo na sa cabin. Wala na sila Lily dito kaya mag-isa nalang akong naiwan dito. Wala ding ibang taong naliligo, maliliban saamin kanina ni William. BORIS' POV Nandito kaming tatlo ngayon nila Damon, Draco, at Boss A sa kwarto ko sa cabin namin ni William kasi may pag-uusapan kaming mahalaga tungkol sa sinabi ni Damon na surprise kay Boss A. Safe naman kaming mag-usap dito kasi wala naman si William dito, kasama niya si Kai sabi ni Draco. "Make it quick." Pagmamadali ni Boss A. Nakasalubong lang kasi namin si Boss A sa labas. Susunduin niya na sana si Kai dahil nabanggit ng tarantadong Draco na iniwan na nila si Kai na naliligo kasi may kasama namana daw at si William yun. "Noong nasa business trip ako, someone emailed me these photos." Pinakita ko kay Boss A ang mga litrato na senend sa sss ko. "At first hindi ako naniniwala kasi baka kako photoshopped lang ang mga litrato pero hiningi ko ang address sa anonymous na nag-email sakin at pinamanmanan ko kina Zeggy at Sean (members ng blue aces) ng 3 days and it turned out na totoo nga ang nasa litrato." Kwento ko sa kanila. "Hindi nga edited, Boss A." Sabi ni Kapre habang sinusuri ang litrato. "Is Kate really alive? Where is she right now?" Kita ko sa mukha ni Boss A ang mixed emotion na nararamdaman niya. Masaya siya na hindi makapaniwala. "Noong una ayaw ko rin maniwala pero nang pinakita nila Zeggy at Sean ang litrato na kuha nila personally, medyo na convinced na rin ako, Boss A." Damon. "Sigurado na ba kayong dalawa?" Paninigurado ni Draco. Walang siyang alam dito, hindi namin nabanggit sa kanya. "Nakausap na namin siya. Ang sabi niya wala raw siyang maalala. Ang naalala lang niya ay nasunugan sila. Ang sabi daw ng doctor sa kanya ay may amnesia siya so basically wala siyang idea kung sino talaga siya at possible na ang nag-email sa akin ay may alam sa ugnayan ni Kate at ni Boss A. Sa sunog akala natin namatay si Kate, so kung hindi siya yun, sino pa ba siya? Impossible namang nagkataon lang lahat. Parehong-pareho ang nangyari sa kanila." Paliwanag ko. "Ang tanong sino siya? Bakit pa pinaabot ng 6 years bago niya ipaalam na buhay si Kate?" Pangunguwestyon ni Draco. "Kaya nga nandyan ka, Kapre! Ano pa bang silbi ng skills mo kung hindi mo ititrace ang anonymous na nagsend sa'kin ng email para masagot ang mga katanungan natin." Nagulat ako nang binatokan niya ako. "Gusto mo palang ipa-trace bakit hindi niyo pinaalam sa'kin?" Ka laking tao ng tarantadong 'to, nagtatampo pa. "Edi nawala ang surprise kung sinabi namin sayo. Hindi ka marunong magtago ng sekreto kaya malamang sasabihin mo 'to kay Boss A bago ang birthday niya. Si Kate na nga lang ang regalong maibibigay natin sa kanya." Damon. "Give me her address, I'll go to her right now." Excited naman, Boss A. "Hindi na kailangan, Boss A. Kasama na siya nila Zeggy at Sean. Nasa flight na sila ngayon and by 7 am tomorrow nasa bahay mo na sila dahil doon ko na sila pinadiretso. Konting oras nalang Boss A, makikita mo na ulit si Kate. Yan ang sinasabi ko na sorpresa namin sayo." Damon. "Anong plano mo kay Kai, Boss A?" Curious kong tanong sa kay Boss A dahil halatado naman na nainlove na rin siya kay Kai. "Oo nga, Boss A. Hindi mo naman ugali ang dala-dalawa ang babae." Damon. "Hindi talaga ugali ni Boss A yan dahil ugali mo yan." Pangbabara ko kay Damon. "f**k you!" Damon. "I will let her go." Deep inside alam kong mahirap kay Boss A ang gagawin niya pero alam kasi namin kung gaano ka halaga si Kate kay Boss A. "As expected, alam namin na mas pipiliin mo si Kate over Kai." Damon. Natigil ang usapan namin nang biglang may kumatok dito sa kwarto. "Bakit, Bro?" Tanong ko kay William. "Pwede mo bang puntahan ang cabin nila Castellano?" "Bakit, anong kailangan mo sa kanya?" Wala naman akong maisip na kailangan niya kay Boss A. "Gusto ko lang malaman kung bumalik na si Kai sa cabin nila. May malalim na sugat kasi yun sa paa kailangan kong linisin pero pagbalik ko kung saan ko siya iniwan wala na siya dun." "Boss A, nakabalik na ba si Kai sa cabin niyo?" Tanong ko kay Boss A na malalim ang iniisip. "Tanga!" Sabi ni Damon sabay batok sa akin. Pag ako nainis bibigwasan ko rin 'tong pandak na 'to. "Susunduin ba ni Boss A si Kai kung nakabalik na siya doon?" Oo nga 'no? Kaya nga pala nagmamadali si Boss A. "Baka nandoon lang sa kapatid niya." Sabi ko kay William. "Napuntahan ko na pero wala siya dun. Natutulog na rin yung kapatid niya. Hahanapin ko na lang, salamat." Aalis na sana si William pero nabigla kami nang biglang lumanding ang kamao ni Boss A sa mukha nito dahilan para dumugo ang labi niya. "What the f**k! Anong problema mo?" Gaganti sana si William pero inawat ko siya. "Imbes na iniwan mo siya dun sana dinala mo nalang siya dito. Wala ka bang isip? Alam mong gabi na tapos iiwan mo siyang mag-isa nang may sugat pa." May point naman si Boss A. Bakit hindi niya nalang dinala dito imbes na iniwan niya dun. "Mamaya na kayo magsuntukan hanggang gusto niyo. Unahin muna natin hanapin si Kai baka napano na yun." Awat ko sa kanilang dalawa. Kanina pa mainit ang dugo nila sa isa't-isa kaya mukhang ayaw na nila magchill. KAI'S POV 《Earlier》 Habang hinihintay ko si William, may isang grupo ng lalaki ang lumapit sa akin. Mga nasa sampu silang lahat. "Hi, Miss! Mag-isa ka lang? Gusto mo sumama sa amin mag bar?" Tanong ng isang lalaki. "May kasama ako may kinuha lang." Maayos kong pakikipag-usap sa kanila. "Sama ka na sa amin, mag eenjoy ka dun, Miss." Sabi pa ng isa. "Hindi ako nagba-bar." Tanggi ko sa kanila. "Wag kana magpakipot tumayo kana dyan!" Sabi ng isa sabay hinawakan nila ang magkabilang braso para itayo ako. "Hindi ba kayo nakakaintindi?" Galit kong tanong sa kanila pero hinigpitan lang nila ang pagkahawak sa akin. "Mga kuya nasasaktan na ako. Bitawan niyo na ako kung hindi sisigaw ako." Mahinahon kong pakiusap sa kanila dahil pakaladkad na ang ginagawa nila sa akin. "Mauuna kang mawawalan ng buhay bago ka pa makasigaw, Miss." Sabi ng isa sabay tutok ng kutsilyo sa tagiliran ko. >> Pagkarating namin sa sobrang dilim ng parte ng resort ay itinulak nila ako sa buhanginan. Akala ko sa bar nila ako dadalhin? Yung dalawang lalaki ay hinawakan nila ako sa magkabilang balikat tapos pati ang mga paa ko ay hinawakan rin ng dalawa pang lalaki dahilan para hindi na ako makawala. Pagtapos ay binusalan na nila ang bibig ko kaya hindi na ako makasigaw. Ang lalaki ng mga katawan nila kaya wala akong kalaban-laban. Yung isang lalaki sa na nasa left ko ay dahan-dahang ibinaba ang strap ng swimsuit kong suot kaya nagpupumiglas ako para makawala sa kanila pero hindi talaga ako makawala kaya yung luha ko ay kusa nang tumulo dahil alam ko kung saan na 'to papunta. Naramdaman ko na ang hininga ng isang lalaki sa leeg ko dahil sobrang lapit na nito kaya pilit kong inilalayo ang ulo ko sa kanya dahilan para sakalin niya ako. "Wag ka mag-alala, Miss. Saglit lang naman 'to. Papakawalan ka naman namin pagkatapos. Kaninang umaga ka pa namin pinagmamasdan at gustong-gusto lapitan kaso lang palaging may nakabantay sayo." "Sa dami nating nabiktima ngayon lang tayo sinuwerte." Sabi ng isang lalaki sabay nagtawanan sila lahat. Sinimulan na nila akong ihiga sa buhanginan at ang isang lalaki ay pumaibabaw na akin kaya kahit alam kung walang makakarinig ng sigaw ko dahil may takip ang bibig ko ay sumigaw pa rin ako habang tumutulo ang luha ko. Hahalikan na sana ako ng lalaki pero nagulat nalang ako nang biglang may tumalsik na dugo sa mukha. Bigla nalang bumagsak ang lalaki at nawalan ng buhay. Hindi ko alam kung anong nangyari dahil wala naman akong narinig na kahit na ano at sobrang dilim dito kaya hindi ko makita kung sino ang may gawa. Sa gulat ng iba pang mga lalaki ay binitawan na nila ako sabay tumakbo pero hindi pa man din sila nakakalayo ay may humarang na sa kanila na isang lalaki. Silhouette lang ang nakikita ko. Pinagtutulungan ng siyam na lalaki ang isang lalaking humarang sa kanila pero hindi sila umobra dahil isa-isa rin silang ibinalibag at sinipa nito dahilan para magsibagsakan ang mga ito sa buhangin. Biglang tumama ang liwanag ng buwan sa lalaki kaya nakilala ko kung sino siya. "Who gave you permission to touch her?" Galit nitong tanong sa kanila niya sabay tutok ng baril niya sa mga lalaki. Yan yung aura niya na hindi mo gugustuhing makita. Para siyang nasapian ng sampung demonyo. "Alec..." Banggit ko sa pangalan niya sabay umiling-iling habang tumutulo ang luha para sana sabihin sa kanya na wag na niya ituloy ang balak niya pero huli na ang lahat. Imbes na sagotin ng mga lalaki si Alec ay bumangon ulit ang mga ito. Bawat isa sa kanila ay may kutsilyong hawak sabay sunod-sunod na lumapit kay Alec pero bago pa man sila makadikit kay Alec, magkapalit na tadyak, suntok, at balibag ang ginawa ni Alec sa kanila dahilan para isa-isa ulit itong nagtumbahan. Babangon sana ulit ang mga 'to pero this time itinuloy nang iputok ni Alec ang baril niya. Silencer yata ang gamit niyang baril dahil wala manlang akong narinig na ingay. "Hindi namin mahanap si Kai, Boss A." Sabi ni Boris na hinihingal pa. Hindi pa niya yata ako nakikita dahil madilim talaga dito sa pwesto ko. "Ay s**t, bangkay!" Naapakan niya yung bangkay ng isa mga lalaki. Nilapitan ako ni Alec sabay binalotan ako ng bath towel na dala niya. Ito yung ginagamit kong towel. Dinala niya ba 'to para sa 'kin? Siya na rin ang nagtanggal ng nakatakip sa bibig ko. "Kayo na ang bahalang maglipit dyan." Bilin ni Alec kay Boris pagkatapos niya akong buhatin. "Anong nangyari, Boss A?" "These f*****g rapists attempted to gang rape her." Sinipa niya ang bangkay ng lalaki na pumatong kanina sa akin. "f**k!" Mura ni Boris. "Sige, Boss A. Kami na ang bahala rito. Tatawagan ko nalang sila kapre at pandak na nahanap na si Kai." "Kaya ko maglakad." Sabi ko sa kanya pero parang wala siyang narinig. Pagkarating namin sa cabin ay agad niya akong nilapag sa sofa na gawa sa rattan. Napansin niya ang paa ko kaya tinanggal niya ang t-shirt ni William na nakatali sa paa ko at sinimulang linisin ang sugat ko. Wala siyang mahanap na pangcover dito kaya yung t-shirt nalang rin niya ang hinubad niya at itinali niya rito. "Salamat. Kung hindi ka dumating malamang habang buhay na trauma ang dadalahin ko." Pakiramdam ko ang sama ko na rin dahil hindi ko magawang magalit kay Alec sa pag patay niya sa mga lalaki. Feeling ko deserved nila yun para wala na silang mabiktimang ibang babae. Hindi na niya ako pinansin dahil nasa laptop na ulit ang atensyon niya kaya naman nagbanlaw at nagbihis nalang ako. "Kanina pa natutulog si Blaze?" Tanong ko kay Alec habang umiinom naman siya ngayon ng wine. Tumango lang siya bilang sagot. "Ikaw hindi ka pa ba matutulog? Bukas ang balik natin 'diba? Magdadrive ka pa." Tanong ko ulit sa kanya dahil ayaw niyang magsalita. "Later. You should rest too." "Sorry." Paumanhin ko sa kanya. "For what?" Takang tanong naman niya. "Kasi nandito tayo para magbakasyon pero dahil sa'kin nakagawa ka nanaman ng kasalanan." "I'll rest now." Pag-iiba niya sa usapan sabay pasok na sa kwarto at iniwan ako dito. Ang cold nanaman ng pakikitungo niya sa'kin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD