PROLOGUE

1434 Words
IT WAS already past midnight, yet we were still drinking wine like drunkards. Hindi kasi ako makatulog kaya niyaya ko ang tatlo na mag-inom. "Hindi ka pa rin kinokontak ni Kate, Boss A?" tanong ni Hanschu habang naglalagay ng wine sa kanyang baso. Walang pag-aalinlangan kong nilagok ang natitirang wine sa aking baso at hindi na ako nag-abalang sagutin pa siya. "Sabi ko nga hindi pa..." halos pabulong na niyang sabi. "Kawawa naman," sambit naman ni Damon sa kanyang sarili habang nakatutok ang paningin sa cellphone. Nakalandscape ito kaya siguradong may pinapanuod siya. "Inaasar ka, Boss A, oh! Kawawa ka raw," panggagago ni Hanschu habang tumatawa. Binatukan ni Scheben si Hanschu. "Tanga! Tingnan mo kasi 'tong ulol ka!" nanggigigil niyang sabi saka itinatapat ang cellphone kay Hanschu. "Brutal naman," walang kabuhay-buhay na reaksyon ni Hanschu. "What are you watching?" curious kong tanong dahil nawili na sila sa kakanuod. "Viral live video sa sss ng nasusunog na bahay, Boss A," sagot naman Hanschu. "Panuorin mo, Boss A," sabi naman ni Scheben sabay itinapat sa akin ang cellphone. The landscape was familiar... "s**t!" I cursed after I finally realized kung kaninong bahay 'yon. Dinampot ko ang susi ng kotse na nakapatong lang sa center table at nagmadali akong umalis palabas sa basement. Sumunod naman ang tatlo. "Bakit, Boss A?" takang tanong ni Hanschu habang sinasabayan ang malalaki kong hakbang. "That's Kate's house," sagot ko. "Sure ka ba? Baka lasing ka lang? Magtetrenta minuto na yung f******k live. Kung bahay nga 'yon nila Kate, kahit lumipad pa tayo papunta doon ay huli na tayo," singit naman ni Scheben na sinasabayan din ang mga hakbang ko. Hindi ko na siya pinansin dahil narating na namin ang parking area at kaagad din akong pumasok sa loob ng kotse saka pinaandar ito. Halos paliparin ko na ang kotse sa kahabaan ng highway—I am driving my car at full speed, recklessly. Wala akong pakialam kung magka-violations man ako. Kailangan kong makarating sa bahay nila Kate as fast as possible. Usually, almost two hours ang biyahe papunta sa kanila, but now, after half an hour drive ay narating ko ang village nila. Maraming tao. Maingay. Magulo. After finding a parking spot ay kaagad din akong bumaba sa kotse. My mind suddenly went black kaya hindi ko na namamalayan ang sarili kong dire-diretsong tumatakbo patungo sa nasusunog nilang bahay. Ramdam na ramdam ko ang matinding init na dumadampi sa balat ko pero alam kong walang-wala ang init na nararamdaman kong 'to sa nararamdamang init ni Kate kung nasa loob pa siya kaya kailangan ko siyang mailigtas. "GET OUT OF MY f*****g WAY!" galit na sigaw ko nang pigilin ako ng mga bombero na pumasok sa loob. "HINDI KAYO PWEDENG PUMASOK, SIR! DELIKADO HO!" pasigaw ding sabi ng isa sa mga bomberong pumipigil sa akin. They are having a hard time controlling me kaya pati ang mga pulis ay nakisali na rin sa pagharang sa akin. "Just let me pass. I need to save her," kalmado kong pakiusap pero hindi pa rin nila ako tinigilan. Para akong nakikipaglaro ng patintero sa kanila. Fuck them! May humawak sa balikat ko kaya mabilis kong kinuha ang kanyang kamay at bayolenteng inikot ito sabay inilagay sa kanyang likuran. Siya rin yung bombero na nagsabi sa akin kanina na hindi ako pwedeng pumasok sa loob dahil delikado. "BOSS A!" rinig kong boses ni Rusco kaya napalingon ako sa direksyon niya. Sumisenyas siyang bitawan ko ang bombero. "S-Sir, kumalma ho kayo. Narecover na namin lahat ng mga bangkay kaya hindi mo na kailangang pumasok sa loob," paliwanag ng bombero. "She's still alive. She's trapped there kaya kailangan ko siyang iligtas," pagpupumilit ko sabay tulak sa bombero. Patakbo na ulit ako upang tuluyang pumasok sa loob nang harangin naman ako ni Hanschu at Rusco. "Boss A." Ramdam ko sa boses nila ang pagka-ubos ng kanilang pasensya sa akin. "Wala na nga hong buhay, sir. Puro bangkay nalang ang nadatnan namin," pagpupumilit din ng bombero. "Ano pang tinutunganga niyo? Arestuhin niyo!" Utos ng isa sa mga police at mabilis namang humarang si Scheben. "Mga sir, pasensya na ho kayo. Girlfriend niya kasi ang may-ari ng bahay na 'yan. Sana maintindihan niyo," paumanhin ni Scheben. "Ilayo niyo na 'yan dito bago pa magbago ang isip ko." Pinasadahan niya muna ako ng tingin bago siya tumalikod. "Remind me to kill him," nagtitimping sabi ko kay Rusco at Hanschu. "Talagang nawala ka na sa wisyo, Boss A?" Sermon ni Scheben matapos nila akong dalhin sa hindi mataong lugar. Nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya kaya naman ay kwenelyuhan ko siya. "You don't know how I feel, Scheben, so shut your f*****g mouth!" Mahigpit niya ring hinawakan ang kwelyo ko. "Concern lang ako pero sige!" Binitawan niya ang kwelyo ko. "Kung gusto mong sirain ang pangalan mo mag-iskandalo ka! Maraming medya rito para alam mo. Paano kung makilala ka nila, ha? Paano mo mabibigyan hustisya si Kate?" "What the hell are you talking about?" naguguluhan kong tanong. "Hindi pwedeng malaman nila na may ugnayan ka kina Kate dahil magiging komplikado lang ang sitwasyon. Mukhang may foul play sa nangyari at hindi natin alam kung sino ang may pakana sa likod ng trahedyang 'to. Kaya kung gusto mong bigyan ng hustisya itong nangyari ay ayusin mo 'yang sarili mo!" Tiningnan ko muna siya ng masama bago ko patulak na bitawan ang kanyang kwelyo. "Itatransfer na nila yung mga bangkay puntahan mo muna," singit naman ni Rusco sabay turo sa direksyon kung nasaan ang mga bangkay kaya kaagad akong tumakbo papunta roon. Nakahilera sa gilid ng daan na pinalilibutan ng mga pulis, bombero at ng mga nakikiisyusong sibilyan ang mga narecover na bangkay. Natatakpan ang mga ito ng puting tela kaya inisa-isa ko pa itong buksan at tumigil lang ako nang makita ko ang isang bangkay na may suot na kwintas na pamilyar sa akin. Buo pa ang pendant pero halos maging abo na ang chain nito. Mabilis kong niyakap nang may pagdadalamhati ang sunog na bangkay ni Kate at habang yakap-yakap ko ito ay naririnig kong pinakikiusapan nila Rusco, Hanschu, at Scheben ang mga pulis, bombero, medya at ang mga sibilyan na umalis muna. Matapos ang ilang segundong pagyakap ko sa bangkay ni Kate ay kumalas din kaagad ako. Hindi ko siya binitawan. Hawak ko parin siya sa bisig ko. "How sure are you na may foul playng nangyari?" seryoso kong tanong. "Nagtanong-tanong kami sa mga bombero kung ano ang mga posibleng naging dahilan ng sunog pero tikom lang ang mga bibig nila. Nagtanong-tanong din kami sa mga pulis pero wala kaming makuhang matinong sagot. Iniiwasan nila ang mga tanong namin. Pakiramdam namin ay may hindi tama. Mukhang may tinatakpan sila, Boss A," paliwanag ni Scheben kaya parang may kung anong apoy ang gumising sa buong pagkatao ko. I could feel the fire of wrath raging inside of me, a heat that appeared to match the flames engulfing Kate's house at the moment. Senenyasan ko silang umalis at iwan muna ako at kaagad naman silang sumunod. Nang makita kong nakalayo na sila ay sinimulan ko nang kausapin ang sunog na bangkay ni Kate. "It has been a year since I last saw you. Finally, I got to see you again, but you're now a burned f*****g corpse," I scoffed. "I never imagined that I would see you in this state." Kinuyom ko ang aking kamao. "Darn it, Kate!" Tinitigan ko muna nang matagal ang bangkay niya bago ako magsalitang muli. "Until your last breath you didn't think of contacting me. Do you really hate me that much?" tanong ko sa kanya as if na sasagot siya. "Sir, kailangan na namin silang kunin. Kung kamag-anak ho kayo ng mga bangkay ay pwede ho kayong sumama. Magpakita lamang ho kayo ng patunay," biglang salita ng isang pulis mula sa likuran ko. "Give me five more minutes," sagot ko nalang sa kanya. Nagdalawang isip pa siya kung pagbibigyan niya ako pero sa bandang huli ay umalis din siya. "I don't want to say goodbye, but I have to." Ngumisi ako nang may halong pagsisisi. "I promised to protect you, but I failed. So let me make a promise to you once more." Hinalikan ko muna ang kanyang noo bago ko siya nilapag at tinakpan muli ng puting tela. "I will give you the justice you deserve, and this time I will make sure to fulfill it," pangako ko sabay talikod at pinaubaya ang mga bangkay sa mga pulis. We left the underworld already, but if becoming evil again means bringing Kate and her family a justice, I won't stop myself from showing my devilish side again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD