It's Wednesday, pumasok ako kahapon ng hapon sa school at buong hapon akong boring. Bukod sa hindi pala pumasok kahapon si Raven, e hindi rin pumasok si Canary kaya bukod sa mga babaeng schoolmates namin na umaaligid sa akin kahapon ay wala akong kaibigan na nakausap sa school. I wonder kung okay na ba iyong anak ni Kuya Kit dahil hindi pumasok si Raven simula kahapon pati na kanina. Nakita ko namang pumasok kanina si Canary dahil sabay kaming bumaba sa kaniya-kaniya naming kotse kaya nakapagkwentuhan din kami kahit saglit pero hindi na ulit kami nagkita simulang lunch hanggang sa pagtapos ng afternoon class. "Himala! Anong meron ba't binibigyan mo kami ng mga chocolates? Mga imported din 'to ah?" Tuwang-tuwang sambit ni Bryan na ikinabuntong-hininga ko. Nandito silang tatlo sa condo k

