Chapter 13

1068 Words
CHAPTER 13: FAVORITE ART'S ARTWORK May girlfriend pala si Felix na marunong sa Art? What if magpaturo ako kung paano gumawa ng portrait? "Ewan ko kung anong tawag do'n basta parang anime style na ginawang cute 'yong mukha. Para kasing pambata rin 'yong art tapos pangalan sa may likod," hirap na paliwanag niya sa akin. Anime style na cute? Chibi? Parang sa paraan ng pag-describe niya ay iyon ang ginawa ko pero hindi naman ako iyong girlfriend niya! Hay! Ewan! Nagpaalam na rin kami sa isa't-isa nang makarating ako sa floor kung nasaan ang classroom namin. Dahil maaga pa at nakapag-advance reading naman na ako kaninang madaling araw ay nag-online ulit ako. Nag-search ako ng mga magagandang puntahan para sa bakasyon. Baka kasi magpa-suggest si Felix kung saan namin gustong pumunta. E, wala naman akong masyadong alam na lugar dahil minsan lang ako lumabas. Na-distract ako nang may mag-notif. Si Travis, may bago siyang pinost at naka-tag pa ako! Kaagad ko iyong pinindot para tignan. Napangiti ako agad nang makitang iyong iyong original picture na galing sa kanya at painting ko iyon. May caption pa iyon na, "My photography and her painting." Kaagad akong nag-react ng heart at nag-comment, "Thank you, my art appreciator!" Dahil sa hiya ay umalis na ako sa post na iyon at bumalik sa pag-search ng mga tourist spot nang may isang notification na naman na umagaw ng atensyon ko. Felix Saavedra started following you. Kumunot ang noo ko nang makita ang pamilyar na mukha at pangalan. May profile picture na siya ngayon sa account niya. Pamilyar pa ang suot at background niya. Nang i-zoom ko ay napagtanto kong kwarto ko iyon. Nasa study table ko siya, nakasandal sa puting upuan ko at simpleng nakangiti habang medyo nakatagilid ang mukha sa camera. Nakasandal pa ang isang kamay niya sa arm rest at nakalagay sa pisngi ang palad, partikular ang hinlalaking daliri ay nasa chin at ang hinlilit na daliri niya ay nasa tapat ng labi niya. Okay, gwapo at medyo cute sa rito. Ni wala akong kaalam-alam na nag-picture pa siya kanina roon. May nag-iisa rin siyang post at wala pang isang minuto ang nakakaraan. Iyong picture niya habang suot iyong iniregalo kong hoodie sa kanya. May caption naman iyong, "My favorite art's artwork." Napaawang ang labi ko nang mabasa ang caption. Ilang minuto akong natulala roon bago nakita na may mga nag-react at nag-comment na roon. Beaumont Lorcan: WTF? Pati ba naman ikaw artwork din ang ifi-flex? August Crosini: Bro, sign na talaga 'to para mag-jowa ng artist. Gray Daffero: Ano 'to? Akala ko ba ako lang? Felix Saavedra: Delete mo nga, @Gray Daffero! Mabasa niya, baka magselos 'yon! Gray Daffero: 'Di mo ba alam na may reply button? Mine-mention pa ako, hays! Felix Saavedra: Ewan ko! Felix Saavedra: Tangina! 'Wag na nga kayong magulo 'di ko mabasa kung nag-comment na siya! Gray Daffero: @Travis Fontallez, turuan mo nga 'tong bobo nating kaibigan. August Crosini: Bro, may block button kasi. Tignan mo sa settings tapos hanapin mo kung saan ka nagkulang. Felix Saavedra: Tangina niyo talaga! Fuckers! Napangiwi ako sa mga pinagsasabi ni Felix at ng mga kaibigan niya. Binalikan ko iyong sinabi niya. Hinihintay niya ba na magcomment ako? Ako ba 'yon? Bumuntonghininga ako at pinindot ang followback button sa tabi ng pangalan niya. Nag-heart react na lang din ako at muling napatingin sa comment section ng post niya nang may bago roon. Felix Saavedra: Tangina! Sa wakas! Felix Saavedra: Lahat ng magco-comment dito bibigyan ko ng 1k! Umiling na lang ako at mahinang natawa nang biglang sunod-sunod na ang mga bagong comments. Dinagsa na iyon at ang bilis na ring dumami ng reacts. Naaliw ako sa pagbabasa ng mga comments at halos sumakit na ang tiyan ko nang makita ang pangalan ni Felix. Felix Saavedra: s**t! How to f*****g turn off the comments? Felix Saavedra: Stop f*****g commenting, people! Stop now! I end this s**t now! I'm f*****g done! Pero natabunan lang iyon ng bagong comments at ang pang-aasar ng mga kaibigan niya. Ang cute niya! Hindi niya alam kung paano gamitin ang app. Pinindot ko ang pangalan niya at nagtipa ng mensahe para turuan siya. Nag-send pa ako ng screenrecord kung paano iyon gawin para mas maintindihan niya. Pero mukhang hindi niya iyon nabasa. Dumating na ang professor namin sa unang subject kaya nag-offline na rin ako. Ngayon lang ako na-excite na matapos agad ang discussion para makapag-online na ulit ako. Curious kasi ako sa mangyayari kay Felix. Kung ano-ano ba naman ang sinasabi kaya ayan, nagkaroon ng problema! Napanguso ako nang makitang wala na ang post na 'yon. Pati ang account ni Felix. Parang na-report o na-delete na. Turuan ko nga siya mamaya sa bahay! Nang mag-uwian ay agad akong dumiretso sa classroom nila Clyde. Nakita kong on-going pa lang ang klase nila kaya umakyat na lang ako papunta sa Library para do'n tumambay kasi tahimik. "Ms. Saavedra!" "Sir Travis, ikaw pala!" bati ko sa kanya. May dala siyang libro at parang galing sa Library. "Saan ka pupunta? Tapos na ang klase mo?" "Oo, kaso sina Clyde hindi pa. Hihintayin ko na lang siya sa Library." "Oh, okay! Hanggang anong oras ba ang last subject niya?" "Mamaya pang seven. Pero minsan maaga naman silang dini-dismiss," paliwanag ko. "Gusto mong ihatid na lang kita? Pauwi na rin ako, hiniram ko lang 'tong libro sa Lib," alok niya. Napatango ako. "Okay lang naman. Magti-text na lang ako kay Clyde." "Alright!" Ngumiti siya. "Sa Parking Lot mo na lang ako hintayin." Ginantihan ko ang ngiti niya bago ako nagpaalam at bumaba. Nag-ayos pa ako ng mukha ko at nagpabago habang naglalakad. Baka kasi oily ako. Nakakahiya. "Thank you," sagot ko nang pagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya. Napangiti ako at sinundan siya ng tingin hanggang sa makapasok din siya. "Ganitong oras ba natatapos laging natatapos ang klase mo?" kuryosong tanong ko sa kanya dahil kaparehas nito iyong kahapon na nagkita kami. "Yup! Sa ibang year level, pina-adjust ko kay Dean ang schedule nila sa subject ko. Kailangan ko pa kasing magtrabaho sa Kompanya namin." "Ah! So, part time mo lang 'yong pagiging inatructor? Ang sipag mo naman!" Narinig ko ang saglit na halakhak niya bago siya tumango. "It's my lolo's request, I can't say no." "Gusto niyang magturo ka?" "Nope. He wants me to continue what my grandma started." "Lola mo si Mrs. Cervantes?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD