CHAPTER 23: PINSAN
Sumama kami ni Travis kay Clyde nang pumunta siya sa Room 301. Ilalagay rin kasi ni Travis ang gamit niya roon.
"What's up, bro?" salubong ni Felix sa kapatid bago ako nahanap ng mga mata niya.
Nang gumilid ang tingin niya sa katabi kong si Travis ay nagsalubong ang kilay niya. "What are you all doing here?"
"Ihahatid lang namin si Kuya Travis!" sagot ni Clyde at humiga sa kama kung nasaan kami ni Felix kanina.
Biglang uminit ang pisngi ko nang magtama ang tingin namin ni Felix at ngumisi siya na parang nang-aasar.
"Ililipat ko na rin 'yong gamit ko," dagdag ko bago pa kami mahalata ni Clyde at Travis.
"Why?" mabilis na tanong ni Felix at sinundan ako nang kunin ko ang bag ko na nasa couch.
"Sa kabilang kwarto na lang daw ako, kuya," paliwanag ko pinandiinan pa ang tawag ko sa kanya para bumalik siya sa sarili niya.
"Oo nga, kuya. Do'n na lang siya. Kayo na lang ni Kuya Travis dito. Babae kasi si Aphrodite."
Nakita ko ang pag-igting ng panga ni Felix dahil sa sinabi ni Clyde. "Yeah right? She's a girl and shouldn't be alone in an unfamiliar place."
"Your friends are mostly boys, Clyde. What if they barge in her room while they're drunk?"
Nagsalunong ang kilay ng kapatid niya at napanguso. "Sabi ko nga si Kuya Travis na lang sa suite room," pagsuko ni Clyde at hinila na palabas si Kuya Travis.
Nang maisarado nila ang pinto ay napangisi si Felix sa akin. "You're mine, Aphrodite." Inakbayan niya pa ako at hinalikan sa gilid ng noo ko. "Kahit anong usapan, ipaglalaban kong sa akin ka."
Napangiti ako at niyakap ang bewang niya. "Thank you, Felix! Gusto ko rin dito, e!" paliwanag ko bago niyakap at hinila ang braso niya. "Tara, labas na rin tayo!"
"Can't we just stay here and play?" Ngumisi siya kaya hinila ko na siya gamit ang buong lakas ko. Baka mamaya makahalata na talaga si Clyde sa amin!
Humalakhak siya at sumunod na sa akin. Saktong palabas na kami nang bumukas ang pinto. Si Clyde na naman iyon! Hindi pala naka-lock ang pinto. Buti na lang tapos na kaming maglandian ni Felix!
"Tara na, Aphrodite, kuya!" nakangiting anyaya niya at hinila na rin ako palabas.
Nang makabalik kami sa Intimo Bar ay nagkakasiyahan na silang lahat. Dumiretso ako sa pwesto namin ni Travis kanina. Nagulat pa ako nang tumabi sa akin si Felix. Akala ko sa grupo ni Clyde siya sasama!
"Sup, Travis?" bati niya sa kaibigan at kinuha ang baso ng inumin ko sabay sumupsop do'n. Hindi man lang nagpaalam!
Nakita kong nagsalubong ang kilay ni Travis kaya gumawa na ako ng senaryo. "Kuya naman! Umorder ka nga ng drinks mo!"
Dahil don ay napatingin si Felix sa akin. Mas nilaliman ko pa ang pagsalubong ng kilay para iparating sa kanyang galit ako.
Pero tinawanan niya lang ako. "Tinatamad ako. Order ka na lang ng sa 'yo,"
"Libre 'yan ni Travis, e!" sagot ko dahil hindi ko dala ang wallet ko.
"I'll pay," mabilis namang sagot niya at bumunot ng isang libo sa wallet niya. "Now, buy your drink, baby... sis," malambing na dagdag niya at humalakhak nang balingan si Travis. "Don't spoil my cousin too much, Travis! You even gave her a bouqute!" aniya at sinuri ang bungkos ng bulaklak na ibinigay sa akin kanina.
"That's the proper way to court a girl, Felix. Try mo rin minsan," halakhak ni Travis at itinaas ang kamay para mag-order.
Hindi pa kasi ako tumatayo. Hindi ako makakuha ng tiyempo dahil nag-uusap silang dalawa. Baka mamaya, anong sabihin ni Felix!
"Isa pong halo-halo," magalang na sagot ko sa lalakeng waiter na kumuha ng order namin. "At suman!" dagdag ko dahil hindi pa ako nakakatikim no'n.
"Brandy," si Felix. Hapon pa lang pero alak na agad ang iinumin niya! "And a suman too."
"Ibahin mo naman, Felix!" reklamo ko sa kanya. "Mag-bibingka ka na lang tapos share ko rin sa 'yo 'yong suman!"
"Alright, baby! Change it to a bibingka," mabilis na utos niya sa waiter.
"Why?" reklamo ni Felix sa kanya. Imbes na matakot ay humagikgik ang lalakeng waiter na malambot kung gumalaw.
"Ang cute niyo po kasing dalawa ni ma'am, sir! Bagay kayo!" tukso niya sa amin dahilan para manlaki ang mga mata ko at uminit ang pisngi ko.
"They are cousins," si Travis ng sumagot.
"Ay, sorry po!" Halatang nagulantang siya at ilang beses na humingi ng paumanhin bago niya kami iniwan nang makumpleto ang order.
"The f**k is that?" Malaki ang ngiti ni Felix. "He thought you're my girlfriend!"
"You called her 'baby'. Maybe that's why," paliwanag ni Travis kaya napatingin ako sa kanya. Naabutan ko naman siyang seryosong nakatitig sa akin.
"Well, Aphrodite is like a baby sister to Clyde and I," pagtatanggol ni Felix at muling humalakhak. "Anyway, don't mind that!"
Tumango si Travis at maya-maya'y ngumisi siya. "Yeah? Hindi mo naman siguro papatulan ang pinsan mo, right?"