Cassandra
Umalis na si Daniel kinagabihan. Ayaw niya sanang umuwi pero kailangan baka hanapin siya nina Mommy at Daddy. Mag isa nalang ako dito sa condo at maingat akong umupo dito sa tabi ng bintana. Napapagod na ako sa ganitong pakiramdam, gusto ko ding maranasan ang mahalin ako ng mga magulang namin katulad ng pagmamahal na nilalaan nila kay Daniel. I always envy him for that and samantalang ako, I always felt left alone.
I didn't want to be in this kind of life but what can I do? I just wanted to be loved by my parents. Bakit ang hirap maibigay sa akin ang matagal ko ng hinihiling? I heaved a deep sigh at nangalumbaba sa may bintana.
Since I woke up on that hospital bed ramdam ko na ang kawalang halaga ko sa kanila. They didn't even bother to visit me in the hospital even once. I remember a scene na gusto kong sumama sa kanila but they don't want to. Kahit na takot na takot akong maiwanan noon, kinaya ko.
"Mommy, Daddy, can I go with you? I want to go to the mall too."
Mommy just stared at me, I even pleaded to her but she just ignored me. Ayokong maiwan dito mag isa dahil natatakot ako. All those years na may lakad sila or magbabakasyon? Daniel is with them while me? Naiiwan lagi at nakasiksik sa isang sulok ng kuwarto ko.
"Please, Mommy, I don't want to be left alone here. Please... Mommy, I'll behave. Just let me come with you." Pagpipilit ko kay Mommy at hinawakan ito sa kamay na agad naman nitong piniksi at tinignan ako ng matalim.
"Why can't you understand, Cassandra. You are not coming and that's final." Madiing sambit ni Mommy sa akin. Nilagpasan na nila ako at naglakad na papalapit sa sasakyang gagamitin nila.
Naiwan akong nakatulala sa kawalan habang pinagmamasdan silang umalis. Nang makaalis na sila, I felt really scared kaya nagmadali akong tumakbo papasok ng kuwarto ko. Sumiksik ako sa gilid ng aking kama habang yakap ko ng mahigpit ang teddy bear ko.
I just stared at them while marching towards the car. When they left I was scared. Tumakbo ako papuntang kuwarto ko at sumiksik sa gilid ng kabinet habang yakap yakap ko yung teddy bear ko.
Nagulat ako at napabalik sa aking huwisyo ng tumunog ang phone ko.Agad ko itong kinuha at napakunot ang noo ko ng hindi ko kilala ang numerong nagtext sa akin.
Unknown
Hey, can I invite you for dinner?
Mahinang basa ko sa text, napataas ng kaonti ang kilay ko. Nagtaka ako dahil wala namang ibang nakakaalam ng number ko maliban kay Daniel. Imposible namang ipamigay niya ito sa kung sino-sino lang. I ignore it and place it on my lap, wala pang isang minuto nang tumunog ito ulit.
Unknown
Please, It's just a friendly dinner.
Hindi ako nakatiis at nireplayan ko ang nagtext sa akin.
Me
Wow! Are you kidding me? I don't even know you. I'm not insane to go with people, I don't even know."
Pagkasend ko, ilang segundo lang ng magreply ito ulit.
Unknown
You know me, Cass. I'm no harm. I just wanted to be your friend. Just say yes."
Demanding naman ng taong ito, hindi ako tanga para sumama sa mga taong hindi ko kilala. Suwerte na nga niya at nakuha niya ang number ko. Maybe I should change my number again. Binasa ko lang ang text niya at tuluyan ng inignora ito. May ilan pa akong natanggap na text mula rito pero hindi ko na pinansin. Sa inis ko, pinatay ko lang ang phone ko at binato ito sa kama ko.
Tumayo ako at lumabas sa veranda ng condo ko. Dumampi sa balat ko ang lamig ng hangin na humahaplos hanggang sa kaibuturan ng aking mga buto. Nayakap ko bigla ang aking sarili at malungkot na tumitig sa baba ng kinatatayuan ko.
"If I die tonight, will somebody cry on me?" mapait akong natawa sa sinabi ko. Alam ko naman na kasi ang sagot sa tanong na binitawan ko. Then I remember what happens noong naaksidente daw ako at halos dalawang buwan din akong nasa hospital.
I was ten years old that time at naaksidente. Mommy told me I was suffering an amnesia, and until now. Ni isang alaala mula sa pagkabata ko ay naiwala ng memorya ko. I want to remember all those things that happen noong bata ako. Malay ko naman kung may magandang memorya doon ang minahal ako ng magulang ko kahit sa pagkabata ko lang. I push myself so hard to remember but I was always disappointed dahil hanggang ngayon? Wala pa din akong maalala, and it really sucks the hell out of me.
Nang magising ako sa hospital, imbes na mga magulang ko ang tumambad sa akin. Isang nurse ang namulatan ko at nag-alaga sa akin hanggang sa makalabas ako ng hospital. She even tell me how I get into that car accident.
Lagi kong hinahanap sina Mommy at Daddy sa kanya pero lagi niya lang sinasabing busy sila. Nakikita ko lagi ang awa sa mga mata niya pag nagtatanong ako pero anong magagawa ko? Baka sadyang busy lang talaga sila. Pinaniwala ko ang sarili ko sa matagal na panahon sa dahilang para sa amin din ang ginagawa nila. Pero habang nagkakaisip ako, unti-unti na ding napapalitan ng pagkamuhi ang pagmamahal ko sa kanila.
I remember the time na lalabas na ako ng hospital. I wait for them to come even my nurse told me na hindi sila makakapunta. Simula ng magkamalay ako at paglabas ko, never nila akong dinalaw.
Napaiyak nalang ako sa sakit na nararamdaman ko sa aking puso. Hinayaan ko ang sarili kong umiyak ng umiyak, total wala namang makakakita. Kahit ngayon lang, gusto kong gumaan kahit konti ang loob ko.
Gusto kong ilabas lahat ng sakit, hindi man maalis lahat. Okay lang sa akin para makapag-simula ako ng panibago kinabukasan.
"Tomorrow will be a different day for you, Cassandra. Leave all the pain and continue life." Lumuluha man ako ng sambitin ko yan, may konting ngiti namang sumilay sa mga labi ko.
Kinaumagahan maaga akong dinaanan ni Daniel para sabay kaming pumasok. Nagyaya muna siyang kumain sa cafeteria bago niya ako hinatid sa room ko.
"Ate, from now on. Ako na ang maghahatid at sundo sa'yo. Let me fill the missing love that our parents can't give you. Tama na siguro ang mahabang panahon na pag-aalaga mo sa akin, Ate. It's time for me to give it back to you." Natouch ako sobra sa sinabi niya kaya napayakap ako sa kanya.
"You don't have to do that, Baby."
"No, Ate. I want to take care of you and I will do everything to make you happy." Nakita kong nangilid ang luha niya at unti-unti pumatak ito.
"Don't cry, Baby. You know Ate hate to see you crying. You know how much I love you." Pinupunasan ko ang luha niya habang sinasabi ko ito sa kanya.
"I love you so much, Ate. Hayaan mong ako ang pumuno sa pagkukulang ng mga magulang natin sa'yo. Try to mingle around and make friends, you can find happiness in their." nakangiti nang sabi niya sa akin na nakapagp[angiti din sa akin.
"I'll try, Baby, but I won't promise because we know that promises are always made to be broken."
"I'm happy to hear that, maybe in time Ate. You will be filled with love, just don't lose hope. Let them see the other side of you, Ate." Hinaplos niya ang mukha ko at inakbayan na ako at iginiya papuntang room namin.
Pagdating namin sa room, niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi bago nagpaalam at umalis na. Hinintay ko muna siyang mawala sa paningin ko bago ako pumasok at umupo sa upuan ko. Dahil maaga pa, konti pa lang kaming nasa loob ng room. Kinuha ko sa bag ko ang headset ko isinalpak sa tenga ko at nakinig nalang ng music mula rito.