Chapter (2) Graduation

1006 Words
THIRD: PERSON POV “Congratulations!” sabay-sabay na sigaw ng mga kaklase ni Xainiel—o mas kilala sa tawag na Xai—habang umaalingawngaw ang palakpakan sa buong venue. Isa-isa silang lumalapit sa kani-kanilang magulang, nagkakayakap, at masayang nagpo-pose para sa mga larawan. Punô ng halakhak, tuwa, at tagumpay ang paligid. Lumayo sandali si Xai sa kumpol ng mga kaklase at tahimik na lumapit sa kanyang lolo. Mahigpit niya itong niyakap, parang batang muling naghahanap ng sandigan. Tinapik ni Don Leo Salvador ang balikat ng apo, dama ang bigat at saya ng sandaling iyon. “Congratulations, apo,” wika nito na may halong pagmamalaki. “Deserve mo ’yan. Natupad ko na ang hiling ng mga magulang mo.” Napangiti si Xai, ngunit hindi iyon ganap na masaya. May pait ang ngiting iyon. Sa pagbanggit ng kanyang mga magulang, tila may kurot na namuo sa kanyang dibdib. Labinlimang taong gulang pa lamang siya nang masawi ang mga ito sa isang malagim na car accident. Siya ang nag-iisang anak ng mag-asawang Aeros at Chiska Salvador mga magulang na maagang nawala ngunit nag-iwan ng napakalaking responsibilidad. Bago pa man pumanaw ang kanyang ama, nakahanda na ang lahat ang Salvador Sugarcane Industry, ang Salvador Cooperative, at ang iba pang ari-ariang pinaghirapan ng pamilya. Lahat iyon ay inaasahang mapupunta kay Xai—kasama ang bigat ng pangalan at inaasahan ng angkan. Ang Salvador Cooperative ay joint property rin ng kapatid ng kanyang ama si Marino Salvador. “Cous! Congratulations!” masiglang bati ni Adam, ang pinsan ni Xai, habang inaabot ang isang money bouquet. Ngumiti si Xai at tinanggap iyon. “Thank you, cous.” “Let’s go,” Pa!" singit ni Marino na halatang naiinitan. “Sobrang init na rito. Sa bahay na lang tayo mag-usap. Maagang dumating ang caterer, kaya mamaya na ang seryosong usapan. Gutom na ’ko.” “Okay,” tanging sagot ni Don Leo bago tumango kay Xai. “Let’s go, apo.” “Lo, mauna na po kayo sa kotse,” magalang na paalam ni Xai. “Pupuntahan ko lang po sandali ang mga kaibigan ko. Iimbitahan ko lang po sila sa bahay.” Tumango ang lolo at hindi na tumutol. Lumipas ang apat na oras. Natapos na ang kainan at unti-unti nang humuhupa ang ingay ng selebrasyon. Sa hardin ng mansyon, magkakasamang nakaupo si Xai at ang kanyang tatlong matalik na kaibigan si Allen, Sky, at Alvin, hawak ang kani-kanilang baso. “Cheers! Para sa future!” sabay-sabay nilang sigaw habang nagdidikit ang mga baso. “So, Sky,” bungad ni Allen, “hindi ba talaga namin mapipigilan? Itutuloy mo na talaga ’yong byahe mo pa Japan?” Tumango si Sky at napangiti nang bahagya. “Oo. Kailangan. Alam n’yo namang ako lang ang mahirap sa grupong ’to. May opportunity, kaya go na ’ko. Sayang eh—malaki ang offer.” Napailing si Allen bago tumingin kay Alvin. “Ikaw naman, Alvin. Anong plano mo? Hindi na uso ang tambay ngayon. Tag hirap na dito sa Pilipinas kailangan magsipag.” Huminga nang malalim si Alvin. Siya ang pinakatahimik sa kanilang lahat, ngunit kapag nagsalita, seryoso. “Actually… next week, Pupunta na ’ko sa Cebu. Gusto ni Papa na mag-training ako roon at Ihahanda na ’ko bilang CEO ng Foster Corporation.” Natahimik sandali ang grupo. “So ang ending,” sabat ni Allen, “kaming dalawa na lang ni Xai ang maiiwan dito—sa lugar ng mga diwata’t multong hindi nagpaparamdam.” Natawa silang lahat. Si Allen ay anak ng isang mayamang negosyanteng supplier karne at gulay sa buong Nero’s District, may dalawa pang farm ang kanilang pamilya. Kilala siya sa pagiging mausisa walang nakakaligtas sa mapanuksong mata nito. Lumingon siya kay Xai na may mapang-asar na ngiti. “So ikaw, Xai. Anong plano mo sa Buhay? o pareho pa rin?” “Do I need to answer?” tipid na sagot ni Xai. “My answer is the same.” Muling nagtawanan ang apat. “Tangina naman, Xai,” bulalas ni Allen. “Gising na gising pa tayo pero ’yong utak mo parang kanina pa natutulog. Sino ba talaga ’yang babaeng ’yan? Bakit parang laging ka niyang ginugulo ang isip mo? Baka may nono diyan sa kwarto mo!” At nino kana kaya ka ganyan. Humagalpak sa tawa sina Allen at Sky, halos mahulog na sa inuupuan. “Sige, tumawa pa kayo,” inis na sagot ni Xai. “Pag ako nairita sa inyo, palalakihin ko talaga ang itlog n’yo.” Mas lalo lang silang nagtawanan. “Matulog ka na kaya, dude,” tukso pa ni Allen. “Pag nagkita kayo ulit sa panaginip mo, hingan mo muna ng address. Baka maging matandang binata ka kakahintay sa soulmate mong yan.... Ilang babae na ang binasted mo sa school dahil diyan.” Patuloy ang tawanan hanggang sa sumapit ang hatinggabi. Isa-isa nang nagpaalam ang mga bisita. Sina Allen, Sky, at Alvin ay sinundo ng kani-kanilang kapatid dahil sa kalasingan. Halos hindi na makatayo si Xai sa sobrang kalasingan. Si Adam ang naghatid sa kanya papunta sa kwarto. Inihiga niya ito sa kama, walang pakialam kung nakaayos man o hindi. Tiningnan niya si Xai—lasing, nakatihaya, at walang kamalay-malay. “Pathetic,” mahinang bulong ni Adam. “Sige, ipagpatuloy mo ’yang kagaguhan mo, Xai. Tingnan natin kung sino ang pipiliin ni Lolo bilang CEO.” Isang mapanlinlang na ngiti ang sumilay sa kanyang labi bago niya tuluyang talikuran ang pinsan at lumabas ng kwarto. Sa katahimikan ng gabi, naiwan si Xai walang kamalay-malay—habang unti-unting gumugulong ang kapalarang hindi niya alam ay may papalapit na unos. Lumipas ang araw maagang ginising si Xai ng kanilang katulong dahil pa sundin ito ng kanyang Lolo sa sa office ngayon ang araw na pag pili ng kanyang Lolo bilang CEO, Kaka tapos lang mag bihis Isang blue Tuxedo Ang pina suot, nag bangayan pa sila ng kanyang Lolo ka gabi sa damit na ito.. Sir Xai bibilisan po niyo kanina pa po tumawag ang Lolo niyo kayo nalang po hinintay doon. wika ng driver...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD