Chapter(14) Commatose

1021 Words

3RD PERSON: POV Mabigat ang hanging bumabalot sa malawak na opisina ni Don Leo. Ang makapal na kurtina ay nakabukas, ngunit kahit ang liwanag ng hapon ay tila walang lakas para itaboy ang dilim na nakaukit sa mukha ng matanda. Nakaupo siya sa likod ng napakalaking mesa mesa ng kapangyarihan, dugo, at mga lihim habang mahigpit na nakasara ang kanyang kamao sa ibabaw nito. Sa harap niya ay nakatayo ang tatlo niyang pinagkakatiwalaang tauhan. Nasa gitna ang punong embistigador, hawak ang isang makapal na folder punô ng ulat, litrato, at mga pangalan. Ngunit kahit gaano kakapal ang folder na iyon, alam ni Don Leo na kulang pa rin ito.. “Ulitin mo,” mariing utos niya, mababa ngunit nanginginig sa pinipigilang galit. “Ulitin mo ang sinabi mo.” Nilunok ng embistigador ang laway bago nagsalit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD