BREE
AAA LEV PETROV- Hubby: Misis, how's the dress? Does it fit you? I know it'll. But I might get your size wrong. They can alter it, just leave your instructions to them. Use the card I gave you this morning. Shop. Dine. Or, buy treats para sa mga alaga mo.
AAA LEV PETROV- Hubby: Huwag mong basahin lang ang mga texts ko, mag reply ka! Don't make me come there. You will not like it. *devil emoji
AAA LEV PETROV- Hubby: Send me pics. I want to see it. It's a command. Obey. * three devil emoji
What? Hubby? Kapal! At naka speed dial pa ang gago sa phone ko? Putragis! Kailan n'ya pinakialaman 'to?
Halos madurog ang cellphone sa kamay ko.I'm staring at the screen bakasakaling lumabas ang pagmumukha ni Lev doon, ng masampal ko.
I know something is off kanina nang lumayas ang siraulong 'yon. He's uncharacteristically happy. And everyone knows that my grumpy husband hates the world and all things that are breathing. He doesn't know the word smile. Ngunit kanina, hindi lang ngiti ang ginawa ng animal. Pasipol-sipol pa. Not that I'm observing him the whole time. Let's say, I just want to keep my eyes on my enemy.
"Ang kapal talaga ng mukha mo," bulong ko while typing my reply.
ME: Who's this?
His reply was instant.
AAA LEV PETROV- Hubby: ASAWA MO! Wow. Dapat yata akong magpa-party dahil nag reply ka. What gives, wife?
ME: What gives? Didn't you hear the word audacity and f*****g privacy?
AAA LEV PETROV-Hubby: Nope. Nakakain ba 'yon? Masarap ba 'yon? Parang ikaw? My bad. Walang mas sasarap sa'yo.
My face flushed. Nanginginig ang kamay ko habang nagtitipa.
ME: F
ME: U
ME: C
ME: K
ME: Y
ME: O
ME: U
AAA LEV PETROV- Hubby: I miss you, too Kiska. *kissing heart emoji
I don't know kung tatapusin ko ang meeting ko ng maaga to j******f at your sweet, hot words. Or, I'll go there and snatch you away. f**k. I'm hard. See for yourself.
Napasinghap ako nang makita ang larawang pinadala ni Lev. Though may suot na pants, bakat na bakat doon ang galit na galit niyang alaga.
ME: Perve! Go to hell. Stop pestering me. And don't you dare mess with my things again. Last time I checked, walang Hubby na nakalagay sa contacts ko.GURANG meron. Tigilan mo nang pagiging stalker/hacker. Hindi sa'yo bagay.
AAA LEV PETROV- Hubby: Admit it, I'm making you hot. You're blushing while staring at the evidence of my obsession for you. And for the last time, I'M YOUR f*****g HUSBAND. Gusto mong i-tattoo ko sa noo mo para hindi mo makalimutan? Don't test me. And where is that photo? I hate waiting.
I scoff. This is getting nowhere. Hindi ako mananalo kay Lev na tila sinapian ng mga Gen Z, kung ano-anong kagaguhan ang pumasok sa bumbunan. From emojis to constantly texting, now sexting? Jesus!
Inis na tumapat ako sa salamin, raised my middle finger and took a snap. I sent it to Lev. While at it, I changed his name from that disgusting self impose pet name 'Hubby' to 'Gurang Assistant of Satan'. At para lalong umusok ang ilong ng gago sa galit, I blocked him.
"Ayan. Ewan ko lang kung makatawag ka pa sa 'kin. Hubby my ass!"
Kuntentong inilagay ko sa bag ang iPhone. I sighed.
This is not the first time na nagkasagutan kami sa text ng asawa. O, kung sagutan bang tawag 'yong siya lang ang panay text ng kung ano-ano ever since he got me that phone last week, habang ako deadma to the max.
I always put him on read. Kung tatawag man siya, hindi ko sinasagot. Akala ko kuntento na ang gago sa ganoon, until today. He triggered some reactions in me by shamelessly putting that word on my contact.
The nerve!
Ipinilig ko ang ulo't pinasadahan ng palad ang suot na red evening gown. It's spectacular. I was staring at my reflection for so long I think malapit ng mabasag ang salamin dito sa loob ng fitting room na kinaroroonan ko. I stare at it some more. And more.But I don't see myself or the dress per se.
No. What is playing in front of me like a broken record is my husband's pained face while he's nursing my battered hand.
I felt queasy. A warm hand gripped my heart. Yumuko ako't wala sa loob na sinipat ang bendang nakapalibot sa palad. Ramdam ko pa rin ang init ng palad niya. Rinig ko pa rin ang malulutong niyang mura. Not directly for me but for himself.
I balled my fist around it, digging my nails into the fresh wounds. The stings keep me grounded as Lev's
face floats in front of me.
His wide pained gaze.
The despair that follows.
The sorrow.
His anger and the madness emanating around him.
"Be angry and blame it all on me. Just don't f*****g hurt yourself."
It's easier said than done. Akala ba niya I'm doing it on purpose?
No.
Dahil matapos ang panandaliang ginhawang hatid ng mga sugat ko, mas mahirap harapin ang pagkapoot na kalakip noon. Like now. But I keep doing it anyway. To cope, to survive. One day at a time.
There's this crippling pain inside me caused by those memories... by my dark thoughts. It's consuming me. Drowning me. And the only way I know is to inflict pain. The wounds, the blood...it allows me to focus on them kaysa sa kung ano pa man.
Ngunit bakit hindi ko pa rin maramdaman ang ginhawang dati'y lumulukob sa akin matapos ang isang episode ko?
Sumulpot sa isip ko ang mukha ng asawa. His words once again assaulted me. Is it the end of the f*****g world? Cause begging and Lev should never be in the same sentence. Ever.
Yet, he begged.
For me.
Shit. Bakit tila nagi-guilty ako? I made peace with the fact that I'm nothing but a servant to my revenge at walang puwang si Lev doon. O, ang salitang kapatawaran.
"Bri, may prend. Okay sa olrayt ka lang ba?"
I shake my head.
"Ha? Yes. Sorry medyo may naalala lang ako." Sagot ko sabay hawi sa kurtina.
Ngumiti ako kay Dakila na matamang naghihintay sa labas ng fitting room. Nawala ang pag-aalala sa mukha niya. Sumipol siya't ngumisi.
"Wow! Ang Diyosa mo, may prend." He offered me his hand.
I rolled my eyes at him. My left hand was patting the gown that was hugging my body like a second skin. Umikot ako, giving the staff and Dakila a show.
Panay ang palakpak ng ungas habang 'di magkamayaw sa papuri ang dalawang staff ng isa sa tatlong boutique stores sa Agriantrophos.
Sinipat kong muli ang repleksyon sa salamin. Can't blame these three, I must say that this is the perfect, classiest, and most elegant gown I've seen.
Lev ordered it. No. Pina-custom made iyon ng asawa ko para may maisuot ako mamayang gabi kapag ipinarada niya ako sa harap ng members ng Council. He–no, we are forced by Don Nap to attend it. Mas gugustuhin ko pang matulog na lang o kausapin si Brad hanggang sa sagutin n'ya ako, kaysa sumipot sa lintek na part na iyon.
But I can't.
Lev will not allow it, and the Council will not tolerate any disobedience from any of their members. And I am one, sadly.
Dinaga ang dibdib ko bigla. I scratch my wrist. Will my dad be there? Ang mga kuya ko? Will the members and founding families look at me with disgust? Am I labeled traitor now dahil sa ginawa ni Lev?
No. Don't go there, Bree.
Lev is not fool to walk on a trap. Walang dahilan para kabahan ako. It's just the archaic ritual and welcome party. That's all. Besides, makikita ko na sina Ally at Karen.
Tipid akong napangiti.
"Mrs. Petrova, okay po ba ang fit? If may kailangan i-alter–"
"I don't like it."
Nalaglag ang panga ng mga staff.
"Ha? Bakit? Ang ganda kaya, Bri. Bagay sa'yo. Tingnan mo," pinagduldulan ni Dakila sa harapan ko ang cellphone niya.
Hiniklat ko iyon, namewang.
"Ba't ako nasa story mo, aber? Sinabi ko na sa'yong huwag mo akong ipo-post," sarkastikong aniko.
Binawi niya sa akin ang cellphone bago ko pa mabura ang picture.
"Huwag ka ngang OA! Akina 'yan.Tatlo lang naman ang palowers ko, prend."
"E, tatlo lang naman pala. Ba't kailangan mo pang mag post?"
"S'yempre. PUMA ako."
"Ha? Anong Puma? Baka FOMO."
"Grawnded na rin 'yon. Hindi ba naintindihan mo naman?"
"Alam ko mukha kang talampakan minsan pero baka ma-hurt 'yung brand ng shoes sa pagsasabi mong kamukha mo s'ya."
Dramatikong sinapo ng kaibigan ang dibdib n'ya. Nag pout pa ang gago.
"Aray! Grabi ka sa 'ken. Alam ko Dyusa ka. Pero on da iskel of wan to tin. Sibin ileben ako."
"Anong 7/11? Ba't nasali ang convenient store sa usapan?"
"Sabi ni Bus Lugan, siben tayms ileben daw ang kaguwapuhan ko. Tapos dibaydedbay ng ansir tas–ay ewan! Basta ganun 'yon, prend. Buy arikmitik 'yon."
"Anong 'boy arikmitik'? Baka boy math. At bakit ka nakikinig sa pinagsasabi ni Logan? Alam mong sa kabilang kampo 'yon. Sinasabi ko na nga ba nasuluhan ka na. May 'peksman mamatay ka man' nalalaman, traydor! Itong iPhone 'yung binigay ng mga kolokoy na 'yon sa'yo, no?"
Lumikot ang mata niya, niyakap ang bagong cellphone as if his life depends on it.
"Prend, ang saket mo magsalita. Wala ba akong karapatan na umahon sa laylayan? Anong akala mo sa 'kin suki ng GSM sa Abenida at Tundo? Oy, may briteng ako. Kaya kong bumili ng selpun."
"Anong breathing?"
"Ang islow mo na man. Klas ba. Susyal."
Nahilot ko ang sentido.
"Ayan. D'yan ka magaling. Ang iligaw ang usapan. Ang tanong ko ang sagutin mo."
"Wala ka pang tanong. Kaya wala pa kong sagut."
"Isang putol mo pa sa sasabihin ko. Sa Jolo ka dadamputin, I'm telling you." Malapit ng sumabog ang ugat ko sa ulo sa kaharap.
In my peripheral, the two staff are giggling. Nakalimutan na nila ang gown ag ang pagka disgusto ko roon.
"Etu naman. Hindi na ma-dyok."
"Joke-joke-in mong lelang mo. Pektusan kita sa gilagid makikita mo. Saan mo nakuha 'yang iPhone mo?"
Kumamot ito sa batok. Lumikot ang mga mata.
"s**t. Sinasabi ko na nga ba. Anong iniutos sa'yo n hinayupak kong asawa?"
"Ang adbans mo naman mag isip. Ba't si Master Lib agad? Sabi mo kanina si Bus Lugan. Prend, meyk up yor maynd. Iyong utak ko 8 embi lang kumpara sa 1 tirabayt mong breynsils."
"Dakila. Isa." I give him the glare of the century.
Sukong nagtaas siya ng mga kamay.
"Payn. Pareho silang dalawa."
"Explain."
"Hala s'ya. Kaya nga hindi ako nag-aral ng kulige– ay min, kolehiyo– kasi ayoko ng mga resayt-resayt na 'yan. Tapos ngayon kailangan ko ipaliwanag? Bri, naman."
"Magpapaliwanag ka ba o huhugutin ko 'yang dila mo? I can call August or kung sino mang mga tao ng magaling kong asawa para–"
"Sabi ko nga magpapaliwanag na. Ilang talata ba ang gusto mo, may prend? Gusto mo iyong sing kapal ng Nuri Me Tengene."
Hindi ko na napigilan ang sarili. I burst out laughing. Sinamahan pa ako ng dalawang staff.
"Mrs. Petrov, ang masakit na po ang panga ko."
"Ako buong pagkatao ko masakit na. Imagine, dalawang taon ko ng kasama ang kulukoy na 'yan." Ba't ba kailangan ako laging magtama at mag-adjust sa'yo, Dakila?" Naluluhang pinahid ko ng palad ang gilid ng mga mata.
"Kasi ikaw ang briyne sa ating dalawa. Sabi nga ets a bliseng en opkors."
"Blessing and a curse. Please. Tama ka na sa kaka-recite ng mga idiomatic expression. Pati iyong obra ni Rizal binalahura mo." Humalukipkip ako. I tapped my left foot on the floor. "Any moment now. I'm listening."
"Sabi lang naman ni Master Lib, por imerdyensi lamg 'tong selpon. Kasi s'yempre minsan kailangan ko tumawag sa kanya o ikaw kapag na lubat ka."
"Tawag lang pala. E, hindi ba kaya ng Oppo mo 'yon?"
"Prend naman. Hindi ba sira na ispiker no'n. Tapos talo ko pa iyong nasa Japan sa sobrang labo ng kamera."
"What?! Sinasabi ko na nga ba. You're sending that evil my pics. Akina 'yan. Kapag nahuli kitang animal ka, gagawin kitang pataba sa halaman. Dakila!" Gigil na sigaw ko sa kaibigang kumaripas ng takbo habang panay ang tawa. At binitbit pa ang walang malay na si Brad.
I turned to the two ladies who were eyeing me curiously. Malawak ang mga ngiti ng mga ito.
"Sorry about that."
"Ayos lang po. Kaya po pala in love sa inyo si Mr. Petrov. Bukod sa napakaganda n'yo, ang cool n'yo rin po."
Nasamid ako. Anong sinasabi ni ateng in love? Si Lev?No way.
I cleared my throat. "As I was saying, hindi ko kukunin ang gown na 'to."
"May hindi po ba kayo nagustuhan? Pwede ho naming ayusin. Rush. Sabihin n'yo lang po, Maam kung anong–"
"It's not that. Actually perfect 'tong gown." Ako ang hindi. Gusto kong idagdag but I pursed my lips.
"Ano hong hindi n'yo gusto?" Laglag ang balikat na tanong ng siyang matanda sa dalawa.
Sa ibang pagkakataon, maaawa ako't mapapahinuhod niya. Hindi ngayon. Lalo pa't sa silent war namin dalawa ni Lev, naka iskor siya. I can't allow him na lamangan ako, hindi ba?
"The design. Hindi bagay sa 'kin."
"H-ho?"
"Hindi ko feel. It's too–err, balot. Conservative. I want something that match my personality. Feisty. Bold." Iniikot ko ang paningin sa buong boutique habang nakatitig sa akin ang dalawa na para bang alien ako.
Then, a certain gown caught my attention. I smiled, a little bit victorious. Ngayon pa lang nai-imagine ko na ang itsura ni Lev at ng mga prude at ipokritang leaders ng Council kapag nakita nilang suot ko ang gown.
It's black and dripping with little sparkling diamonds. What makes me grin is the bare-back design of it. And for crying out loud it's almost transparent.
It's giving the 'f**k you' vibe.
"Perfect! I want this gown."
Walang nagawa ang dalawang babae kung hindi ang tumango at i-check kung available pa ba ang nasabing gown. But given my husband's influence around this island, I'm 100% that I'll get to wear the gown.
After a few instructions, I left the botique at hinanap ang magaling kong kaibigan. Naabutan ko itong nakatambay sa malapit na cafe, pilit na nilalaro si Brad.
"Ang sungit mo naman. Ba't ba ayaw mo nitong tinapay? Huwag ka ng tsusi, ip ay nu dati tamang kalkal ka lang sa basurahan."
Brad the little fucker that he is, hissed at Dakila. Iika-ikang sumiksik ito sa gilid ng upuan. Deadma si Dakila at ang tinapay n'ya.
"Ba't ba panay ang kausap mo d'yan? Kapag sumagot 'yan, baka himatayin ka."
"Mas hihimatayin ako 'pag hindi mo pa sinagot ang tawag ni Master. Maawa ka naman sa 'kin, prend."
Umingos ako't sumalampak ng upo sa bakanteng silya sa tapat n'ya.
"Wala kong care kung ikaw ang pestehin n'ya."
"Bri, naman! Sagutin mo na. Ako ang tinatakot. Alam mo naman 'yong asawa mo, tingin pa lang nanginginig na ako. Gib me alown muna. Mag bibi taym muna kayo ni Master Lib. Tsupi."
"Anong give me alone? Leave me alone. Shunga."
"Parehas na rin 'yon. Diba na gits mo."
I was about to open my mouth nang biglang mag ring ang cellphone ko. Takang kinuha ko iyon. It's from an unregistered number. Ewan, pero iba ang kutob ko.
"Huy! Sina swayp 'yan hindi tinititigan. Kahiya sa mga tao, nakatingin sa 'tin."
Umirap ako sa kaibigan, I swipe the answer button.
"Yes? Who's–"
"Your husband. Who else? Stop ghosting me." He growled. Lev's voice is ice to the fire inside me.
Nagpapasalamat ako't hindi kami magkaharap ngayon. Kung hindi ipagkakanulo ako ng sarili kong katawan because I'm trembling.
"I don't know. Binigay ko rin kasi kay Satanas ang number ko."
"The f**k?! Unblock me this instant. Napupuno na ako sa'yo."
Ngumisi ako't bahagyang inilayo ang aparato sa tainga. Bumelat ako habang si Dakila'y panay ang hagikgik sa gilid ko.
"Sino ba 'to? Bingi ka ba? Am not interested. Wala akong kinukuhang appliances sa inyo. At hindi rin ako interesadong kumuha ng insurance. Sa iba kayo mag alok. Bye." I ended the call and block the number.
Then, hinagilap ko rin ang mga numbers ng mga kaibigan niyang pulpol at sabay-sabay ko silang blinak sa contacts ko.
"There." Grinning, I clapped my hands.
"Ang saya mo naman, prend."
"Of course. Dahil happy ako, lilibre kita. Tara." Kinuha ko si Brad at nagsimulang mag lakad.
"Talaga? Kaso busog pa ko. Pwedi bang leytirs na 'yan, Bri? Kakainin ko kapag uwi natin sa mansiyon n'yo."
"Sinong nagsabing food ang bibilhin ko for you?"
"Ha? E, ano?"
I smile naughtily at Dakila.
"Diyos na mahabagin. Alam ko ang ngiting 'yan. Prublima 'to, Bri."
"His not ours. Besides, he tell me to used this card.E, alam mo namang bukod sa mabait, masunurin din ako, 'di ba?"
Nanlaki ang mga mata ni Dakila nang ipakita ko sa harap niya ang AMEX Black card.
"Prend, ibibigay mo sa 'kin 'yang Biktorya Kort riward card ni Master? Wow! Ang swit mo talaga."
"Gago. Anong Victoria Court Reward card? Credit card 'to. No limit. Cash is king but this thing here is the mother f*****g king of all."
Napa suntok si Dakila sa ere.
"Kaya sa'yo ako, prend. Alam mo naman si Master Lib ang bus peru ikaw ang alas.Tara. Ano bang bibilhin natin?"
"That badass there and a penthouse unit on this island and one on High Street, BGC."
"Pakshettttt!"