Jenyfer Hindi pa rin nawawala ang pagkainis ko sa uncle ni Rhys, actually sa buong pamilya ng Uncle Timmy n'ya. Naiinis pa rin ako hanggang ngayon kahit nakasakay na kami sa kotse at umpisa na namin binabagtas patungo sa mall dahil iyon naman talaga ang plano namin bago umalis. Kung hindi lang biglang tumawag ang uncle Timmy ni Rhys. “Grabe talaga ang Uncle Timmy mo!” wika ko sa kaniya. “Ano ba ang akala n'ya sa ‘yo isang paslit at punching bag para suntukin ka?” bubulong-bulong ko ngunit naririnig nila. Mahina akong bumuntonghininga. Saglit kong sinulyapan si Rhys. Nagsalubong ang kilay ko kasi mayroon akong nahalata. Kanina pa kasi ako salita nang salita simula ng umalis kami sa mansyon ng uncle ni Rhys. Pero ngayon ko lang napagtanto na ako lang ang maingay pero sila sobrang seryoso

