Jenyfer “Rhys! Ayaw ko malaman nila may asawa na ko ha? Lalo na sina Nanay at Tatay,” “What?!” “Pasensya ka na Rhys. Kasi nga sinabi ko sa kanila amo lang kita. Sige na pumayag ka na,” pakiusap ko sa kaniya. Nag-isang linya ang kilay n'ya at matagal din s'yang sumagot. Tahimik naggalawan pa ang kaniyang panga. Big deal ba ang sinabi ko? Ibang klase itong Zhumalde na ito. Nakalimutan na yata n'yang soon mag-divorce kami. Dapat ko pala iyon ipaalala sa kaniya mukhang nalimot na niya. “Kinakahiya mo ba ako, Jenyfer?” galit n'yang sabi. “Ha? Hindi naman ah. Almost perfect ka, Rhys, marami nga may gusto kang mapikot. Pero hindi pa ako handa magtapat kina Nanay at Tatay, magagalit iyon sa akin kapag nalaman nila kaya sila nakauwi dahil pinakasalan kita. Hahanap pa ako ng bwelo, sige na pum

