MAUREEN’s POV Naniningkit ang mga mata kong nakatitig sa screen ng aking phone matapos ang naging pag-uusap namin ng taong malaki ang aking utang-na-loob. Sa pagkakataong ito ay binigyan na ako nito ng palugit. Tiningnan ko ang aking anak na si Crisanto na nasa loob ng crib. Ang kawawa kong anak. Parang gusto kong magalit kay Kitten dahil kung hindi siya umalis ng kanilang malaking bahay ay hindi ako mapupunta sa ganitong sitwasyon. Hindi sana manganganib ang buhay ng aking anak. Siguro nga ay totoo ang sinabi ni Kitten sa akin na gusto lang niyang makabawi sa panahong hindi sila nagkasama ng kanyang totoong ama. Ngunit para sa akin ay biglaan ang naging desisyon niyang iyon. Bago umalis ng kanilang mansyon ang aking kaibigan ay wala akong natatandaang nag-open up siya sa akin tungkol

