THIRD PERSON POV
Paikot-ikot si Kitten sa sala sa loob ng apartment ni Marcus habang hinihintay ang kanyang amang makauwi. Hindi siya makapaghintay na malaman kung natanggap ito bilang delivery boy ng Yessa's Sweets Shop. Ang bakeshop na ang owner ay walang iba kundi ang dati niyang kaibigan na ngayon ay mortal na niyang kaaway na si Yessa.
Kagabi ay nagulantang si Kitten nang ibalita ng kanyang ama na mag-a-apply daw ito ng trabaho sa Yessa's Sweets Shop. Parang gustong magpanting ng kanyang tainga pagkarinig sa pangalan ng bakeshop na iyon na binanggit ng kanyang ama kagabi.
Tandang-tanda pa ni Kitten ang eksena sa loob ng apartment ng kapitbahay na si Rowena kagabi. Si Rowena ang gurong kapitbahay ng kanyang amang si Marcus. Nililigawan din ito ng kanyang ama.
Niyaya ni Rowena sina Kitten at Marcus na sa apartment na nito maghapunan kagabi. Kasama ring naghapunan nina Kitten, Marcus, at Rowena ang kapatid ni Rowena na si Xavier, ang lalaking nakabunggo kay Kitten sa mall na naging dahilan para tumapon ang kanyang hawak na milk tea sa kanyang suot kahapon.
Marcus: Kitten, bukas nga pala ay mag-a-apply ako ng bagong trabaho. Ipagdasal mong matanggap ako.
Tumango si Kitten sa sinabi ni Marcus, pero nakasulyap kay Xavier. Nang lumingon si Xavier sa gawi ni Kitten ay dali-daling umirap si Kitten sa lalaki.
Kitten: Uhm... Sa-saan po kayo mag-a-apply, Daddy?
Nagtanong lang talaga si Kitten para alisin ang pagkapahiya sa sarili rahil nahuli siya ni Xavier na nakasulyap dito.
Marcus: Sa Yessa's Sweets Shop.
Nagulat sina Marcus, Rowena, at Xavier nang biglang naibuga ni Kitten ang mga pagkaing nasa loob ng kanyang bibig.
Marcus: A-ayos ka lang ba, anak?
Nanlalaki ang mga mata ni Kitten na humarap kay Marcus.
Kitten: Sa-saan po ulit?
Kumunot ang noo ni Marcus at muling sinabi ang pangalan ng shop kung saan ito susubok na mag-apply ng trabaho.
Marcus: Yessa's Sweets Shop.
Marahas na napahugot ng malalim na paghinga si Kitten at dali-daling inabot ang isang basong tubig na nakalaan para sa kanya. Inisang lagok iyon ni Kitten.
Hindi makapaniwala si Kitten na mag-a-apply ng trabaho ang kanyang ama sa bakeshop na ang owner ay ang magaling niyang kaibigan na si Yessa. Oh well, ex-friend. Friendship over na sila mula nang mangyari ang insidenteng iyon ilang taon na ang nakalipas.
Hindi lang iyon. Si Yessa rin ang babaeng nakita ni Kitten na kahalikan ng kanyang boyfriend na si Enrique few days ago. Lalong liliit ang mundo nilang dalawa kapag nagtrabaho na ang kanyang ama sa bakeshop ni Yessa.
Nag-aalalang tiningnan ni Marcus si Kitten.
Marcus: Ayos ka lang ba, Kitten?
Pabagsak na ibinaba ni Kitten sa ibabaw ng dining table ang baso ng tubig. Hinahabol pa niya ang kanyang paghinga na animo ay hinabol ng sampung kabayo.
Kitten: Ye-yeah. I-I'm fine. Medyo, ano, uhm, napagod lang po ako siguro. Kasi...
Biglang tumigil sa pagsasalita si Kitten nang muli na naman siyang napatingin kay Xavier. Bumalik na naman ang inis niya rito.
Kitten: Tama. Napagod siguro ako rahil na-stress ako nang matapunan ako ng milk tea kanina.
Tumalim ang tingin ni Kitten kay Xavier bago ito inirapan.
Nagulat naman si Xavier sa inasal ni Kitten. Akala nito ay okay na silang dalawa.
Xavier: Hindi ba nag-sorry na ako sa 'yo?
Muling sinulyapan ni Kitten si Xavier. Kung nakamamatay ang mga titig ni Kitten sa lalaki ay kanina pang bumulagta si Xavier.
Naiinis si Kitten dahil sa ibinalita ni Marcus at gusto niyang may mapagbalingan ng kanyang inis. At sino ba ang perfect candidate para roon? Walang iba kundi ang lalaking nakabunggo sa kanya sa mall, si Xavier. Tutal naman ay hindi pa tuluyang nawawala ang inis niya rito.
Kitten: Hindi ko iyon tinanggap. Naiinis pa rin ako sa 'yo.
Hindi magpapaapekto si Kitten sa gwapong mukha ni Xavier. Basta naiinis siya at gusto niyang mailabas iyon sa kahit anong paraan.
Rowena: Kitten, humingi na ng paumanhin ang kapatid ko. Baka pwedeng mapatawad mo na? At saka mas mae-enjoy mo ang mga niluto kong food kung wala kang inis na nararamdaman.
Biglang natigilan si Kitten nang marinig ang mahinahong boses ni Rowena. Bigla siyang nahiya rito. Nandito siya ngayon sa apartment ni Rowena at kumakain ng mga niluto nitong pagkain tapos siya ay sinusungitan lang ang kapatid nito sa mismong pamamahay pa nito.
Nilingon ni Kitten si Rowena at nahihiyang humingi ng paumanhin dito.
Kitten: Pa-pasensya na po, Ate Rowena.
Ngumiti si Rowena.
Rowena: Naku. Huwag kang humingi ng pasensya. Hayaan mo. Pagsasabihan ko itong si Xavier mamaya. Papaluin ko na rin ang pang-upo para sa iyo.
Bigla namang napalingon si Xavier kay Rowena. Napapakamot pa ito sa batok nito.
Xavier: Ate naman. Nakakahiya.
Kitang-kita ni Kitten ang pamumula ng mga pisngi ni Xavier. Sukat doon ay bigla siyang tumawa ng malakas na ikinalingon ni Xander sa kanya. Panandaliang nawala sa isip ni Kitten ang inis kay Yessa rahil sa nakikitang anyo ni Xavier.
Kumunot ang noo ni Xavier. Halatang nairita ito sa ginawang pagtawa ni Kitten na parang nang-aasar pa.
Maya-maya ay tumigil sa pagtawa si Kitten at humarap kay Rowena.
Kitten: Grabe. Napatawa mo ako, Ate Rowena.
Lumingon si Kitten kay Xavier at nakita niyang namumula ang mukha nito sa inis. Ngumisi lang siya rito.
Nang lingunin ni Kitten ang ama ay bigla na naman niyang naalala si Yessa. Gusto niyang pigilan ang ama mula sa binabalak nitong pag-a-apply ng trabaho sa bakeshop ni Yessa.
Kitten: Kailangan niyo pa po ba talaga ng isa pang trabaho, Daddy?
Ngumiti si Marcus kay Kitten.
Marcus: Mas mabuti na 'yong may dagdag income. Lalo na ngayon na kasama kita sa apartment. Kahit may sarili kang work, mas okay pa rin kung marami tayong source of income.
Ngumuso si Kitten. Valid ang reason ni Marcus, so paano niya iyon pipigilan?
Kitten: Naku, Daddy. May nabasa akong reviews about sa shop na 'yan. Hindi raw mabait 'yong owner. Masama ang ugali. Nagtataray sa mga tao niya. Naku, Daddy. Humanap ka na lang ng iba.
Kumunot ang noo ni Marcus at ilang sandali pa ay bumunghalit ng tawa. Napataas naman ang dalawang kilay ni Kitten.
Marcus: Naku, anak. Hindi mo pa lubusang kilala ang ama mo. Panigurado, bibigay sa charm ko ang owner ng bakeshop na iyon. Sobrang charming ko kaya. Tanungin mo pa si Ate Rowena mo.
Pabirong umirap si Rowena kay Marcus at tumingin kay Kitten.
Rowena: Hay naku, Kitten. Super hangin kamo. Laging binubuhat ang sariling bangko.
Natatawang tumanggi si Marcus.
Marcus: Hindi 'yan totoo, ah. Honest ang tawag doon. Gustung-gusto mo nga kapag nagpapa-charming ako sa iyo, eh.
Nagtatawanan sina Marcus at Rowena habang si Kitten ay iniisip pa rin si Yessa. Sana lang talaga ay hindi nito i-hire ang ama niya. Makasarili na kung makasarili pero hindi niya talaga gusto ang ideyang magtatrabaho ang kanyang ama para sa babaeng lumalandi sa kanyang boyfriend.
Humugot ng malalim na paghinga si Kitten matapos alalahanin ang nangyari kagabi. Hanggang maaari ay ayaw niyang nagtatagpo ang mga landas nila ni Yessa. Hindi siya komportable na nakikita ito.
Eh, kasi alam mong ikaw ang may ginawang kasalanan sa kanya?
Ipinilig ni Kitten ang ulo. Hindi niya gustong pakinggan ang sinasabing iyon ng kanyang isipan. Ayaw niyang aminin sa sarili na may malaki siyang kasalanan kay Yessa at natatakot siyang baka bumalik sa kanya ang mga ginawa niya rito noon.
Kitten: No, nagmahal lang ako. Ginawa ko lang iyon para sa pagmamahal. Hindi ko rapat pagsisihan ang aking mga ginawa kay Yessa noon.
Biglang nag-flash sa isipan ni Kitten ang lumuluhang mukha ni Yessa noon.
Yessa: H-how could you do this to me, Kitten?! I-I treated you as my friend!
Muling ipinilig ni Kitten ang kanyang ulo.
Bakit ba bigla na lang bumabalik sa kanyang isipan ang alaala ng nakaraan?
Nasa ganoong pag-iisip si Kitten nang marinig na may pumipihit ng seradura ng main entrance door ng apartment ng kanyang ama.
Marahil ay dumating na ang kanyang amang si Marcus.
Kinakabahan si Kitten habang hinihintay na makapasok sa loob ng apartment ang kung sinumang pumipihit ng seradura ng pinto.
Ilang sandali pa ay bumukas na ang pinto at pumasok sa loob ng apartment ang ama ni Kitten. Hindi pa rin makapaniwala si Kitten na kasama na niya sa iisang bubong ang kanyang gwapong ama.
Pinipigilan pa rin ni Kitten ang sarili na tuluyang ma-attract sa kanyang ama. Alam niya ring hindi tamang pagnasaan ito kaya kanyang pinipigilan ang sarili na mag-isip ng kalaswaan tungkol sa kanyang ama.
Marcus: Nakauwi ka na pala, anak.
Nagulat pa si Kitten nang magsalita ang kanyang ama rahil nakatutok ang kanyang mga mata sa matipunong katawan nito.
Kitten: Ah, ka-kani-kanina lang. Hi-hinihintay ko po talagang makauwi kayo pa-para malaman kung pu-pumasa po kayo sa interview.
Nakita ni Kitten ang malaking ngiti ng ama. Pinagpapawisan si Kitten. Mukhang ang kanyang inaasahang bad news ang maririnig mula sa kanyang ama.
Marcus: Ah, oo. Na-hire ako ng owner ng bakeshop. 'Yong Yessa.
Parang biglang nanlambot ang mga tuhod ni Kitten at dahan-dahang napaupo sa sofa.
Kitten: No!
----------
itutuloy...