UeY-1

2164 Words
Avery Pov *riiiing riiiing riiiing* Bwesit.! Talagang mapapatay ko ang caller na 'to eh. Ke aga-aga tumawag ang sarap pa ng tulog ko. "Who are you.? What the hell do you want.?" Pasigaw kong tanong sa tumatawag na hindi man lang tinitingnan ang caller ID. "This is your bestfriend bitch.!" Mataray na sagot sa kabilang linya. "Sophia Lim.?" "Sino pa ba.? Bakit.? May iba kapa bang bestfriend maliban sa akin.?" Mataray paring sagot nito. Argh.! Nakakarami na talaga ang babaeng 'to hah.! "Ba't ba ang aga-aga mong tumawag.? Nakakaistorbo ka ng tulog ko." Naiinis kong sabi sa kanya. "Anong maaga pinagsasabi mo dyan.? FYI lang bestie hah, it's already three in the afternoon at hindi na po yun maaga." Sarcastic na sagot nito kaya napatingin ako bigla sa orasan sa bedside table ko. Shit.! Kaya pala kumakalam na ang sikmura ko. "Errr, inaantok pa ako eh. Alam mo namang pagod pa ako galing sa byahe. Pakiramdam ko nga may jetlag pa ako eh." Naka'pout kong sagot sakanya kahit na hindi nya ako nakikita. "Huwag ako frenny.! Hindi mo ako madadaan sa mga ganyang pakulo mo. Alam ko namang kahapon kapa ng umaga nakarating dito sa Manila. Sadyang matigas lang talaga iyang ulo mo dahil pinaunlakan mo pa yung home coming party na inihanda kuno ng mga co-model mo para sayo. At kung hindi ako nagkakamali, uminom kana naman siguro doon gaga.!" Nanggigigil na sabi nito kaya napakamot na lang ako sa aking batok. Hays. Wala talaga akong maitatago sa babaeng 'to. "Oo na.! Panalo kana. Ano ba kasing kailangan mo at tumawag ka ng ganito kaaga.?" Tanong ko ulit na ikina'buntong hininga nya. Problema ng babaitang 'to.? "Gaga.! Huwag mong sabihing nakalimutan mo na.?" Sagot nito na ipinagtaka ko. "Ang alin.?" "Masasabunutan talaga kitang babae ka.! Diba may usapan tayo na magkikita tayo ngayon dahil babawi ka nga sa akin diba.? Hays.! Nawala ka lang ng isang buwan naging makakalimutin kana. Yung totoo.? Anong nakain mo sa London at naging ganyan ka.?" Litanya nito na ikina ikot ng mata ko. "Whatever. Sige na.! Mag-aayos muna ako ng makapunta na ako sa meeting place natin. Anyway, saan nga pala tayo magkikita.?" "Hmm. MOA, 5:00 p.m sharp." Maikling sagot nito na ikinalaki ng mata ko. "What.?! Are you crazy.?! Gusto mo bang dumugin tayo ng mga tao doon.?" Sigaw ko sakanya. Gosh.! Ano bang iniisip ng babaeng 'to.? "Problema ba yun.? Eh di magdala ka ng PSG mo." "Pero alam mo namang ayokong may sunod ng sunod sa akin diba.?" Naiinis kong sagot sa kanya. "Oh well, hindi ko na problema yun." Mataray nitong sagot. Ano ba ang nakain ng babaeng 'to ngayon.? Kung makapagtaray sa akin wagas.! "Hays.! Ewan ko sayo.! Sige na, maghahanda na ako dito. Nakakahiya naman kasi sayo eh noh.?" Sarkastiko kong sagot sakanya. Talagang pinapahirapan ako ng babaeng 'to. "Good, atsaka siguraduhin mo lang na on-time kang makakarating Avery Monroe.! Dahil kung hindi, talagang makakatikim kana ng batok mula sa akin." Pagbabanta nito na ikinangiwi ko. Minsan kasi may pagkabaliw ang isang 'to. Kung ano ang sinabi yun ang gagawin. Malakas pa naman syang mangbatok. "O--Oo naman bestie." Alanganin kong sagot sakanya. "Oh sige na. Maligo kana dahil naamoy na kita hanggang dito sa bahay. Hahaha." Tumatawang sabi nito. Bipolar talaga.! No wonder bat naging mag bestfriend kami nito. Pareho kaming pa'iba-iba ng mood minsan. "Bitch.!" Sigaw ko at hindi na hinintay ang sagot nya dahil pinatay ko na ang tawag. Mang-aasar na naman kasi yun. Oh by the way, I'm Avery Monroe. Daughter of Oscar Monroe, the famous businessman tycoon in Asia at sa ibang bahagi ng Europe. Isa rin ako sa tagapagmana ng aming kompanya. Tatlo kaming magkakapatid at ako ang bunso at nag-iisang babae. Ang panganay namin ay si kuya Oliver na may sarili ng pamilya at si Owen ang pangalawa, pareho silang nagtatrabaho sa company ni Dad. I'm already 26 years old at wala akong balak na magtrabaho sa kompanya ni dad though Business Ad. ang natapos kong kurso na syang gusto ng aking ama para sa akin. Kung ako lang kasi ang masusunod hindi yun ang kukunin kong kurso. I'm into fashion kasi but unfortunately hindi yun gusto ng magulang ko. At dahil sa matigas ang ulo ko, pumasok ako sa modeling career two years after I graduated as a Summa c*m laude in the most prestigious school here in Philippines.   Iyon naman talaga ang gusto ko since then kaya wala ng nagawa pa si dad para pigilan ako. Isa pa, kung ano man ang nakamit kung kasikatan ngayon ay dahil yun sa sarili kong sikap. Hindi kasi ako umaasa sa mga koneksyon ng ama ko though nahirapan ako noong una pero worth it naman. Lalo pa't nagbunga rin ang pagsisikap ko na hindi humihingi ng tulong sa aking pamilya especially Dad. Gusto kong patunayan sa kanya at sa ibang myembro ng pamilya na kaya ko ng bumangon mag-isa na hindi laging humihingi ng tulong mula sa kanila. Kaya ngayon isa na ako sa mga sikat na modelo hindi lang dito sa pilipinas kundi pati narin sa ibang bansa. At yun nga, katatapos lang ng fashion show na ginanap sa London na dinaluhan ng mga sikat na model around the world at isa na ako doon. Tapos ngayon hindi ko maintindihan ang magaling kong bestfriend kung bakit sa MOA nya naisipan pumunta eh alam naman nyang maraming tao doon.!  Argh.! Humanda ka talaga sa akin Sophia Lim. Hays.! Magdi'disguise na lang ako kesa naman magsama pa ako ng PSG. Mas lalo lang iyon makakakuha ng atensyon ng mga tao. *** Matapos akong maligo ay nagbihis na ako. I just simply wore a high waist fitted jeans and a crop top. Nagsuot na rin ako ng wig at pinatungan ko ng bull cap. Kinuha ko na rin yung shades na lagi kong sinusuot kapag pumupunta ako sa mga pampublikong lugar. Hindi ko mapigilang 'di mapangiti ng makita ang repleksyon ko sa salamin. Hindi naman kasi sa pagmamalaki pero mas lalong lumitaw ang angking ganda ko kahit na face powder at lip gloss lang ang inilagay ko sa aking mukha. Bago ako lumabas sa aking condo unit ay tiningnan ko muna kung may mga naka plugged in pang gamit. Mahirap na, baka mamaya nyan pag uwi ko dito eh wala na akong maabutang gamit dahil naabo na lahat. Mabuti na yung nag'iingat. Uso pa naman ang sunog ngayon dahil na rin sa init ng panahon. Paglabas ko ng pintuan ay napatingin ako sa kaharap kong unit dahil may lumabas ding tao doon. Alangan namang animal, diba.? Hahaha. Waley. 'Kay fine. Note the sarcastic tone please. Tss. Hmm. May bumili na pala ng unit na ito.? Hindi ko makita ang mukha ng taong ito dahil nakasuot sya nang hoodie. Pero tingin ko babae sya dahil na rin sa hubog ng kanyang katawan. In fairness huh, ang sexy nya paring tingnan kahit na naka'jacket pa sya. Though nakakapagtaka lang dahil naka'jacket sya ng ganitong oras. Like hello.?! Ang init kaya. Pero teka nga muna.! Ba't ko ba sya chinicheck eh hindi ko nga sya kilala. Lumingon ito sa pwesto ko kaya bigla akong nagbawi ng tingin sa kanya at naglakad na lang papunta sa elevator. Baka makilala nya pa ako. Malay nyo isa sya sa mga fans ko diba.? Wala pa namang nakaka-alam kung saan ang condo ko. Even yung mga paparazzi hindi alam kung saan ako nakatira. Kung may makaka-alam man ay binabayaran ko agad para hindi na magsalita pa. Gusto ko lang privacy kaya ko ginagawa yun. Marami ng tsismosa sa panahon ngayon. Pagkababa ko ay agad na akong pumunta sa parking lot. Baka umusok ang ilong ng magaling kong kaibigan kapag nalate ako sa usapan namin. Ayaw pa naman non na naghihintay ng matagal. Sana lang hindi traffic. _________ Raven Pov 'Argh.! Ang sakit ng ulo ko. Pero teka muna, na--nasaan ako.? Bat napunta ako dito sa gubat.? Shit.! Kailangan ko nang makaalis dito. Sigurado akong nag'aalala na sina nanay ngayon.' Kanina pa ako palakad-lakad dito sa loob ng gubat at halos malibot ko na ang buong gubat pero wala pa rin akong nakikita kahit isang bahay. Tsk.! Paano na ito ngayon.? Te--teka.! Usok ba iyon.? Siguradong may tao sa bahaging yun.! Malapit na sana ako sa pinanggagalingan ng usok nang may marinig akong magkakasunod na putok ng baril. Dahil sa pagkataranta ay agad akong nagtago sa matataas na damuhan malapit sa pwesto ko. Maya-maya pa ay may narinig na akong mga yabag ng paa na papunta sa direksyon ko, kaya kahit na nanginginig na sa takot ang buo kong katawan ay sinikap kong huwag makagawa ng ingay. Lalo na nang tumigil ang mga paa sa harap mismo ng pinagtataguan ko. Shit.! "I think we lost her Sir." Rinig kong sabi ng isang lalaki. "Damn it.! Find her idiots.! Hindi pa iyon nakakalayo.! Nandyan lang sya sa tabi-tabi kaya huwag kayong tatanga-tanga." Galit na sigaw ng isa pang lalaki na kung hindi ako nagkakamali ay ang leader ng mga armadong lalaki. Pero nakakapagtaka lang dahil pamilyar sa akin ang boses nya. Parang narinig ko na ito dati, hindi ko lang matandaan kung kailan at kung saan. Gustuhin ko mang tingnan ang kanilang mukha ay hindi ko magawa dahil kapag ginawa ko iyon baka hindi na ako makalabas dito ng buhay. "What we're going to do if we find her.?" Tanong ng isa pang armadong lalaki sa kanilang leader. "You know what to do soldiers.! Kill her.!!" Madiin na pagkakasabi nito sa huling kataga bago lumingon sa direksyon ko na nagpatindig sa balahibo ko sa katawan. "Kill her.!" "Kill her.!" "Kill her.!" "Kill her.!" *** *Beeep.! Beeep.! Beeep.!* "Walang hiyang driver yun ah.! Kita na ngang traffic mag'o'overtake pa. Tsk.! Ok lang po ba kayo ma'am.? Pasensya na po ah. Mukha atang naistorbo ko ang tulog nyo." Nahihiyang sabi nong driver nang mapansing napabalikwas ako mula sa aking pagkakatulog. "Okay lang manong." Maikli kong sagot sa kanya. Tsk.! Panaginip na naman. Napakasamang panaginip. Hindi ito ang unang pagkakataon na managinip ako ng ganoong scenario at hindi ko alam kung bakit ito nangyayari sa akin. Sino ba ang mga yon.? Palagi kasing blurred ang mga imahe na nakikita ko sa aking panaginip kaya hindi ko makita ang kanilang mukha. Weird. "Nandito na po tayo ma'am." Rinig kong sabi ng taxi driver. "Ito na po ang bayad." Sabay abot ng isang libong piso. "Uhh ma'am.? Wala po ba kayong mas maliit pa dyan.? Dalawang daan lang po kasi ang babayaran mo eh. Wala akong panukli sa inyo. Ikaw lang po kasi ang una kong pasahero ngayon." Sabi nito habang nagkakamot sa kanyang batok. "Keep the change na lang manong." "Po?! Naku ma'am nakakahiya naman." "Ok lang 'yan. Pasasalamat na rin sa maingat nyong pagmamaneho." "Naku wala yun ma'am. Responsibilidad namin iyon na mga driver. Pero salamat parin po talaga dito." Nahihiyang sabi nito na tinanguan ko lang bago ako lumabas ng taxi. Pumasok na rin ako sa loob ng mall pagkababa ko ng taxi. Bibili pa ako ng mga kakailanganin kong mga gamit sa bago kong condo unit at mga damit na rin. Hindi parin mawala-wala sa utak ko ang napanaginipan ko kanina. It's really weird. Nabulabog lang ang pagiisip ko nang may tumawag sa cellphone ko. "Hello.?" "Hello.? Nandyan kana ba ngayon sa MOA.?" "Yes. Why.?" "Uhm. Ano kasi, hindi ako makakapunta dyan ngayon." May pag'aalinlangan sa boses ng tao na nasa kabilang linya. "Look.! Alam kong nangako ako sayo na sasamahan kita ngayong bumili ng mga gamit para sa bago mong condo unit. Pero may natanggap kasi akong tawag mula sa hospital at kailangan ako doon. I'm really sorry sweetie." "Nah. It's okay. I understand. Duty calls eh.?" "Yeah right. But are you sure na kaya mo na iyan mag-isa.?" "I'm not a kid anymore couz. Kaya ko na 'to, tsaka hindi na pwedeng ipagbukas pa ang bagay na ito. Alam mo namang hectic na ang schedule ko simula bukas." "Fine. Tawagan mo na lang ako kung may kailangan ka. Sige na couz, kailangan na ako sa loob. Mag-ingat ka dyan at kunin mo na ang kotse mo sa talyer. Nag'text sa akin si Ryan kanina. Maayos na daw ang kotse mo." "Ok. Salamat. Bye." So, I guess ako lang mag-isa ngayon.? Hays.! It'll be a tiring day for me, that's for sure. _______
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD