"Kanina pa kita tinatawag pero mukhang wala kang naririnig. Iniisip mo na naman ba sya.?" Nag'aalalang tanong ni Sophia sa kaibigan na kanina pa nakatulala. Nandito kasi sila sa condo unit ni Avery dahil nagkukulong na naman ang kaibigan nya. Kung wala itong photo shoot ay sa condo lang ito namamalagi. Hindi katulad dati na ito pa ang nag'aaya sa kanya na mamasyal. "Hindi naman maiiwasan yun eh. Walang araw na nagdaan na hindi sya sumasagi sa isipan ko. Walang oras o minuto na hindi ko sya naiisip. Namimiss ko na sya bestie." Pag'amin ni Avery sa kaibigan. "Lagi kong tinatanong sa sarili ko kung kumusta na kaya sya. Kung kumakain ba sya ng tama. Kung may sugat na naman ba sya dahil sa trabaho nya. Kung iniisip nya rin kaya ako o kung namimiss nya lang ba ako. Paano kung hindi na nya mais
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


