Kabanata 2

843 Words
Tifanny's P O V Letcheeee! Bulag ba sya? May mga mata ba sya? Kainis sya! Nalaglag tuloy yung envelope na dala-dala ko! Pati yung phone ko! Mahal pa naman to Kainis! Nagkatinginan lang kami sa isat isa aba? Di ba nya kunin yung mga gamit na nahulog nya? "Hoooy! Ikaw? Di mo ba kukunin itong gamit ko ha?" Sigaw ko pa doon sa lalaki. Nakatingin samin yung mga staff dito, Bahala na sila, Nakakairita kasi eh Tinaasan ko nalang sya ng kilay. Mga ilang segundo narin yung nakalipas pero di parin nya pinulot yung mga gamit ko, nakakairita na talaga siya ah Pinulot ko nalang to, Sarap sapakin tong lalaking to! Gwapo pa naman, Nakapanggigil eh! Sobra! Tumayo nalang ako, nakatitig parin sya sakin, Anong meron? Bat ba nya ako pinagtawanan? Loko loko to ah! Masama akung magaliiiiiiit, huwag niya akong subukan "You dont know who i am, Kaya just shut up, b***h!" Sabi pa nya tas lumakad nalang sya papalayo saakin "Hooooy lalaki! Wag mo nga akung ma english english! At isa pa di ako b***h Hooooy! Tumigil ka nga!" Sigaw ko pa sa lalaki, pero nagpatuloy parin ito, Ah? ganun? Ump! Hinagis ko yung high hills ko sakanya, napalakas ata ito kaya natamaan sya sa may likuran So yan! Yan napala mo! Antipatiko ka! Masunget! Gwapo sana, dahan dahan lang itong humarap sa'kin, lagooot! Halatang halata sa mukha nya yung galit, Bat ko pa ba sya binato,lagot ako neto, Ang sama nang tingin nya sakin, Nakakatakot sya, Yung mukha nya kanina na parang aso? Ngayon naging tigre na, kyaaaah! Lagot! Nag fake smile nalang ako, Sasabog na ata sya sa galit eh, Lagot talaga ako neto "So- sorry" Utal kong tugon Nag peace sign nalang ako, sabay pa cute sakanya,  Sana madala ko sya dito sa smile ko, huhu unti-unti niyang nilapit ang kaniyang mukha sa mukha ko kaya nakita ko rin siya ng malapitan, ang gwapo pala niya pag sa malapit ka nakatitig, kaso masunget nga lang Nakakaturn oooooooFF! Nag fake smile parin ako,  nakakahiya, ang bango pa naman nya, ano kaya sya rito? Manager? ang pogi naman! Unti unti nyang nilapit yung mukha nya sa mukha ko, kaya napatingin ako sa mapula nyang labi, waaah! Hahahahalikan nya ba ako? No? Yes? No! Yes Nalang kaya? Pumukit nalang ako, Ang tagal naman! Putcha sya, Paasa talaga kayong mga lalaki kahit kelan! Napamulat yung mga mata ko nang may binulong sya sakin, "Kung inaakala mo na papatulan kita, nagkakamali ka, Mga magaganda lang yung type ko okay? Kaya dont take an advantage from me okay? Di mo pa ako kilala" Tapos nilayo nya yung mukha nya sa tenga ko, Lumakad nalang sya papalayo sakin! Tseeeeee! Gwapong masunget! Kainis sya! Sino ba sya para ganituhin ako? Bumalik nalang ako dun sa office, hmm, itutuloy ko pa kaya yung pag-a-aplay ko? Oo? o hindi? Sige na nga... Habang naglalakad ako papunta dun sa isang babae sa table, halos matunaw na ako sa katititig nung mga ibang staff dito, Anyari? Anong meron? "Applicant?" Tanong pa ulit sakin nung babae dun sa table, teka? Ilang ulit naba nyang tinanong sakin yun? Napataas nalang ako nang kilay "Ay! Sorry miss ikaw ba yung talak nang talak kanina?" Mas lalo kung tinaas yung kilay ko, Aba nangaasar eh may pa tawa tawa epek pa Kainis sya! "Napuruhan nyo ata si boss ah?" Bulong pa nya, ano raw? "Ano?" Tanong ko sakanya, habang sya? Tawa nang tawa, Baliw lang ang peg? May mas baliw pa pala kesa sakin, Haha Ok na din yun! "Ah wala, Sabi ko maswerte ka sa companyang to" Nag evil smile lang sya, tss, what does she mean? I dont get it "Hired na po ako?" Masaya kung tanong, oo na yan! "Yes! Your hired Miss Cheon, And magsimula kana bukas as assistant ni Mr. Mathew" Anooo? Assistant? pag sinuswerte nga naman oo Pero sino si Mr Mathew? Mabait kaya sya, gwapo? Kasing gwapo nung masunget na lalaki kanina? May abs? Malaki  lang katawan? Malakas din kaya yung dating nya? Haaayst! Kung ano ano nalang yung iniisip ko eh "Ms Cheon? Nakikinig kaba?" Ayyy! Takti! May sinabi ba sya? Di ko tuloy narinig sa kakaisip nang magiging boss ko, tss Excited na ako bukas! Super dupper excited! "Ha -ha? Ano po?" Utal kung tanong dun sa babae, "Wala" Lumakad nalang sya papalayo, ayooos, Hired na ako, sa wakas Bago sya makawala sa mga paningin ko, umikot sya paharap sakin, ano nanaman kailangan nya? "Agahan mo bukas ah? Miss cheon? Welcome to hell..." Tas nag evil smile sya, Anong ibig nyang sabihin? Hell? Anong kinalaman dun? I dont care, Basta ang akin lang, May trabaho na ako Umuwi agad ako sa bahay,  Nakakalungkot lang kasi nasira pa yung phone ko, Nag c***k yung screen nya dahil sa masunget na lalaking yon... Pumasok agad ako sa bahay, unang sumalubong sakin si mama "Kumusta ang lakad mo anak? Nakakita kaba nang trabaho?" Ngumiti nalang ako kay mama, kaya napangiti narin sya, mukhang naintindihan nya ata ibig kung sabihin ah "Ma! Im hired!" Masaya kong tugon kay mama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD