“ARE YOU okay?” Tango lamang ang naging tugon ni Charlotte sa tanong ni Kevin. Nasa sasakyan sila at nasa daan na pauwi. Nakatingin lamang siya sa labas ng bintana ng sasakyan. Wala siyang ganang makipag-usap dito. Nais niyang umiyak na naman ngunit pinipigilan niya ang sarili. She was too hurt. Sa palagay nga niya ay mas nasasaktan pa siya ngayon kaysa noong ipinagpalit siya ng dating nobyo niya sa isang mananayaw sa club. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon. Nasasaktan siya sa pambabale-wala ni Clinton sa kanya. Nasasaktan siya nang husto sa kalamigan nito. Nais lang naman niyang malaman kung bakit bigla na lang itong hindi nagparamdam sa kanya. Hindi naman siya umaasa ng kahit ano mula rito. Siguro ay iyon ang problema sa kanya. Mahilig siyang magsinungaling sa sarili niya. H

