Chapter 29 Sash’s pov: "Okay, then... I won't call you Cinderella," he said while seductively looking straight into my eyes. “But instead, I will call you… MINE!” … … … A-anong… sabi niya?! U-uhmn. “A-anong ibig mong sabih—" "CINDERELLA!" biglang tawag sa akin ni Heart na tumatakbo papunta sa amin. Itinikom ko na lang ang bibig ko at iniwasan ang mapang-akit na mga mata ni Aizen. Tama na, ayoko na lang isipin. Siguradong ang ibig lang niyang sabihin ay laruan niya ako! Tch! “C-Cinderella, ughh! Pasensya na nahuli ako, ang dami kasing pinagawa ni Leviticus,” paliwanag ni Heart na humihingal pa dahil sa pagmamadali. Pilit akong ngumiti at tumango sa kanya. Kitang-kita ko sa kanyang mukha ang kilig nang itikom niya ang kanyang bibig para pigilin ang sarili na mapangiti ng sobra na