Butler

1914 Words
Chapter 9 Dylan’s pov:   Ano kayang pumasok sa utak ng kumag na ‘yon at kailangan niya pang gawin ito? Tatawa-tawa lang siya na parang baliw pero sigurado akong seryoso siya tungkol dito. Hmn!   Bahala na nga!   Bumaba ako para harapin ang babaeng pinasundo nya. Medyo nagiging interesado din akong malaman kung sino ba ang ‘Sashna’ na ‘yon dahil ito ang pinakaunang pagkakataon na naging gano’n siya kasaya dahil lang sa isang babae. Ang iniisip ko lang ay baka… baka magkagusto siya ng tuluyan sa babaeng ‘yon, magiging malaking problema siya kapag nagkataon!   Nang nasa may hagdan na ako ay nakita ko na ang babae. Hindi muna ako bumaba at pinagmasdan ko muna siya ng ilang segundo. Kung gano’n ay ito ang babaeng tinutukoy ni Prime? Hmn? Anong espesyal sa kanya? Maganda siya at mukhang maganda naman ang katawan ngunit anong kakaiba sa kanya?   Tahimik lang siyang nakaupo sa sopa at bahagyang nakayuko. Tila hindi naman siya mapakali dahil pinipisilpisil niya ang isa nyang kamay. Sa tingin ko ay kinakabahan siya.   “Hey, chill!” I said and started to walked down the stairs.               “Chill mo mukha—” sabi niya ngunit napahinto naman siya nang makita ako.               Medyo nagulat ako ngunit unti-unti akong napangiti. Akala ko ay kinakabahan siya, mukhang hindi pala!? Ahahaha!               Para naman siyang nakakita ng multo nang makalapit ako sa kanya. Hmn, mas maganda pala siya sa malapitan. Her face was smooth and creamy. Her chocolatey eyes have naturally long curved lashes. She has a pointed nose that perfectly matched to the shape of her face. Her lips were thin and seemed very soft as well. She really is a natural beauty indeed; no wonder why Prime immediately fascinated by her.                      “Galit ka ba? I’m sorry for being rude. Hindi ko sinasadyang takutin ka,” paghingi ko ng paumanhin sa kanya.               “H-hindi! Akala ko lang kasi ikaw si… uhmn,” hindi nya itinuloy ang sasabihin ngunit sa tingin ko ay kilala ko na ang tinutukoy niya.               Hindi ko maiwasang matawa dahil sa ka-cute-an ng kanyang ekspresyon, tipong nadismaya siya dahil hindi siya makakapaghiganti! “Ahahaha, si Aizen ba? Akala ko pa naman ay magkaibigan din kayo, pero mukhang kabaliktaran ang tingin mo sa kanya!?”               Napatayo siya sa kanyang kinauupuan ng banggitin ko ang pangalan ng kumag na ‘yon, “Kilala mo talaga ang sira-ulong ‘yon? Sabi ko na nga ba siya ang may pakana nito! Nasaan siya? Lagot siya sa ‘kin!”               Muli akong natawa ng mahina. Ewan ko ba pero inaaliw ako ng babaeng ito! Mukhang bukod sa akin ay may nahanap si Aizen na isa pang babatok sa kanya. Ahahaha!               “You know what?” I said and I stop from chuckling.               “Ha?” tanong niya nang muli akong lingunin ng nagtataka niyang mga mata.   “I like you already,” I smiled.   Suddenly her face turned red and she averted her gaze. Hmn? Am I wrong in saying that? Jeez! Prime might get mad at me for that! Ahahaha!   “Anyway, if you’re looking for him, he’s not here. At sa tanong mo kung kilala ko siya? Ahmn, yeah!? I know a little about that pervert!” I joked.   “He really is a pervert! That pest!” she cursed.   Hmn? Mukhang may kalokohan talagang ginawa ang gunggong na ‘yon sa babaeng ito? Huh, ano pa nga bang dapat kong asahan? Haayyy, napailing na lang ako habang nakangisi.   “Wala siya rito? Eh bakit ako nandito?” pagtataka niya.   “Good question!” I replied and sat down on the single couch in front of her. "Sit down please!"   She sat down and her eyes and ears were on me.   “Do you know where you are?” I asked.   “N-no?” she answered hesitantly.               “Actually, this is the Mafia’s Mansion where the family of the Mafia leaders live and they are the ones we serve,” I started to explain.               “You mean you don't belong to any family of Mafia leaders?” she concluded.               I was a little taken aback for a moment by her question but then, I shook my head and smiled, "Of course I'm not! I’m only a servant!"               "I'm sorry but you don't look like a servant, you look like a prince!" she commented.               “Ah, talaga ba? Naku, Salamat!” sabi ko at kunot-noo akong natawa ulit ng mahina. “By the way, I’m Dylan, Prime’s personal butler!”               “I-ikaw? Ikaw si Dylan?” hindi niya makapaniwalang tanong.               May iba ata siyang inaasahan? May iba ba siyang naiisip? Hmn. Napasulyap ako sa orasan, kailangan ko ng magmadali at siguradong naghihintay na ang kumag na ‘yon. May lakad pa kami mamaya na hindi naman siya talaga dapat kasama pero nakikisiksik ang kumag na ‘yon! Paano, wala siyang magawa dito sa mansyon at puro papeles lang ang kaharap niya. Kahit ako talaga ay naiinip sa trabaho niya. Ahahaha!               “Yes! I’m sorry but we don’t have much time. Let’s get to know each other next time,” I chuckled.                           Nagtikom siya ng bibig at bahagyang tumango.               “So, I'm here to explain the terms and conditions of your job as Prime's personal maid,” I informed.               “Wait, what!? Job?” she said in shocked.               “Yeah, aren’t you looking for a job?” I asked but she zipped her mouth in confusion. “Aizen told me you need a job and a place to live so here I am, granting it all.”               “S-seryoso ba ‘to? Binenta nya ba ako sa inyo?! Ang walang hiyang ‘yon!” nag-aalangan nyang tanong.               “Binenta?” nagtataka kong tanong.               Bakit naman niya iniisip na ibinenta siya sa amin ni Aizen? Habang nakatitig ako sa kanya ay nakikita ko sa kanyang mga mata ang magkahalong lungkot at galit. Mukhang may hindi makakalimutang karanasan ang babaeng ito.               “I’m offering you a job. Hindi ka niya ibinenta,” paglilinaw ko at saka ko siya nginitian. “Ayaw mo ba?”               Hindi pa rin siya nakaimik at tila napapaisip. Ipinagpatuloy ko na lamang ang pagpapaliwanag dahil baka naguguluhan pa rin siya.   “So, here’s the deal, you will be Prime’s personal maid and you have no other job besides that,” I clarified while trying to ease the conversation. “But remember that our boss is a bit possessive so you have no one else to serve but him.”   “S-sino ba si Prime? Siya ba ang… Mafia Lord?” tila nangangamba niyang tanong.   “He is not yet the Mafia Lord, but soon he will,” I declared.   Tumangu-tango lang siya pero halata pa rin na naguguluhan siya base sa sinasaad ng kanyang mga mata. Nakita ko rin ang pagkuyom ng kanyang mga kamay na para bang pinalalakas niya ang kanyang loob. Bahagya na lang akong napangisi.   “One more thing, all the staff here as well as maids and butlers like me are also members of the Mafia so, in order for you to work here you have to be like us!” I stated that made her almost freaked-out.   “What? Do I have to? I mean… I’m not like you! I don’t know what are you and what you do!?” She pointed out.   I faded my smile and spoke seriously, "We are the Mafia and our job is to negotiate with those who need our protection and to kill those we need to kill. Everyone knows that but not everyone understands."   And that’s a fact. So many people fear and hate us because of the kind of work we have. They call us criminals, murderers and heartless but all we do is just work for us.   She lowered her head and clenched her fists even tighter, “So, I need to be a killer?”   “We don't do it just because we want to, but because we need to! We need to protect ourselves, otherwise we are the ones who will be killed!” I spelled out.   Nanatili siyang walang imik at nakatingin paibaba. Sa tingin ko ay nag-iisip siya. Hindi ko alam kung kailangan ko siyang kumbinsihin pero sa tingin ko lagot ako sa kumag na si Prime kapag hindi pumayag si Sashna na tanggapin ang trabaho. Problema ata ito?! Hmn.   “Wala ka namang dapat na ipag-alala dahil ang trabaho mo ay narito lamang sa mansyon. Kailangan mo lamang pagsilbihan si Prime,” dagdag ko pa para maibsan ang pag-aalala niya. “Pero sa tingin ko ay dapat na matuto ka pa rin protektahan ang sarili mo kahit papaano.”   “At… paano ko naman gagawin ‘yon?” tanong nya habang nakatingin sa akin mula sa gilid ng kanyang mga mata.   “Sa tulong ng Mafia Academy, iyon ang eksklusibong paaralan na para lamang sa mga Mafia. Papasok ka doon sa umaga at magtatrabaho ka naman kay Prime paguwi mo dito sa hapon,” sagot ko.   “Pag-uwi? Dito ako titira?” muli nyang tanong.   “Oo. Ang iyong kwarto ay nasa ikalawang palapag at ang kwarto ni Prime ay nasa ikatlong palapag. Nakabukod ang kwarto mo sa ibang katulong sapagkat ikaw ay direktang magtatrabaho kay Prime na tulad ko.”   Hindi maipinta ang kanyang mukha. Hindi ko tuloy alam kung nasasabik ba siya o kinakabahan. Nakumbinsi ko na ba siya?   “Ang ‘yong sahod ay tuwing ika-lima at ika-dalawampu ng buwan. Libre ang iyong pagkain, tirahan at pag-aaral kaya wala ka ng aalalahanin pa,” patuloy kong pangungumbinsi sa kanya.   Ilang segundong nagsalubong ang mga kilay nya sa pag-iisip. Hindi ko alam pero napapangiti ako sa itsura nyang iyon. Eto ba ang dahilan kung bakit gano’n na lang kasaya ang baliw na si Prime?   “Ang totoo, wala na talaga akong mapupuntahan kaya wala na rin namang mawawala sa akin kung susubukan ko, hindi ba?” seryoso nyang sabi habang nakatingin paibaba.   Walang mawawala? Ibig bang sabihin… ulila na sya?   “S-sige, tinatanggap ko!” tugon niya sa aking alok.   Sandali akong napatikom at napaisip. Kung gano’n ay wala na siyang pamilya. Paano ba siya nakilala ni Prime? Naaawa lang ba siya kay Sashna kaya niya ginagawa ito?  O baka… may iba pang dahilan?   “Magaling! Kung gano’n tara na!” sabi ko at muli siyang nginitian.   “T-tara? Saan?” tanong nya.   “Kay Prime, siguradong kanina ka pa niya hinihintay!” sagot ko at nagsimula ng maglakad paakyat ng hagdan.   “H-ha? N-ngayon na ba?” nauutal nyang tanong.   Mukhang nawala ang tapang niya kanina ah? Ahahaha! Kung alam niya lang kung sino ang haharapin niya sigurado akong kakaripas siya ng takbo para sumugod doon!   Dahil sa nakakaaliw niyang reaksyon ay naisipan ko pa siyang biruin, “H’wag kang kabahan, kapag pakiramdam mo may gagawin siya sa ’yong masama, sapakin mo na lang siya bigla! Ahahahha!”   “H-ha?” gulat niyang tanong.   Pinigil ko ang aking tawa ngunit ang ngiti sa mukha ko ay hindi na nawala. Sa tingin ko ay masaya ngang nandito ang babaeng ito. Bahala na si Prime, titignan ko na lamang ang mga susunod na mangyayari.   Good luck… Sashna.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD