Dishes

1718 Words
Chapter 5 Sash’s pov:   "Tapos na po kami!" magkasabay na sabi ng kambal at masayang nagsitayo sa kani-kanilang upuan.               “Sige, hintayin nyo ako sa labas, maglaro ulit tayo!” nakangiting sabi ng nakakairitang lalaki.               Kunot noo kong ipinikit ang aking mga mata dahil nakatitig na naman ako sa kanya. Nakakinis talaga! Lumingon ako sa ibang direksyon bago imulat muli ang aking mga mata para iwasan ko na mapatitig pa sa kanya.                           “Iha, tapos ka na bang kumain? Magpahinga ka muna,” sabi ni lola at tumayo na din siya.               Tapos na akong kumain at ganoon din ang lalaking nasa aking harapan. Nagsimula ng ligpitin ni lola ang mga pinagkainan kaya tumayo na din ako at agad ko siyang tinulungan, “Naku lola, ako na po ang bahala dito! Ikaw po ang magpahinga na.”               Kinuha ko ang mga platong hawak niya at nginitian ko siya.               “Pero iha, baka hindi pa maayos ang pakiramdam mo?” pag-aalala niya.               Tumayo naman ang lalaki matapos nitong uminom ng tubig at hinawakan ang magkabilang balikat ni lola.               “La, magpahinga ka na! Ako ng bahalang tumulong sa kanya!” sabi ng lalaki at marahan siyang itinulak papuntang sala.               “Pero apo—”               “No more buts! Manood ka na lang ng TV, kami na ang bahala!” pagputol ng lalaki sa sasabihin sana ni lola at iniwan nya na ito sa sala.               Hindi ko maintindihan ang ugali ng lalaking yo’n, mukha naman siyang mabait kina lola pero bakit parang lagi niya akong binubwisit?               Matapos kong mailigpit ang mga pinagkainan ay iniligay ko na ito sa lababo para hugasan. Binuksan ko ng kaunti ang tubig upang hilamusan muna ang mga pinggan tsaka ko kinuha ang isang plato at isinahod sa gripo.               “Ako na ang gagawa niyan!”               “H-ha!” sa gulat ko ng marinig ang boses niya ay nabitawan ko ang plato.               Agad niya naman iyong nahawakan dahil nakatayo na pala siya sa aking likuran ng hindi ko man lang namamalayan. Sandali, tao ba siya? Bakit hindi ko man lang naramdaman ang paglapit niya sa akin?               Sa gulat ko ay natigilan ako buti na lang talaga at nasalo niya ang plato kung hindi ay nabasag na ito.   Bahagya akong umusog at tinignan siya mula sa gilid ng aking mga mata. Hindi naman siguro siya multo, hindi ba?   “Masama pa ba ang pakiramdam mo? Magpahinga ka na, ako na lang ang gagawa ng mga ito,” sabi niya na wala man lang ekspresyon sa kanyang mukha.   Malayo sa nakakiritang mukha niya sa tuwing aasarin ako, nagiging mabait na ba siya sa akin?   “Hindi, a-ako na! Kaya ko naman ito!” sabi ko at kinuha ang plato mula sa kamay niya.   Hindi siya umimik at naghugas na lamang ng kanyang mga kamay.   “Oh, bakit nakatingin ka na naman? May gusto ka sa ‘kin ano?” direkta nyang tanong na nakapagpapula ulit ng aking mukha.   “A-ANO? Hoy! Kilabutan ka nga, hindi ka gwapo ‘no!” kunot-noo kong pagtanggi.   Pinatay niya ang gripo matapos maghugas ng kanyang mga kamay tsaka bahagyang humarap sa akin na naniningkit ang mga mata, “Talaga ba?”   Halos dalawang dangkal lang ang lapit ng kanyang mukha sa akin kaya hindi ko maiwasang manlaki ang aking mga mata. Tila huminto na naman ang pagtibok ng puso ko. A-ano ba ‘tong ginagawa niya? Bakit niya ako tinititigan ng ganito?   Maya-maya pa ay bigla na naman siyang ngumisi.   “Eh bakit… namumula ‘yang mukha mo!” sabi nya sabay pahid ng basa niyang kamay sa aking mukha!   “Ahh!!! A-ano ba!?” irita kong tili dahil sa ginawa niya.   Ih!!! Nakakainis talaga siya!   Pinahid ko ang aking mukha ng aking braso upang tuyuin at saka ako muling tumingin sa nakakainis na lalaki pero… hindi ko inaasahang ang kanyang matamis na ngiti ang bubungad sa akin.   “Hey Sashna, right?” he asked as if he had done nothing terrible.   Hindi ako sumagot dahil naiilang ako sa ngiti niya. Iba kasi yo’n sa mapang-asar niyang pagngisi at iyon ang unang pagkakataon na nginitian niya ako ng ganoon. Pakiramdam ko ay tatalon palabas ang puso ko mula sa aking dibdib, bakit ganito?   Inilagay niya sa magkabila niyang bulsa ang kanyang mga kamay pagkatapos ay tinalikuran na ako at naglakad na ng marahan palabas ng kusina, “Kung gusto mo ay makipaglaro ka sa amin pagkatapos mo d’yan, nasa labas lang kami ng kambal.”   Hindi pa rin ako umimik at hinarap ko na lang ang mga hugasin.   Hmp! Akala niya ba madadala niya ako ng pagngiti-ngiti niyang yo’n? No way!   Ibinaba ko muna ang plato at sandaling napatulala mula dito. Napahawak ako sa aking dibdib at napaisip.   Haayyy, oo na! Hindi ko alam kung bakit nagtatatalon na lang bigla ang puso ko nang makita ko ang ngiti nyang yo’n at hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ito. Naiinis ako sa kanya pero ewan ko ba kung bakit napapatitig ako sa kanya palagi. Ilang beses nya tuloy akong nahuli, nakakahiya!   Haayyy!   Iniling-iling ko ang aking ulo at pinilit na alisin sa isip ko ang kahihiyang nararamdaman ko. Tinapos ko ang mga hugasin at paglilinis ng kusina tsaka ako nagpunta sa sala. Nadatnan ko doon na nakahiga si lola sa sopa at mahimbing na natutulog. Bahagya akong napangiti at pinatay ko ang telebisyon upang hindi sya maistorbo sa kanyang pagtulog.   Maya-maya ay narinig ko ang sigaw ng kambal mula sa labas kaya napalingon ako sa may pinto. Nagtataka ako kung anong laro ang kanilang ginagawa dahil sumisigaw sila at hindi nagtatawanan. Lumabas ako ng bahay, nakita kong may mga hawak na kahoy na espada ang kambal at naglalaban.   Hmn?   Naroon din ang nakakainis na lalaki na nakaupo at pinagmamasdan lamang sila habang nakasalo ang palad sa kanyang baba.               “Hyah!” sigaw ni Clarence at malakas na inihampas ang laruang espada sa kanyang kapatid.               “Aray!!!” hiyaw naman ni Clarisse nang tumama ito sa kanyang braso kaya naman nangunot ang noo ko.               Parang hindi naman laro ang ginagawa ng magkapatid sa lakas ng paghampas ni Clarence kay Clarisse pero ang nakakabwiset na lalaking yo’n ay hinahayaan lamang silang magkasakitan!               Magkasalubong ang aking mga kilay ng lapitan ko sila. Hahampasin sana ulit ni Clarence si Clarisse ng kanyang kahoy na espada nguit hindi niya namalayang nasa likuran niya na ako at napigilan ko ito.               “Ha?” taka niyang tanong bago lumingon sa akin.               Tumayo si Clarisse mula sa pagkakaupo sa lupa at lumapit sa akin para yumakap.               “Ano bang ginagawa nyo? Hindi naman laro ‘yan eh!” panenermon ko.               “Eh?” kunot-noong usal ni Clarence na para bang dismayado at ibinaba niya ang kanyang espadang laruan.               “Ikaw Clarence hindi mo dapat sinasaktan ang kapatid mo lalo na’t babae siya,” sabi ko sa kanya.               “Sabi ko na sayo kuya dapat tayo na lang ang naglaban, nasermonan tuloy ako!” sabi ni Clarence habang kumakamot ng kanyang ulo.               Hindi naman sumagot ang lalaki at ngumisi lang kay Clarence.   Aynaku! Ang sarap niyang sapukin!   “Iba na lang kasi laruin natin!” sabi ni Clarisse habang nakayakap sa akin.   “Anong laro naman kaya?” yamot na tanong ni Clarence.   “Bahay-bahayan! Tayo ‘yong mga anak, si ate ‘yong Mommy at si kuya naman ‘yong Daddy!” sagot ni Clarisse na ikinaluwa ng mga mata ko sa gulat.   A-ano?!   “Tapos gagawa kami ng baby?” biglang sabi ng nakakairitang lalaki kaya mabilis ko siyang tinapunan ng matalim na tingin.   SIRA-ULO!   Tumawa na naman siya at umusok na naman ang tenga ko sa inis. Hay naku!   “Manahimik ka d’yan! Hindi mo man lang sila inaawat kahit nakikita mo nang nasasaktan si Clarisse!” inis kong sabi sa kanya.   Tumigil siya sa pagtawa ngunit ang nakakainis niyang pagngisi ay naroon pa rin sa kanyang gwapo— ay nakakaasar na mukha pala!   Halos tumirik ang mga mata ko sa inis sa kanya. Napabuntong-hininga na lamang ako at pinilit pakalmahin ang aking sarili, pero konting-konti na lang talaga lagot na sya sa ‘kin! Hmp!   … … …   "Who told you that… we were playing?" he asked me seriously while smirking.   H-ha?   Napahinto ako ng sandali at napatitig sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung anong pangingilabot itong gumagapang sa aking katawan habang nakatitig sa kanya. A-anong ibig niyang sabihin?   Tumayo siya at marahang naglakad papunta kay Clarence. Hindi ko maialis ang pagtitig ko sa kanya kahit nakakaramdam ako ng takot lalo na ng mapansin ko na naman ang hikaw niyang suot sa kaliwa niyang tenga.   Oo nga pala, isa nga pala siyang… Mafia!   Kung gano’n ay hindi sila naglalaro, sila ay… nagsasanay!   Tumalim muli ang tingin ko sa kanya. Hindi ako sang-ayon sa ginagawa niya sa kambal! Napakabata pa nila para magsanay at matuto ng karahasan, ano bang naisip niya at ginawa niya ito?   Kinuha niya ang laruang espada ni Clarence at iwinasiwas sa hangin. Napapahanga ako sa simpleng paghampas lamang ng kanyang kamay ay mahahalata nasanay na sanay siya sa paghawak ng patalim. Napalunok na lang ako ng laway habang nakayakap kay Clarisse.   A-ano bang pakiramdam ito? Bakit ba… kinikilabutan ako?   … … …   He suddenly stared at me with his devilish eyes and asked, "Are you afraid of me, Sashna?"               Tila nanigas ako ng sandali sa kinatatayuan ko. A-ang kumag na ‘to, mukhang sinasadya niyang takutin ako! Tzk!   Pinilit kong mawala ang takot ko sa kanyang mga titig. Naalala ko ang sinabi ng Daddy ko, hindi dapat katakutan ang Mafia kaya bakit ako matatakot sa kanya?! Wala akong pakealam kahit isa pa siyang Mafia! Naikuyom ko ang aking mga palad ng mahigpit, hindi ako nagpadaig sa mga titig niyang naninindak at tinitigan ko din siya ng masama. … … …             “Sino ka para katakutan ko?!” matapang kong sabi sa kanya.             Tila nagulat naman siya sa sinabi ko at agad na naglaho ang nakakakilabot nyang anyo. Ilang segundo din siyang natigilan habang nakatitig sa akin na para bang namamangha? Bakit? Ano ba ang nasabi ko?             Maya-maya pa ay natawa siya ng mahina, “Ahahahahaha! Mabuti naman! Kung gano’n… tara, maglaban tayo!”             A-ANO?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD