5 minutes

2041 Words

Chapter 14 Sashna’s pov:               Tumunog ang bell ng Academy, senyales na tapos na ang klase. Napabuntong-hininga na lang ako kasi pakiramdam ko ay mamamatay na talaga ako dito. Ni walang ibang pinag-usapan kung hindi kung paano ang iba’t ibang uri ng pagpat! Sinasabi ko nan ga ba at hindi paaralan ito! Haayyy!!!               Natapos ang kalahating araw at ang susunod ko namang dadanasin ay ang pagiging personal na alalay ni Prime. Iniisip ko pa lang siya ay kinikilabutan na ako. Buhay pa ba talaga ako? Bakit pakiramdam ko nasa impyerno na ako? Huhuhu!               “Okay ka lang?” tanong ng babaeng katabi ko kanina.               Pababa na kami ng gusali at magkasabay kami sa paglalakad. Marahil ay napansin niya ang pagbubuntong-hininga ko kaya nya ako tinanong.         

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD