Maxine Lyanne's POV "Anong kailangan niyo at nagawi kayo sa mansyon namin?" nakangiting tanong ni Daddy sa lola ko. Nasa pinakalikod kami ni Gamble at nakayakap ako sa kanya. Nasa harapan namin sila Daddy, mommy, tita, Mr. Hariente, Hades, Khloe at Neandro. Nakita ko na hinahanap-hanap ako ng mga mata ni Lola pero hindi na ako nag-abala na salubungin ito. Malalaking tao sila Neandro kaya natatakpan ako. "Gusto naming makausap ang apo namin," sagot ni Lolo Elpidio. Napailing agad ako kay Gamble. Hinalikan ni Gamble ang noo ko at ngumiti siya sa akin. Ayokong kausapin ang mga lola ko dahil baka bigla na lang nila akong ipahila palabas sa mga tauhan na kasama nila. "Hindi niya gusto," blangkong sagot ni Neandro. Mismong si Neandro na ang tumatanggi. Kahapon lang, s

